Quarrel 58 : That Zach's kind of stare

1.1K 37 3
                                    

Quarrel 58 : That Zach's kind of stare

"You should have been sleeping right now, and you're not suppose to be outside at this hour. Bilang babae, hindi ka ba natatakot lumabas sa ganitong oras?"

Umayos ako ng upo. "Ikaw din naman, ah," katwiran ko. Nakipagtitigan ako sa seryoso niyang mga mata.

"Mas delikado para sa babae," aniya. "Baka hinahanap ka na ng parents mo."

"Pinayagan nila ko," proud na sabi ko.

Kumunot ang noo niya. Umupo siya sa tabi ko.

Nanaig ang katahimikan sa'ming dalawa. Mga kuliglig lang ata ang nagpapaingay sa paligid. Tuwing titingin ako sa mga mata niya, hindi ko mahanap ang totoong Zach. Naninibago ako sa kanya. Ang tahimik niya kasi which is very unlike him. Higit sa lahat, hindi siya nang-aasar. Kahit naiinis akong inaasar niya ako noon, aaminin kong namimiss ko iyon.

"Kamusta ka na?" Sabay pa naming naitanong.

Natawa kami pareho at nag-iwas ng tingin. Uh... bakit parang ang awkward ng atmosphere?

Sumabog ulit ang katahimikan.

"Hindi ka pa ba inaantok?"

"Nagugutom ka?" tanong niya na sumabay na naman sa tanong.

Natawa ulit kami.

"Umuwi ka na kaya? Baka hinahanap ka na sainyo. Atsaka delikado para sayo ang nasa labas nang ganitong oras."

"Hindi naman ako natatakot," sabi ko. I looked at him and our eyes met. "Kasi nandito ka."

Tulak ng bibig, kabig ng dibdib. Ayan ang naiisip kong dahilan kung paano ko nasabi ang bagay na 'yon.

"Uhm, ikaw. Baka hinahanap ka na sa inyo," wika ko.

"Di nila ako hahanapin basta't alam nilang ikaw ang kasama ko."

At bakit hindi ko mapigilang hindi kiligin sa sinabi niya? Alam ko ang babaw pero napangiti talaga ako.

Nag-iwas ako ng tingin. Pinukol ko ang mga mata ko sa malayo. Subalit hindi pa rin matahimik ang pakiramdam ko. Hindi ako mapakali. Kasi naman, itong katabi ko, ginagamitan na naman ako ng mga titig niyang parang nanghy-hypnotise.

"Tigilan mo nga yan!" Tinakpan ko ang mukha niya gamit ang palad ko.

Hinawakan niya ang kamay ko at inalis sa mukha niya ngunit hindi ito binitiwan. Tinitigan na naman niya ako. Ako naman eh parang na-hypnotise na ng tuluyan sa mga titig niyang nang-aakit. Hindi ko alam kung ginagawa niya ba ito sa ibang babae o saakin lang.

Ganito ang madalas niyang gawin kapag natatahimik ako o natutulala. Tititigan niya ako hanggang sa maramdaman ko ito at mapatingin ako sa kanya. Naka-smirk ang mga mata niya, yung titig na nang-aakit at the same time parang nanghy-hynotise? Ganun ang definition ko sa titig niyang iyon.

"Uuwi na ko." Tumayo ako at tumalikod sa kanya. Obvious bang umiiwas ako? Di ko na kasi keri ang "pang-aakit stare" niya.

"Hatid na kita," prisinta niya. Nakarinig pa ako ng mahihinang tawa mula sa kanya.

"Di na," tugon ko pagkatapos kumaripas ng takbo.

Mabilis akong tumakbo. Kaya nga heto, hindi ako mahabol ni Zach. Mabilis siyang tumakbo pero mas mabilis ako sa kanya.

"Kapag ikaw nahabol ko..." banta niya.

I looked at him over my shoulder, then stuck my tongue out at him.

"BORA, WATCH OUT!" sigaw niya.

Pagtingin ko muli sa harap, may puting van ang huminto sa harap ko. Sobra akong na-shock ng maglabasan sa sasakyang iyon ang apat na mga lalaking barako. Kinuha nila ako at sapilitang pinasok sa van.

Naririnig ko si Zach na panay ang sigaw. Sinubukan kong lumaban at makawala. Nainis ang mga lalaki kaya ginamitan na nila ako ng panyong may pangpawala ng malay.


Through Quarrels (TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now