Quarrel 11 : Ang lamig ng tubig. Ang hot ni Zach.

1.2K 50 2
                                    

Quarrel 11 : Ang lamig ng tubig. Ang hot ni Zach.

 

Nagpaalam ako kay Papa na aakyat na ako sa kwarto ko para i-shutdown ang laptop. Joke lang yun syempre. Naglalaro pa doon si Mimi at ayokong mag-away kami ng kapatid ko.

"Ate, anong ginagawa mo?" kwestyon ni Mimi. Kanina pa niya ako sinusundan ng tingin. Bumaba saglit ang tingin niya sa buhat buhat kong timbang may lamang tubig na inigib ko pa galing sa faucet sa bathroom ko.

"Wala, Mimi," tugon ko. "May unggoy kasing hindi pa naliligo. Papaliguan ko lang."

Hindi siya na-satisfied sa sinagot ko. At bago pa man siya muling magtanong, inutusan ko na siyang kumuha ng tabo. "Bilis! Baka lumabas na yung unggoy."

Nataranta naman siya. Tumalon siya pababa ng kama at tumakbo patungo sa bathroom.

Hinawi ko ang kurtina at binuksan ang bintana. Nasilaw ako sa pagpasok ng liwanag sa aking silid. Ganun pa man, lumawak ang ngiti ko.

"Ate, ito na."

Umikot ako para harapin si Mimi, na inaabot sa'kin ang pinakuha ko sa kanya. "Salamat!" Tinap ko ang ulo niya habang nakangiti.

"Ano ba kasi'ng gagawin mo, Ate?" hindi mapigilang itanong niya. Oh, nacu-curious ang kapatid ko.

Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at inikot paharap sa kama ko kung saan niya iniwan ang laptop. "Maglaro ka nalang dun, OK?"

Tumango nalang siya at sumunod sa'kin. Good girl!

 

Bumalik ako sa may bintana. Wala kang magawa ngayon, Zach? Pwes, may gagawin ako sa'yo! Tingnan lang natin kung hindi ka mainis.

Matagal tagal rin akong naghintay sa paglabas ni Zach. Akala ko nung una wala na siyang planong umalis pa ng bahay namin. Nabuhayan lang ako ng loob nung marinig ko ang boses niya.

Hindi ko pa siya nakikita mula dito sa may bintana pero sigurado akong nasa labas na siya ng bahay. Nasa may pintuan pa siya malamang. At base sa mga sinasabi niya, ang Papa ko ang kausap niya. Hindi ko na inintindi pa ang mga pinagsasasabi niya kay Papa, hinanda ko na ang tabong may tubig na ibubuhos ko sa kanya.

"Thank you po, Tito!" ang huling narinig ko sa kanya. Maya-maya lang ay nakita ko na ang ulo niya. Walang anu-ano'y binuhos ko sa kanya ang tubig sa tabo.

"What the fuck!"

Humagikgik ako sa reaksyon niya. Nasabi ko na bang may ice cubes ang timbang pinaglagyan ko ng tubig?

Nagsalok ulit ako ng tubig sa tabo at binuhos ulit sa kanya. Ilang ulit iyon. Tawa ako ng tawa habang ginagawa 'yon habang siya naninigas sa kinatatayuan dahil sa sobrang lamig.

Nabawasan na ang laman ng timba. Kayang kaya ko ng buhatin kaya binuhat ko na ito. Mas masaya kung bibiglain ko ang buhos kaysa sa pa-konti konti. Bago ko binuhos sa kanya kinawkaw ko muna ang kamay ko sa tubig. Brrr. Ang lamig lamig nga. But then, binuhos ko pa rin iyon sa kanya hanggang sa naubos ang laman ng timba.

"I... kaw!" naginginig na tawag niya sa'kin.

"Malamig?" sarkastikong tanong ko sa kanya na sinundan ng malakas na tawa.

Naglakad siya habang nakayakap sa sarili. Ang buong akala ko aalis na talaga siya. Subalit tumigil siya pagdating sa may gate. Binibilad niya ang sarili niya doon sa araw upang maibsan ang lamig.

Tumingala siya sa'kin at nginisian ako. "Watch and gape."

Saka ko lang napansin na dahil sa basang basa siya, humahapit ang suot niyang white t-shirt sa katawan niya. Lalong nadedepina ang mga muscles niya sa braso... at maging ng kanyang abs.

Pagtingin ko sa mukha niya, nalaman kong nakatitig pa rin siya sa'kin. Ibig sabihin nahuli niya akong napatingin sa katawan niya. Oy, napatingin lang talaga ako!

Nag-chin up ako para ipamukha sa kanya na walang epekto sa'kin ang "nakita" ko.

Nag-smirk siya pagkatapos hinubad ang damit. OMFG! Ayan ba ang sinasabi niyang "Watch and gape"?

Pinigaan niya ang basang basang damit sa itaas ng ulo niya. Ang tubig na nanggaling doon ay bumaba mula sa kanyang buhok, pababa sa mukha, pababa sa kanyang katawan. Parang kinakampihan ng araw si Zach sa pang-aasar sa'kin. Pinapakinang niya ang katawan ni Zach gamit ang kanyang sinag. Lalong... pinaiinit.

I gulped. Since when was the last time I saw him half-naked? Nung Grade Six. Nagkaroon kami ng summer outing. Ang family ko at ang family niya. And as far as I remember, payatot siya nun. Inasar ko pa nga siyang toothpick nang mga panahong 'yon e. But now... nag-transform ang toothpick into a hunk?

Kung ano ang lamig ng tubig, ayun naman ang init ni Zach. Huwaaat? Did I just say Zach is hot?

 "Bora, yung laway mo!" Humalakhak siya.

Agad akong napahawak sa bibig ko. Kinapa-kapa ko na ang buong mukha ko pero wala namang tumulong laway! Argh. Asar lang. Nakakaasar dahil napagtanto ko na nakaawang ang labi ko. Oh my freaking gosh! This is just sooo wrong!

 

Through Quarrels (TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now