Prologue

5.1K 107 2
                                    

Through Quarrels

written by PekengKyoot

Hiding love through quarrels

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.


Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way.

------------------------------------------------------------------

PROLOGUE

"Anak, pagbuksan mo naman yung kumakatok," rinig kong utos saakin ni Mama, na nagwawalis sa kusina.

Tinigil ko muna ang pagkukulay kay Barbie at tumayo para sundin ang inutos ng aking ina.

"Welcome daw sainyo sabi ni Mommy," ang sabi ng batang lalaki na sa tingin ko ay kasing-edad ko lang o di kaya naman ay mas matanda sa'kin ng isa hanggang dalawang taon.

"Nasaan ang Mommy mo? Bakit ikaw ang may dala nyan, hindi siya? Atsaka, bakit hindi ka nakangiti?"

Ngumiti naman siya pero pilit. Pilit na pilit.

"Pilit naman yan eh."

"Kunin mo na nga lang!"

Nagsalubong ang kilay ko sa pagiging masungit niya. Ang bata bata pa lang highblood na agad! Ganun pa man, tinanggap ko ang cassava cake na dala niya.

"Batang daga! Bleh!"

"Mama!" iyak ko habang nakatayo pa rin at may bitbit na tray.

Narinig ko ang pagkaluskos ng pagmamadali ni Mama. Huli na nung malapitan niya ako. Nakatakas na ang batang mapang-api.

"Bakit, baby?"

Humupa ang pag-ngawa ko nang tawagin ako ni Mama sa paraan na pinakagusto ko─ ang "baby". Lalo na nung niyakap niya ako kasabay ng paghaplos sa buhok ko.

"Kanino galing yan?" Kinuha niya sa'kin ang dala ko.

"Doon po sa bata. Mama, tinawag niya kong batang daga," naiiyak na sumbong ko. Natuluyan ito nung tinawanan ako ni Mama.

"Ikaw ang pinaka-cute na daga," pangbawi niya. Pinisil niya ang magkabilang pisngi ko.

Nung hapon, maagang umuwi galing sa trabaho ang Papa ko. Sabay nila ni Mama kinain ang cassava cake na galing sa batang mapang-api. Panay ang alok sa'kin ni Papa na tikman ko iyon dahil masarap daw at tiyak na magugustuhan ko pero panay ang tanggi ko.

"Ayaw niyan kasi sinabihan daw siyang daga nung batang nag-abot nyan," tumatawang sabi ni Mama.

Sumimangot ako. Lalo silang natawa.

Sinabihan nila ako na makipaglaro sa labas. Mag-iisang linggo na kami dito sa bago naming bahay pero wala pa rin akong nakikilalang kalaro. Pumayag nalang ako kaysa naman hayaan silang pagtawanan ako ng pagtawanan. Tinawag na ngang "batang daga" ang anak nila, tinatawanan pa nila. Tss.

Nung nasa labas na ko ng gate, nilibot ko ng tingin ang buong lugar. Malalaki ang mga bahay sa lugar na ito di tulad sa lugar na dati naming tinitirahan. At ang bahay na katapat ng amin ang pinakamalaki. Gate palang walang wala na ang saamin maging ang ibang mga bahay. Kahit malawak ang distansya ng bawat bahay, sigurado akong ang bahay na iyan ang nangingibabaw. Naisip ko na, sobrang yaman siguro ng nakatira dyan.

Through Quarrels (TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon