Quarrel 21 : Salamat, Zach!

1K 42 1
                                    


Quarrel 21 : Salamat, Zach!


7PM na ako nakauwi ng bahay. Si Suzy may balak na namang takasan si Darwin sa date nila. Ewan ko ba sa babaeng iyon kung bakit takot na takot makipag-date. Ang gusto niya kasi "kasama ako". Syempre hindi na naman ako pumayag. Never akong papayag. Like before na hindi ako pumayag maging chaperone, dapat tatanggi siya na matuloy ang dinner date nila ni Darwin sa isang luxury dine. Kinonsensya ko siya ng kinonsensya hanggang sa wakas napapayag ko rin siya. Nanalo ang SCU sa basketball game kanina, at nagka-award bilang Most Valuable Player si Darwin, regalo nalang niya ang date nila. Besides, wala namang masama doon dahil sila naman.


Yan ang mahirap kapag walang kuya and most especially walang guy friends. Hirap siyang makisama sa lalaki. But I'm pretty sure mawawala rin ang awkwardness niya towards her boyfriend, Darwin, after this night, at their date.


Pagkatapos kong mag-dinner kasama si Aling Lita, dumiretso ako sa kwarto ko. Binuksan ko ang mga kurtina at sinilip sa bintana kung nakauwi na rin ba si Zach. Kanina ko pa iniisip habang nanonood ng basketball game kung ano ang nangyari sa kanila ni Kierra. Have they enjoyed their companies, and so much more thoughts.


Nakabukas ang ilaw sa kwarto ni Zach ngunit wala ni anino niya akong makita. Marahil nasa mall pa rin siya kasama si Kierra.


Nakatanggap ako ng text message. Isang mensahe na nagpahina sa mga tuhod ko.


"Bora!" rinig kong tawag saakin ni Zach. "Bakit hindi mo sinabing pinapunta mo lang ako para─ teka, umiiyak ka ba?"


Umiiyak na pala ako nung humarap ako sa kanya.


"Anong nangyari? Sandali, pupuntahan kita dyan." Basang basa ko ang pag-aalala sa mukha niya.


Nang mawala na siya sa paningin ko, lumabas na rin ako ng kwarto para salubungin siya. Kailangan ko ng makakaramay ngayon. Kailangan ko ng taong masasandalan. Kailangang kailangan.


Habang bumababa ako sa hagdan nakakarinig ako ng malalakas na yabag.


"Hey, what happened?" nag-aalalang tanong niya.


"Zach!" was the only words that slipped out from my mouth. Tumakbo ako papunta sa kanya at sinunggaban siya ng yakap.


Hinayaan niya akong umiyak ng umiyak. At ang marahang paghaplos niya sa buhok ko ang nagpakalma sa'kin.


"Yung eroplanong sinakyan nila Mama . . . na . . . nawawala." Lalong bumuhos ang luha ko.


Niyakap niya ako ng mahigpit.


***


"Wag ka ng umiyak, Bora," sabi ni Zach habang patuloy sa paghaplos ng buhok ko. "Mahahanap rin sila. Trust God."


Tumango ako pero ayaw talagang magpaawat sa pagtulo ng mga luha ko. Kanina tinawagan ni Zach ang number na nag-text sa'kin. At sabi raw nila, gumagawa na sila ng aksyon upang mahanap ang mga pasahero ng eroplanong nawawala.


I looked up to him. Nakahiga ako sa kama habang siya naman nakaupo. "Hindi ka ba hahanapin sainyo? It's already late." Pinasadahan ko ng tingin sa kanya ang orasan kong nasa side table para ipaalam sa kanya na mag-a-alas dos na ng madaling araw.


"Parang ang layo naman ng bahay ko."


"Kahit na. Baka hinahanap ka na nila Tita─" He cut me off.


"Wag mo na akong alalahanin, OK? It's better if you sleep. Maaga pa pasok mo."


"Natin," I corrected him. "Go home and sleep."


"Not until you sleep."


"Matutulog ako, promise."


"Then do. Saka lang ako aalis kapag naghihilik ka na," he teased with a mischievous grin plastered on his face.


"Di ako naghihilik!" Pabiro ko siyang hinampas sa dibdib.


Natawa kami.


"Sige na, matulog ka na."


Nginitian ko siya bago pumikit. Pero bago ako makatulog nang tuluyan, dumilat muli ako at, "Salamat, Zach."


Ang hirap matulog sa sitwasyong ito, sa sitwasyon na nag-aalala ako para sa pamilya ko. But with the help of the guy beside me, Zach, it felt like everything's okay and so I fell into a deep comforting slumber.


Through Quarrels (TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now