Quarrel 14 : Klenze and Alvin

1.4K 51 3
                                    

Quarrel 14 : Klenze and Alvin

 

Sa subject ni Sir Isaac Gustani, sa hulihan ako nakaupo kaya malaya akong nakakaupo kung saan ako komportable─ pa-slunt. Sa nasabing guro hindi pa-alphabetical ang sitting arrangement. Nung panahon kasi na nagpasulat siya ng mga pangalan sa papel, na para pala sa magiging sitting arrangement, na-late ako kaya naman napadpad ako sa hulihan instead na sa middle like the usual since nagsisimula sa letter "J" ang last name ko. Kabilang ko na napunta sa hulihan ang mga absent that time.

 

"Miss Bora Kane Jimenez, will you please sit properly?" sita sa'kin ng prof ko.

Naglingunan sa'kin ang mga kaklase ko. Binalot ako ng kahihiyan kaya naman umayos agad ako ng upo. Nag-sorry ako sa prof ko at tumuon "kunwari" sa pagsusulat. Di ko alam kung ano na ang isusunod na isusulat ko kasi hindi ko makatingin sa white board kasi naman ramdam kong pinagtitinginan pa rin nila ako.

Kapag lalake ang nakaupo ng ganun, ayos lang. Pero kapag babae, malaswa bang tingnan?

"Ang ganda ganda mo, iha, kung makaupo ka naman dinaig mo pa si Mylene." Tinutukoy niya ang kaklase kong lesbie.

"Sir, ako na naman?" kumakamot ulong sabi ni Mylene na medyo pa-reklamo.

Nagtawanan sila.

Sa tatlong subject lang kami magkaklase ni Kierra. After ng klase ni Sir Gustani, naghiwalay na kami. Siya may next class pa daw at pagkatapos nun saka lang siya magkakaroon ng vacant time. Ako naman ngayon ang vacant hour ko, na nagkataon (fortunately!) namang vacant din ni Suzy.

Like the usual, walang usap-usap, nagpunta kami sa restaurant na madalas naming pinupuntahan ever since na nag-aral kami sa SCU.

"Sabi na aba't sa ganitong oras kayo pupunta," nakangiting wika sa'min ni Ate Terese. "Sandali lang mga, magagandang dilag, ihahanda ko lang ang mga paborito niyo."

Tatlo lang ang tauhan sa restaurant na ito. Si Kuya Justine, na asawa niya, ang nakaupo sa kaha at isa pang serbidora na nasa edad bente y singko pa lamang. Gustung-gusto namin ni Suzy ang lugar na ito dahil cozy at tahimik. Idagdag mo na rin ang masarap nilang menu. Kakaunti lang ang mga nagpupunta rito dahil siguro sa old fashion ang style nito kumpara sa ibang naggagandahang restaurant na katabi at iba pang establishments.

Unlike the others na gawa sa salamin ang dingding, ang restaurant na ito ay gawa sa kahoy maging ang mga furnitures. May anim na mesa lamang na may tig-aapat na upuan bawat isa at  may mahabang counter sa magkabilang dingding.

Pagbalik ni Ate Terese ay dala na niya ang madalas naming ino-order ni Suzy. "Here's your orders, ladies." Nang may kasamang ngiti.

"Bestie, niyayaya ako ni Darwin na manood ng basketball game nila. Sama ka, huh?" Si Darwin ang boyfriend ni Suzy. Actually, first boyfriend. Naging sila one month ago. Yeah, bago palang. At dahil unang nobyo siya nitong bestfriend ko, may "awkwardness" pang nararamdaman si Suzy. Yung tipong hindi niya alam ang mga bagay bagay. Ako nga ang tanungan niya kung ano daw gagawin niya kapag ganito, ganyan. Inosente pa siya sa ganitong bagay bagay. As of now. But I'm pretty sure na masasanay rin siya sa puntong hindi na siya magtatanong sa'kin about stuffs.

"Tingnan ko. Kapag di ako busy."

Mas maganda sana kung tatanggi ako. Para naman maging dependent na siya kahit papaano. Kaso sigurado akong hindi siya pupunta kapag walang kasama, kapag wala ako. Kaya kaysa magkatampuhan sila ng mahal niyang boyfriend, sasama nalang ako. Kung hindi ako busy.

Meron pa. Nung first date nila, itong si Suzy gusto pa akong gawing third wheel. Halos umiyak na siya nun sa kamamakaawa na sumama ako sa "date" nila kasi hindi niya raw alam ang gagawin. Nagpapanic siya na ewan. Baka daw mailang siya and whatever. Duh?! Moment nila 'yon. Kaya kahit ngumawa siya sa tenga ko (kasi sa phone kami nag-usap), hindi talaga ako pumayag. Sa umpisa lang naman siya maiilang. And besides, dapat siyang maging komportable kay Darwin. Of course, boyfriend niya 'yon.

Kakagat na sana ako sa paborito kong burritos nang makarinig ako ng isang pamilyar na boses.

"Ah! Alam ko na ngayon kung bakit dito mo gustong kumain."

Nagkatinginan kami ni Suzy. Maging siya ay napamilyaran rin sa boses na iyon. Sabay naming pinasadahan ng tingin ang entrance nitong restaurant. At hindi nga kami nagkakamali. Kilala namin ang nagmamay-ari ng pamilyar na boses na iyon.

"Klenze," magkasabay na bigkas namin ni Suzy.

"Hi, girls! Long time no see," bati niya sa'min habang naglalakad palapit kasama ang highschool friends niyang sina Alvin at . . . Zach.

Naunang umupo si Klenze at Alvin. Apat lang ang upuan kaya humila si Klenze ng upuan sa katabing mesa. Ipinwesto niya iyon sa tabi ko at pinaupo doon si Zach.

Through Quarrels (TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now