Quarrel 6 : Kalbo

1.4K 50 2
                                    

Quarrel 6 : Kalbo

 

Sa washroom ko naisipan ungkatin ang nilalaman ng love letter ni Zach. Dito ko naisipan kasi hindi naman siya siguro papasok sa lugar na ginawa para sa mga babae lamang. Pagpasok ko sa isang cubicle agad kong nilabas ang sulat at binasa.

               
I don't know when, where and how this feeling started. But one thing for sure: masayang masaya ako makita lang kita

 

Hindi ko na natapos ang binabasa ko dahil may kamay na humila dito. Si Zach na naglakas loob na pasukin ang lugar na ito. Sa tulong ng tangkad niya at sa kanyang mahabang braso, nagawa niyang sungkitin ang sulat mula sa labas ng cubicle na kinaroroonan ko.

"Hoy, ano ba, Zach! Hindi pa ko tapos eh!" Nagmamadali kong binuksan ang cubicle.

Paglabas ko, natanaw ko sa corridor si Zach. Cool lang ang paglalakad niya habang nakapamulsa ang dalawang kamay. Tumakbo ako at hinabol siya.

"Pabasa kasi ako, Zach. Di naman kita aasarin." Syempre joke lang yan. Ano siya swerte?

"Basahin mo kung mahanap mo."

"Nasaan ba?"

Tinaas niya sa ere ang dalawa niyang kamay. "Hanapin mo."

Kung inaakala niyang hindi ko hahanapin ang sulat na yon (kahit nasa katawan pa niya), aba nagkakamali siya. Tumingkayad ako para masilip kung nasa bulsa ng polo niya ang sulat. Wala. Sinunod kong tingnan ang magkabilang bulsa ng pants niya.

"Dahan dahan ka lang dyan, Bora. Baka iba mahawakan mo," he teased.

Pinamulahan ako ng mukha sa sinabi niya. Umayos ako ng tayo saka siya binatukan. "Manyak!" untag ko.

"Ako pa?"

"Pabasa na kasi!"

"Bakit ba gusto mo mabasa?"

"Di pa kasi ako nakakapagbasa ng ganun. Gusto ko ma-try," dahilan ko.

"Kwento mo." Na hindi bumenta. Tsk.

Sobra sobra ang panghihinayang ko ng mga oras na iyon. Paano ba naman, malaking tsyansa ko na 'yon para makaganti ng bongga kay Zach. Malalaman ko kung kanino siya nahihiya. At kung magkataon, kawawa siya sa'kin! Hay. Sayang talaga.

"Wag ka sa Saturno Campbridge University mag-aaral, huh?" sabi ko kay Zach. Siya ang kasama ko ngayon na magpa-clearance. Ang ironic, ano? Kung sino pa yung mortal enemy ko siya ang kasama ko ngayon.

Si Suzy naman kasi. Masyadong masipag. Maaga niyang natapos ang clearance niya. Wala tuloy akong kasama. Tapos itong si Zach, sumabay sa'kin. Kaya naman habang naglilibot kami ng school para hanapin ang mga guro namin, marami kaming nabubunggong kapwa namin estudyante. Minsan pa nga maging ang teacher.

Pasensya na po sa mga nabunggo ko. Si Zach po ang sisihin niyo. Kahit naman kasi maluwag ang daan, ginigitgit niya ako. Yung tipong pasimpleng nanunulak?

"Boom pendong peace!" sagot niya na napakalayo sa sinabi ko. Sinamahan pa ng batok langya.

"Ba't mo ko binatukan!?" singhal ko sa kanya sabay sapak sa braso niya.

Tumawa muna siya bago sumagot, "May kalbo eh. Ayun pa! Boom pendong peace!" At binatukan na naman po niya ako! Hindi naman ako makaganti sa kanya kasi naka-peace sign siya. Pambihira!

Through Quarrels (TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now