Quarrel 19 : Inlove nga ba?

1.2K 45 1
                                    

Quarrel 19 : Inlove nga ba?

"Bestie, kapag hindi ka kasama bukas hindi nalang ako manonood." Ang tinutukoy ni Suzy ay ang basketball game kung saan kasali ang boyfriend niyang si Darwin. SCU versus the other university.

Naglalakad kami palabas ng school. Actually kasama namin kanina si Darwin. Ang sweet niyang boyfriend kasi kahit kailangang kailangan siya sa practice nagawa niyang mag-excuse (don't know kung paano siya pinayagan ng coach nila) para maihatid si Suzy. Understanding girlfriend naman itong bestfriend ko. Pinilit niyang bumalik na sa gymnasium si Darwin at wag na siyang ihatid. Nagtalo pa ang dalawa kanina. Kung hindi lang ako pumagitna at sinabing, "Ako na bahala sa kanya" hindi pa matatapos ang pagtatalo nila. But in anyway, nagtatalo sila sa magandang bagay at hindi sa paraang nag-aaway. Aww. So sweet couple!

"Sabi kasi ni Darwin dadalhin niya ko sa restaurant after ng laro nila."

"So balak mo na naman akong gawing chaperone ganon? Third wheel? Grabe ka naman sa'kin, bestie."

"Eh kasi naman naiilang ako."

"Until now? Nagawa niyo na ngang mag-date ng kayo lang, diba? Yung walang "chaperone"," I pointed out.

Tumigil siya sa paglalakad at tumingin sa'kin as if may aaminin siyang isang kasalanan. Nag-cross arms ako at tinaasan siya ng isang kilay. Kahit di na siya magsalita, alam ko na kung ano ang nasa utak niya.

"Di ka sumipot?" tanong ko though alam ko na naman ang sagot.

"Pero nagpaalam naman ako na hindi ako pupunta," pagtatanggol niya sa sarili.

"Ikaw talaga," untag ko sa kanya na naiiling iling. "Naging proud pa naman ako sa'yo dahil for the first time lalabas ka na hindi ako kasama. Na kasama mo ang first boyfriend mo. Akala ko natuloy kayo. Akala ko lang pala. Tsk."

"Bestie, sorry na," lambing niya at niyakap ang braso ko. "Manood ka rin bukas ha? Suportahan mo naman ang team natin kahit papa'no."

Suportahan ang team ng school namin o para may makasama lang siya? Kung hindi ko lang talaga mahal ang bestfriend kong ito...!

"Teka nga," Inalis ko ang braso niyang nakapulupot sa'kin. "Edi wala pa rin kayong first date ni Darwin?"

Nakayuko siyang tumango-tango.

"Kawawa naman si Darwin. Simpleng date lang hindi mo pa mapagbigyan," prangkang sabi ko sa kanya.

"Kasi naman, bestie, ayoko ng kaming dalawa lang."

"And why?" Hinawakan ko siya sa kamay para ipagpatuloy na ang aming paglalakad.

"Parang hindi ako mapakali," tugon niya. "Alam mo yun? Parang may umiikot sa tiyan ko tapos para rin akong kinakabahan lalo na kapag hinahawakan niya ang kamay ko."

Tumigil ako sa palalakad at napa-Oh em gee.

"That feeling, bestie, inlove ka!" punto ko sa kanya. "Yung sinasabi mong parang may umiikot sa tiyan mo, it's what they called "butterflies on tummy". At yung sinasabi mo namang para kang kinakabahan especically kapag hinahawakan niya ang kamay mo, bumibilis ang heartbeat mo. Corny pakinggan pero totoo yan."

Napakainosente talaga ni Suzy sa mga ganitong bagay. Sabagay, mga SciFi ang madalas niyang binabasa na libro. I-recommend ko kaya sa kanya na magbasa rin ng PHR pocketbooks paminsan-minsan?

"Paano mo naman nalamang totoo? Na-experience mo na ba?"

Para akong sinampal ni Suzy sa tinanong niya. Oo nga naman. Kung makasabi ako na "Corny pakinggan pero totoo yan", parang naranasan ko na. Teka, hindi nga ba? AT BAKIT SI ZACH ANG PUMAPASOK SA UTAK KO NGAYON?!

"Hoy!"

"Ay, Zach Zachan!" Parang tumalon ang puso ko sa panggugulat ni . . . ooooh, speaking of him.

"Ikaw ah. Iniisip mo ko."

"Sige lang," sabi ko sa tonong sarkastik at inirapan siya.

"Tara, sabay na tayong umuwi." Inakbayan niya ako at hinila.

Pumalag ako at tinulak siya. "Di mo ba nakikita? May kasama ako." Tinuro ko si Suzy, na nakangiti sa'min. Ganyan na talaga yan simula pa noon. Ngumingiti kapag nakikita kaming magkasama ni Zach kahit nag-aaway naman.

"Hayaan mo na yan. Malaki na yan. Tara." Inakbayan na naman niya ako at muling hinila.

Katulad ng ni-respond ko kanina, pumalag ako at tinulak siya. "Zach Zachan ka ng kulit, alam mo yun?" Tumalikod ako sa kanya para lapitan si Suzy. Kumapit ako sa braso ni Suzy. Sa muling pagharap ko, nalaman kong hindi pa rin umaalis si Zach.

"O, ano pa hinihintay mo? Alis na," taboy ko sa kanya.

"Ayoko nga. Sasabay ako sainyo," paninindigan niya. Naglakad siya patungo sa likuran namin ni Suzy.

Nagkatinginan kaming magkaibigan pagkatapos tumingin ulit kami kay Zach.

"Ano na? Lakad na," utos ng dakilang si Zach dahil hanggang ngayon hindi pa kami naglalakad ni Suzy.

Kami naman parang utu-utong sumunod sa kanya. The moment we took our steps, he did the same.

"Ang sweet niyo," bulong ni Suzy sa'kin habang pinipisil pisil ang braso ko.

"Tumigil ka nga," ganting bulong ko sa kanya. "Baka marinig ka." Nilingon ko si Zach at nahuli ko siyang nakatitig sa'kin.

Through Quarrels (TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now