Quarrel 4 : Love Letter

1.4K 52 0
                                    

Quarrel 4 : Love Letter

 

"Valentines na Valentines ang sama ng tingin mo kay Zach," natatawang puna ni Alvin.

"Pagmukhain ba naman akong mamatay tao eh!"

Tumawa siya pati si Klenze sa reaksyon ko. Inirapan ko sila at bumalik sa pagto-torture kay Zach gamit ang aking nakakamamatay na tingin.

Niyaya kasi ako ni Suzy na dito sa classroom tumambay nung napagod siya kanina sa paglilibot libot namin sa mga booth. Sakto namang nandito si Zach and friends.Syempre pagpasok ko sa classroom na 'to kanina, sinalubong ko siya ng sapak.

"Gutso mo makabawi kay Zach?" mungkahi ni Klenze.

Nilingon ko siya nang may pagtataka. Salitan ko silang pinagmasdan ni Alvin. Si Zach ang kaibigan nila pero heto sila't nasa panig ko.

"Kunin mo yun, o." Tinuro ni Alvin ang hawak ni Zach na papel gamit ang nguso niya.

"Gagawin ko dun?" anang ko at nag-pout.

Ngayon ko lang napansin na seryoso si Zach sa binabasa niya. Pareho sila ni Suzy. Parang may sariling mundo. Sanay na naman ako kay Suzy na nagsosolo siya kapag nagbabasa ng libro. Pero si Zach? Ngayon ko lang siya nakitang naging ganito kaseryoso sa kanyang binabasa. Kung ano man ang binabasa niya, malupit. Nagagawa niyang paseryosohin ang lalaking yun eh.

"Ano ka ba, Bora. Love letter yung hawak ni Zach," bulong pa ni Klenze.

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. "Love letter?"

"Shh. Wag ka maingay. Baka marinig tayo," saway ni Alvin sa'kin.

"Wow. Bago. Binabasa na niya ngayon ang mga love letter na natatanggap niya."

"Sino ba nagsabi sa'yong natanggap niya 'yan?"

I stared Klenze in wonder. "Ibig mo bang sabihin..."

"Yup. Kay Zach ang love letter na yon. Siya ang nagsulat mismo. May pagbibigyan siya," paglilinaw ni Alvin.

Oo nga pala. Valentine's Day ngayon. Sino naman kaya ang pagbibigyan ng lokong 'yan? Mukhang seryoso siya sa babae ha.

"Ano na?" Binunggo ni Klenze ang siko ko. "Gantihan mo na," panunulsol niya.

"Sige ba."

"Yown!" Tuwang sabi nila at nag-high five. Pati sa'kin nakipag-apir din sila.

Sinulyapan ko muna si Suzy bago ako pumunta kay Zach. Nakababa na sa desk ang libro niya at nakatingin sa'kin. Nilapat ko ang aking daliri sa labi ko as if saying "Ssh" kahit na alam ko namang hindi siya mag-iingay.

Dahan-dahan kong inapak sa floor ang sapatos ko at maingat na naglakad patungo kay Zach upang hindi niya mapansin. Masyado siya naka-focus sa stationery at mukhang oblivious. Nakarating na ako sa gilid niya pero hindi niya pa rin napapansin ang presensya ko.

Sinilip ko ang binabasa niya. "Ano yan, ha?"

Nabigla siya sa boses ko. Halos nagusot na niya ang papel sa pagkagulat. Narinig ko ang tawa ng dalawa niyang kaibigan sa likod.

"Ayee! Ikaw, huh, inlababo ka pala hindi mo sa'kin sinasabi," panunukso ko sa kanya tapos hinila mula sa kamay niya ang love letter.

"Hoy, akin na yan!"

"Bleh!" Matapos kong ipakita sa kanya ang dila ko, kumaripas na ko ng takbo.

"GO BORA!" pag-cheer sa'kin ng dalawa.

Lumabas ako ng classroom at tinakbo ang hallway. Malaya akong makatakbo dahil walang tao. Lahat sila nasa ground.

"KAPAG AYAN HINDI MO BINALIK...!"

Blah blah blah. Ako naman ngayon ang pupuntos! Dahil sa'yo wala akong natanggap na chocolates. Pwes,humanda ka!

Through Quarrels (TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now