Quarrel 15 : Juice ko!

1.2K 48 2
                                    

Quarrel 15 : Juice ko!

 

"Pa-order naman, Miss beautiful!" tawag ni Alvin kay Claire, ang kini-kwento ko sa inyo na isa pang serbidora na 25 years old.

Natawa ang tatlong magkakaibigan sa pamumula ng pisngi ni Claire. Hay nako. Nagsama-sama na naman ang tatlong unggoy.

Nahihiyang lumapit si Claire at nakipag-usap sa malanding si Alvin para kunin ang mga order nila.

"Balita ko may boyfriend ka na daw?" usi ni Klenze kay Suzy.

"Uh . . . oo." Kapansin pansin sa kaibigan ko ang pagka-ilang. Na-kwento ko na ba sainyo na ilang sa lalaki ang babaeng 'yan?

"Nice," ani Klenze. "Nag-kiss na ba kayo?"

Nanlaki ang mga mata ni Suzy at kapansin-pansin ang pangangamatis ng mukha niya. Ako rin naman nagulat sa tanong ni Klenze.

"Uhm . . . ano . . ." Hindi makasagot si Suzy. Yumuko siya at inayos ang salamin. Dinaanan niya nalang sa pagkain ng tachos ang awkwardness sa tanong ni Klenze subalit hindi niya magawang kumain ng maayos. Nasa sitwasyon siya na hindi alam kung ano ang gagawin basta ang gusto niya ay ang makatakas.

"Ikaw, Klenze!"

"Painom ako." Hindi ko pinansin si Zach. Nagpatuloy ako sa pagdada.

"Kung anu-ano tinatanong mo kay Suzy ha!" Tumayo ako at bumwelo para batukan si Klenze kaso inagaw ni Zach ang galit ko na dapat ay kay Klenze sa pamamagitan ng paglagok ng fresh lemon juice ko. Siyempre dahil lumipat ang galit ko sa kanya, lumipat din ang kamao ko sa mukha niya na dapat ay para kay Klenze rin.

"Aray, ano na naman 'yon?"

"SINO NAGSABING INUMIN MO YAN, HA?"

"Nagpaalam naman ako ah," katwiran pa niya.

"Pumayag ako, ha? Pumayag?"

Di siya sumagot. Hinimas niya lang ang pisngi niya na sinapak ko. Tiningnan niya ako nang naka-pout (like a kid) pagkatapos nilagok na naman ang juice ko hanggang sa maubos niya ito.

"Saraaap," he said and then licked his lips while gazing up at me.

"ARGH! Nakakaasar ka talaga!" Pinagpapapalo ko siya.

Siya naman ginawang pananggala ang mga braso niya.

"Hey, dalawang nag-iibigan, tama na ang away. College na kayo, hindi na highschool," awat ni Alvin sa'min. Nag-effort pa talaga siyang tumayo para paghiwalayin kami ni Zach. Or shall I say, para ilayo ako kay Zach.

Pero teka, ano yung sinabi niya? Dalawang . . . ?

"Grabe naman kayo," Klenze told. "Nagka-boyfriend na si Suzy lahat lahat hindi pa rin kayo nagkakasundo?"

"Sa pang-iinis niya sa'kin?" Binalingan ko ng nakamamatay na titig si Zach. "Malabong magkasundo kami." Inayos ko ang damit ko at umupo.

"Pero hindi malabong magkatuluyan kayo?"

"Oo─ ha? Ano yung tanong mo, bestie? Di ko masyadong narinig." Liar! Rinig na rinig mo ang mga salitang binitiwan ni Suzy!

"Kunwari pa," panunuya ni Klenze. "Di na ko magugulat kung isang araw maging kayo."

"Tumigil nga kayo!" saway ko pero hindi sila nakinig.

Nakisali pa si Alvin. "Posible yan, Klenze. Alam mo kasi, madalas na nagkakatuluyan ang mga ganyan. Yung palaging nag-aaway."

"Blah blah blah." Tinakpan ko ang magkabila kong tenga gamit ang mga kamay ko at pumikit. Di ko matagalan ang mga makahulugang tingin at ngiti nila habang tinitingnan kami salitan ng katabi ko, si Zach.

"They're hiding love through quarrels." Pati si Suzy nakisali na rin. Seryoso ang tinig niya. Walang anumang pang-aasar kang maririnig di tulad ng kina Klenze at Alvin.

Nakakaloko talaga siya! Kung ako nililigtas ko siya sa issue, siya naman tinutulak ako. Oh, this is a true friendship.

 Author's Note:

Sorry if the update took for three days. I've been busy. Sa school, and also sa galaan xD


By the way, may account na po ang BoChariah. Search niyo nalang po ang full name nila sa fb.


And oh, I wanna say Hi to Ferlyn! Happy reading, dear! Sorry kung di ko ma-dedicate. Nag-ha-hang kasi si lappy :)

Through Quarrels (TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now