Quarrel 49 : Naninibago

1K 36 1
                                    

Quarrel 49 : Naninibago

Madalas bumisita si DJ sa bahay. Palagi pa siyang may dalang mga pasalubong sa family ko. At kapag tumatambay kami sa garden, nahuhuli ko siyang sumusulyap sa bahay nila Zach. Ramdam kong miss na miss na niya ang kaibigan. Kung ako nga kahit palagi kaming magka-chat sa Skype (except for the months na hindi siya nagparamdam dahil nga sa pinaplano niyang surprise sa pagbalik niya), na-miss ko pa rin siya, ano pa kaya yung anim na taong walang pansinan. Plus, magkaaway pa silang dalawa bago lumipad ng Canada si DJ. Well, until now hindi pa rin nagkaayos ang dalawa.

Nasa bakasyon pa rin kasi si Zach hanggang ngayon. At sana pagdating niya magkausap at magkaayos na silang dalawa. Sayang ang friendship nila.

The day for the online enrollment, nagpunta uli si DJ sa bahay bitbit ang laptop niya. Sabay kaming nag-enroll online.

"Sabay rin tayong magbayad sa cash office, ha? Then i-tour mo na rin ako sa school niyo," pabor niya.

Na tinupad ko.

Ang laki ng SCU at hindi pumayag si DJ na hindi namin mapuntahan ang bawat sulok ng paaralan. Kaya ngayon masakit ang binti ko. Iniwan niya ako dito sa gazebo para magpahangin at para na rin magpahinga. Hintayin ko daw siya kasi bibili lang siya ng pagkain at inumin.

Sinundan ko siya ng tingin habang naglalakad papalayo. Nakaramdam ako ng inggit sa katawan.

"Hindi ba siya napagod?" tanong ko sa sarili. Kung makalakad kasi siya walang iniindang anumang pagod as if hindi namin nilibot ang buong SCU.

At higit sa lahat, "Bakit di siya haggard?" Samantalang ako pinagpapawisan. Mabuti nalang mahangin dito, nakaka-refresh.

Pagbalik niya, may dala siyang dalawang burger, dalawang fries, isang cold coffee at isang lemon juice.

"I hope it's still your favorite," sabi niya habang inaabot ang juice.

"Yes, it is," tugon ko. "Pero nagkakape na ko ngayon." Dati kasi hindi.

"Ohhh. People do really change." Umupo siya sa tabi ko at nilapag sa wooden table ang mga pagkain at inumin.

"Ikaw din," wika ko.

Mula sa hawak na burger, lumipat ang tingin niya sa'kin.

"You despised veggies when we were young. But now look," Nginuso ko ang hawak niyang burger. "Hindi nalang beef ang palaman ng burger mo. May gulay na rin."

"And cheese," nakangiting dagdag niya.

Tumawa ako ng walang tunog. Naalala ko bigla kung paano niya pandirihan noon ang keso. Pagkain daw kasi ng daga. Duh? Ang totoy niya talaga.

"Why?" tanong niya nang makaramdam na pinapanood ko siyang kainin ang pagkain niya. Pinunasan niya ang gilid ng labi niya.

"Wala naman," sagot ko. "Dati kasi mukha ng batang DJ ang kaharap ko. Ngayon binata na. Naninibago lang. Alam mo na, di tayo magkasabay na lumaki. Nasanay ako na batang ikaw ang kaharap ko."

And I wouldn't expect he would grow up like this─close to perfect. Well maybe it's because I don't used to wonder what my playmates would be like when we grew up. May nagbago naman kasi sakanya. Sa boses niya, syempre sa height at yung figure.

"Parang hindi naman tayo nagla-live chat."

"Kahit na. Iba pa rin yung sa personal."

"OK," he told. Bumalik siya sa pagkain ng burger. But after a minute, "What again, dude? Stop staring. Di ako makakain ng maayos."

"Eh kasi naman─" He cut me off.

"Naninibago ka? Bakit, lalo ba kong gumwapo?" Binaba niya ang burger sa table at humarap ng maigi sa'kin.

"Mahangin ka?" I joked.

"Admit it. Kaya mo nga ko tinititigan, diba?" Humilig siya at nilapit ang mukha sa'kin.

Lalo ko tuloy napagmamasdan ang itim at bilugan niyang mga mata. Lalo ko tuloy nakita kung gaano katangos ang ilong niya. At lalo ko tuloy napatunayan na ang flawless ng mukha niya. Takot ata ang pimples sa mukha niya kung kaya't umiiwas ito. Omigad! Bakit ganito kagwapo ang magkaibigan? Silang dalawa ni Zach. AT BAKIT NASALI SI ZACH SA USAPAN?

"Tama nga ang sabi nila. Bumalik ka na," ang mga salitang nagpabalik sa'kin sa wisyo.

Ų

Through Quarrels (TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now