Quarrel 36 : Nakaligtas sa cracker

1.1K 35 1
                                    

Quarrel 36 : Nakaligtas sa cracker

 

 "Oh my gosh! Girls, andito si Zach!" hiyaw ng babaeng naka-spagetti top at short shorts. Nakatayo siya sa gilid ng nakaupong si Zach.

Si Zach naman, parang walang narinig. Hindi naalis kahit na sandali ang atensyon sa phone niya.

Sa isang iglap, ang table namin na kaming tatlo lang ang nakaupo ay dinagsa. Nag-uunahan pa sila sa pag-upo sa tabi ni Zach.

Nagkatinginan kami ni Suzy at sabay na napailing.

"Lipat nalang kaya tayo?" mungkahi niya.

Tinaguan ko muna siya bago humarap kay Zach. Nakatingin na siya sa'kin and I supposed narinig niya ang sinabi ni Suzy kanina.

Binuka ko ang bibig ko para magsalita kaso inunahan na niya ako sa pamamagitan ng pag-iling.

"Nakita mo?" pukaw ko kay Suzy. "Ayaw ng boss natin." Tinanggal ko ang suot na blazer para kahit papaano hindi out of place ang suot ko. Buti pa itong si Suzy, naka-dress.

"Natin. Baka boss mo lang," tugon niya.

Inorasan ko ang pagiging OP namin ni Suzy. Sampung minuto palang naman pero parang forever na. Ang ingay na nga ng music, ang ingay pa ng mga babaeng nanghaharot kay Zach.

"Good evening everyone!" May lalaking nasa stage ang kumuha ng atensyon ng lahat. May hawak siyang mic.

Humina ang music so that mapakinggan namin ng maigi ang kung ano mang sasabihin niya.

Hindi ko naintindihan ang sumunod niyang sinabi dahil nag-vibrate ang phone ko, may nag-text. Pero narinig ko silang binati ng happy birthday si Ivan.

I miss you, Bora! See you soon :)

 

I frowned. Sino naman kaya ito? Hindi kasi naka-register ang number niya at roaming number pa ang gamit. Binulsa ko nalang ang phone ko at isinawalang bahala ang text message. Once na kong naloko sa text; yung tungkol sa sinasakyang eroplano ng family ko. Baka mamaya scam 'to. If ever na mag-reply ako, mag-rereply rin siya na kamag-anak ko siya sa ibang bansa at magpapadala siya ng package, and so on. Uso pa naman ang ganung text message sa panahon ngayon. Makapanloko lang.

"Bakit sila nag-alisan?" Tinutukoy ko ang mga babaeng lumalandi kanina kay Zach.

"Pinapunta sila doon ng emcee." Nginuso niya ang stage na pinuno ng mga tao. "Nagbo-blow ng candle si Ivan."

Kaming tatlo, pati na rin ang ibang tinatamad tumayo, nanatili sa pwesto namin. Masyado na kasing siksikan sa may stage para makidagdag pa. After that, nagkainan na.

***

Maraming pamilyar na mukha akong nakita. Kadalasan schoolmates ko, yung iba nakita ko sa  magazine; model. Maraming sosyal na kaibigan si Ivan.

Through Quarrels (TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now