Chapter 48 - Fairy Tale

3.2K 165 50
                                    

Nang makita ni Clifford si Gabriel na pumasok sa kwarto ay nakahinga siya nang maluwag.

Nagpasabi ito na male-late ng dating sa kwarto kung nasaan siya kasama ang ibang groomsmen dahil kukuhanan pa ng portrait ng Rosales family. At kung narito na si Gabriel ay ibig sabihin na ready na ang bride niya.

Wala ng atrasan. Ilang oras na lang, official na magiging Mrs. Clifford Sales na si Pretzhel Rosales.

A huge grin curved Clifford's lips.

"Tara na sa venue," yaya niya bago pa man makalapit sa kanya si Gabriel.

Araw ng kasal nila ni Pretzhel. Kasama niya sa kwarto ang mga groomsmen para sa photoshoot. Sabi ng photographer ay patapos na sila sa loob ng kwarto at sa labas naman magpo-photo shoot. Pagkatapos niyon ay saka sila pupunta sa tabing dagat kung saan ang venue ng kasal nila ni Pretzhel.

Matagal nilang pinag-usapan ang venue ng kasal nila. Noong una ay pinipilit niya si Pretzhel na destination wedding din sila, tulad nina Gabriel at Riah. Pero binigyan siya ni Pretzhel ng mga dahilan kung bakit Anvaya ang perfect venue ng kasal nila.

Una na raw ang importansya ng Anvaya sa relasyon nila. Hindi raw ipagpapalit ni Pretzhel ang Anvaya sa ibang lugar dahil halos lahat ng importanteng pangyayari sa pagitan nila ay sa Anvaya naganap. Gusto rin naman daw nito na mamamasyal sa ibang mala-paraisong isla sa Pilipinas, pero ang kasal nila ay gusto ni Pretzhel na ganapin sa lugar na importante sa kanilang dalawa. Anvaya is such a picturesque location, too.

Pangalawa ay ang gastos. Hindi na siya binigyan si Pretzhel ng pagkakataong kumontra doon. Pretzhel said she's just being practical. Pret mentioned she'd rather save the money for their future spending because once they had their little one, they will be spending a lot. Clifford got so excited and he clarified what she meant by that. But Pret said it's just a matter of time, but sooner or later, she will be pregnant with his child.

Pangatlong dahilan ni Pretzhel ay ang mga bisita nila na dadalo. Anvaya ang pinaka convenient na lugar para sa mga bisitang karamihan ay manggagaling sa Bulacan at Pampanga.

At sa huli naman ay kung ano naman ang gusto ni Pretzhel, iyon naman ang susundin niya.

"Sandali lang, Sir. May bride and groom gift exchange pa," paalala ng assistant ni Ruth na kasama nila sa kwarto.

"At saka wala pang kuha na magkasama tayong dalawa," ani Gabriel na sumenyas sa photographer.

"Oo, nga, sir. We'll take a few more shots po ngayong kompleto na ang groomsmen ninyo," anang photographer na lumapit sa kanila.

Pinagkiskis ni Gabriel ang dalawang palad saka tuluyang lumapit sa kanya.

"Ganitong shot ang gusto ko," ani Gabriel. Umikot ang braso nito sa leeg ni Clifford na animo'y sinasakal siya. "Sino may dalang sidearm diyan? Pahiram. Props lang."

Tinapik ni Timothy sa balikat si Gab. "Puro ka talaga kalokohan, Gabriel."

"Hindi ako nagloloko, bok. Ire-recreate namin ang kung paano ko uubusan ng buhay itong si Sales oras na lokohin niya ang kapatid ko," ani Gabriel na lalong humigpit ang kapit sa leeg niya.

Napuno ng tawanan ang kwarto kung nasaan sila.

"Si Pretzhel, lokohin ni Clifford? Malabo 'yon, bok," singit ng nailing na si Jason.

Tumikhim si Eugene, "Ang akin naman ay suggestion lang, ano. Pero kung ako sa iyo, Gab, para sure na hindi lokohin ni Clifford ang kapatid mo, patikimin mo na kaagad 'yan ng kamay na bakal. Saktan mo na kaagad in advance!"

MISSION 3: Claiming YouWhere stories live. Discover now