Quarrel 52 : Sa wakas, namulat sa katotohanan

1.1K 40 7
                                    

Quarrel 52 : Sa wakas, namulat sa katotohanan

"Dun nalang tayo sa restaurant nila Ate Terese. Namimiss ko na pagkain dun," suhestiyon ni Suzy habang naglalakad kami papunta sa Cafe.

"Wag na. Next time nalang."

"Sus! Takot ka lang magpunta dun kasi alam mong nandoon si Zach."

Pinigilan ko ang sarili kong masabunutan ang kaibigan ko sa abot ng aking makakaya. Gayunman, tama si Suzy. Nagustuhan ata nila Zach, Klenze at Alvin ang mga pagkain sa restaurant na yun kaya doon na sila madalas kumain.

"Omigad. Bestie, wag tayong dumaan dito."

Nagulat ako nung bigla akong hinila ni Suzy paiba ng direksyon. Muntikan pa akong ma-out of balance sa ginawa niya.

"Hey, ano yun?" taka ko habang nagpapadala sa paghila niya.

"May multo. Matatakot ka."

"Multo?" Out of curiousity, lumingon ang ulo ko. Naghanap ang mga mata ko until may makita itong dalawang tao. Isang babae at isang lalaki. "Wait..." Kumawala ako sa kamay ni Suzy at pinagmasdan ang dalawang taong iyon.

Nakasandal si Kierra at Zach sa kotse. Kung mag-usap silang dalawa eye to eye talaga at nakangiti pa. Ang saya nila pareho. Ang... sweet.

"Bestie, tara na." Hinila ako ni Suzy.

Pagharap ko sa kanya, sinalubong ako ng mga mata niyang nag-aalala.

"Bakit ba parang natataranta ka dyan?" Sinikap kong maging normal ang boses ko. "Di naman ako masasaktan," dagdag ko na pakiramdam ko niloloko ko lang ang sarili ko. "I'm happy for them Especially with Kierra. T-tara na." Pinilit kong ngumiti at pinilit kong wag na muling lingunin ang direksyon ng dalawa.

Mabagal na tumango si Suzy.

***

"Matulog ka na. Matulog ka na," chant ko. Pinasadahan ko ng tingin ang alarm clock ko para alamin ang oras.

"Huwat?" Nanlaki ang mga mata nang malamang 1:45 na ng madaling araw. 7AM ang oras ng pasok ko at kailangan 4:30AM gising na ko. Mergesh! Bakit ba ayaw akong dalawin ng antok?

Nakakainis kasi itong si Zach! Kung hindi dumadalaw sa panaginip ko, pinipigilan naman akong makatulog. Palagi nalang ginugulo ang utak ko. Argh! Mababaliw na ata ako sa kaiisip sa kanya. Ayoko man, siya ang laman ng utak ko ngayon.

Tumagilid ako ng higa at nagtalukbong ng kumot. Pumikit ako at niyakap ang unan. Matulog ka na. Matulog ka na.

Subalit ayaw talagang umalis sa utak ko si Zach. Nakapikit ako pero mukha niya ang nakikita ko. At nariring ko rin sa isip ang boses niya. Kung paano niya ko tawaging, Boracay, Boracolli a Urikane.

"Waaah! Oo na, Zach! Gusto na kita! Gustung-gusto. Inamin ko na. Please, stop hunting me."

Ano raw?! Napaupo ako sa pagkabigla. Ginulo ko ang buhok ko. "Aaaahhh! Nababaliw na talaga ko!"

Matapos kong saktan ang sarili, napunta ako sa pag-iisip. Hanggang sa tila may sariling utak ang katawan ko para umalis sa kama. Yumuko at kinuha ang pinakaiingatan kong kahon sa ilalim. Pinagmasdan ko ito ng ilang sandali bago bumalik sa kama.

Nag-indian seat ako at binuksan ang kahon. Lumantad sa'kin ang iba't-ibang bagay na kinolekta ko simula pa noong bata ako, eversince na makilala ko si Zach.

I first retrieved the Minnie Mouse hairband. Ito yung sa tingin kong dahilan kung bakit ako tinawag na batang daga ni Zach noon. At dahil dun, inayawan ko nang magsuot ng mga hairbands most especially kapag pang-Minnie Mouse. That day, naisipan kong itapon nalang ito. Ngunit sa halip, itinago ko ito.

Through Quarrels (TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon