Chapter 10 - Confirm

3.4K 137 24
                                    

"Everything is arranged na, Ate Riah. Pati guest list, na-provide ko na rin," ani Pretzhel sa kausap sa kabilang linya. Nasa bakeshop siya at nag-a-airbrush ng cake. Naka-bluetooth headset siya at ang round cake ay nasa turntable kaya hindi siya hirap.

"Thanks, Pret. Pasensya na rin sa abala," bakas ang hiya at paghingi ng paumanhin sa tinig nito. "Alam kong marami ka ring ginagawa sa bakeshop, tapos ikaw pa ang nag-arrange ng party namin."

"Sus! Anong abala? Hindi abala ito, Ate. I enjoyed arranging your engagement party." Umatras siya at sinipat ang kinalabasan ng pag-airbrush ng green na kulay sa base ng cake. Matingkad na green iyon na nagiging light ang kulay pataas. Garden theme ang cake. Ang mga flower decoration na ilalagay niya sa two-tiered round cake ay kanina pa niya na-airbrush. Ilalagay na lang sa cake. "Just focus on your studies, Ate. Actually excited na nga rin akong mag-arrange ng kasal ninyo ni Kuya."

"That's too much na, Pret. Kukuha na ako ng wedding coordinator for that. May trabaho ka rin naman sa bakeshop."

"No need for a coordinator, Ate. Believe me, I can manage," himok niya.

"We'll discuss further na lang pagdating namin ni Gab diyan sa isang araw. Anyway, send my regards and thanks to Mama and Papa. Miss ko na kayo diyan. Lamang ay kailangan kong humabol sa school."

"Yeah. Alam naman namin, Ate.  At wala ka bang klase ngayon?" aniya na sumulyap sa relo sa dingding. Alas otso ng umaga. May dalawang oras pa bago ang pick-up ng cake. Ibinaba na niya ang airbrush, ipinatong sa bottom tier ang kaka-airbrush pa lang na top tier ng cake. Kinuha niya ang mga fondant flowers at leaves.

"We're still waiting for our prof. And speaking of, dumating na."

"Oh. Okay. Bye, Ate. See you in three days!"

"See you! Bye!" paalam nito bago naputol ang tawag.

Napangiti siya habang inilalagay ang design ng cake.  She can't help but be happy for her brother and Riah.

Parang kelan lang nang magkasama sila ni Riah sa bakeshop na ito. Nakilala at kinalaunan ay naging nobya ng kuya niya. Nang umalis sa kanila ay saka lang nila nalamang galing pala sa political clan at hindi lang basta mayaman ang dalaga. Mayamang-mayaman ito. Parehas na side ng pamilya ay mayaman talaga.

Yet Riah remained humble.  Grounded. Helpful.

She's extremely happy that her brother and Riah's relationship is getting stronger as time passes by. Na hindi naman nakapagtataka. Kilala niya ang kapatid. Once he set his mind on something, he won't stop until he succeeded. And she haven't see that determined look on his brothers eyes before. And true enough, within three months, she's arranging their engagement party.

Nauna nang nagkaroon ng simpleng engagement party sa Surigao. Pero ayon kay Riah ay para lang sa malalapit na kaanak at kaibigan. More of like a dinner lang daw ang nangyari sa beach house nito roon. Dahil busy si Riah at nasa detachment din ang kuya niya ay simpleng pagtitipon din lang sana ang gagawin na para naman sa mga kaanak nila. 'Yong parang paghahanda lang nila kapag dumarating ang kuya niya sa kanila.

It was her and her mother's idea to make it a lot more special.

Mula sa dine-design-an na cake ay napatingin siya sa cellphone na nakapatong sa bench. Dahil naka-headset ay rinig niya nang tumunog iyon. Base sa notification ay may chat na pumasok.

Mula kay Clifford.

Mabilis niyang inabot ang cellphone. Titingnan na niya ang message mula rito nang matigilan siya. Pumikit si Pretzhel at muling ibinaba ang aparato.

Imbes na tingnan ang chat ay itinuloy na lang niya ang ginagawa. May ideya naman na kasi siya kung ano ang message ng binata. At oras na makita nito na na-read na niya ang message nito ay magsusunod-sunod na ang chat nito sa kanya. Bibiruin siya nitong tiyak na nag-read siyang kaagad kasi nag-aalala at nami-miss na niya ito. Hanggang sa maungkat na naman ang muntik na paghalik nito sa kanya noong huli silang nagkita.

MISSION 3: Claiming YouWo Geschichten leben. Entdecke jetzt