Quarrel 3 : Death Threat

1.6K 65 2
                                    

Quarrel 3 : Death Threat

 

Yung asar na asar na nga ako tapos pag-uwi ko sa bahay pinagtawanan pa ako ni Mama at Papa nung ma-kwento ko sa kanila kung ano ang nangyari.

"Kayo talaga ni Zach," tumatawang sabi ni Papa. "Binata't dalaga na kayo para pa rin kayong bata kung mag-away."

Tinagalan ko ang pagbabad sa bath tub para na rin lumamig ang ulo ko. Successful naman dahil paglabas ko sa kwarto ko fresh and cool na ako. Wag ko lang talaga maalala si Zach. Argh! Sabi nang wag ko lang siyang maaalala eh!

Makulay ang school namin ngayon dahil sa mga pakulong palamuti ng iba't ibang clubs sa booth nila.

Palinga linga ako sa paligid─ hinahanap ang Freedom Wall. Nag-text kasi sa'kin si Suzy na doon niya ako hihintayin.

"Boracolli!"

Oh men! Nandito na ang kalbaryo ng buhay ko. Kumapit ako sa strap ng shoulder bag ko at binilisan ang paglalakad.

Panay pa rin ang tawag niya sa'kin (ng Boracolli) at sigurado akong sinusundan niya ako. Lalo kong binilisan ang paglalakad. Wag muna ngayon, please. Wala pa akong naiisip na igaganti sa kanya. Ayokong maka-score siya twice.

"Pumasok ka pa rin?" Sinasabayan na kong maglakad ng best enemy ko. "Tindi mo ha." Tinapik niya ng tatlong beses ang likod ko.

Kalma lang, Bora. Kalma lang.

Hindi ko ipapakita sa kanya na naiinis na ako. Dahil kung sino ang mapikon, siya ang talo.

Paglingon ko sa kanya, kumunot ang noo ko sa kakaibang ngiting naka-plaster sa mukha niya. Yung ngiting nakikita ko lang kapag may ginagawa siya sa'kin na kalokohan ng hindi ko nalalaman.

"Ayoko ng ngiti mong yan ah!"

"Bakit? Nakaka-inlove ba?" Ngumiti siya ng malapad sabay tinaas-baba ng dalawang beses ang kilay niya.

"Duuuuh!" Nilagay ko ang kamay ko sa mukha niya at tinulak ito.

"Kunyare ka pa. May gusto ka nga sa'kin."

"Asa pa!" Tinulak ko ang braso niya. Hindi naman malakas ang pagkakatulak ko. OA lang talaga siya para mabunggo sa isang babae.

"Sorry," wika ni Zach sa babae, na ang pangalan ay Kierra. Nakilala ko siya dahil sa pag-mu-muse ko. Palagi rin siyang nagiging muse kaya kapag may event na may participation ng mga muse and escort ay nagkikita kami.

"Ayos lang." Napansin ko na hindi siya makatingin ng diretso kay Zach. Hmmm... I smell something fishy tuloy. Ang malas naman niya kung totoo nga ang naiisip ko.

Hindi napapansin ni Zach ang pagiging di mapakali ng baba dahil sa kanya kasi busy siya sa pagpulot ng mga nabitawang decorations ni Kierra.

Naalala ko, hinihintay nga pala ako ni Suzy. Hindi na ako nagpaalam pa umalis na agad ako para hanapin ang Freedom Wall. Habang naglalakad ako, may nararamdaman akong kakaiba. Kapag kasi may lalaking lalapit sa'kin na may dalang flowers and chocolate, sa una nakangiti sila, pero kapag iaabot na nila ang mga dala nila biglang manlalaki ang mga mata nila at magba-back out. Bakit naman kaya? Hindi ko naman sila tinatakot.

"Bora!"

Lumingon ako para harapin ang tumawag sa'kin.

"Klenze." Hinintay ko siyang makalapit sa'kin. Si Klenze, kaklase ko rin at isa sa mga kaibigan ni Zach.

"Nakita mo si Zach?"

"Nakita mo si Suzy?"

Magkasabay pa kaming nagtanong. Natawa kami pareho.

"Hindi ko siya nakita," sagot niya.

"Nandyan lang sa tabi tabi ang unggoy."

"Unggoy?" Humalakhak siya. "Grabe ka naman sa tropa ko. Teka," Humakbang siya paatras para matingnan ako ng buo. "himala wala ka atang bulaklak at tsokolate ngayon?"

"Paano naman may magbibigay sa kanya kung may deathly threat siyang dala dala?" Sumulpot sa aking gilid ang taong kanina ko pa hinahanap.

Gusto ko siyang tanungin ng:

Saan ka galing?

Saan ba yung sinasabi mong Freedom Wall?

Bakit di ka nagre-reply sa text ko?

Ngunit sa halip, ito ang tanong na gusto kong masagot, "Dala dalang death threat?"

Lumapit siya sa'kin at may kinuha sa likod ko─ isang short bond paper na may nakasulat: PAPATAYIN KO ANG MAGREGALO SA'KIN NGAYON!!!

 

"Luh, kanino naman kaya galing 'to?" taka ko. Nilingon ko ang likuran ko. Wala akong matandaan na may nagdikit sa likod ko ng papel na ito, di ko naramdaman.

Tumigil ako saglit sa pag-iisip para harapin si Klenze na kanina pa tawa ng tawa. Si Suzy, tulala sa kawalan. Ako, ang lalim ng iniisip. Tapos itong si Klenze parang baliw na tawa ng tawa.

"Parang alam ko kung kaninong hand written yan." Nahihirapan siyang bigkasin ang bawat salita dahil sa di mapigilang tawa.

Tinitigan ko ang pagkakasulat sa papel. Habang ginagawa 'yon, may nag-flashback sa utak ko.

 

"Pumasok ka pa rin?" Sinasabayan na kong maglakad ng best enemy ko. "Tindi mo ha." Tinapik niya ng tatlong beses ang likod ko.

 

Tinapik niya ng tatlong beses ang likod ko.

 

Tinapik niya ng tatlong beses ang likod ko.

 

Tinapik niya ng tatlong beses ang likod ko.

 

Unti-unting naningkit ang mga mata ko kasabay ng pagkuyom ng aking mga palad.

"ZACHARIAAAAAAH!"

Through Quarrels (TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now