Quarrel 50 : Hindi magkaibigan, so ano?

1K 32 2
                                    

Quarrel 50 : Hindi magkaibigan, so ano?

Saka ko lang din napansin na ang lapit ng mukha ni DJ sa'kin. Nilunok ko ang awkwardness na naramdaman at tumayo.

"Zach." Parang hindi niya ako narinig.

Nakatitig lang siya kay DJ. Nang lingunin ko ang huli, pansin ko ang gulat sa mga mata. After six years, nakita na niya muli si Zach.

"Dude." Ayan ang tawag ni DJ saaming dalawa ni Zach. Tumayo rin siya. Kitang-kita sa mga mata niya ang saya dahil sa wakas kaharap na niya ang kaibigan.

Nagulat kaming dalawa ni DJ sa pag-atras ni Zach. Sa ginawa niyang iyon, pinakikita niya na ayaw niyang lapitan siya ni DJ. At kung paano niya tingnan si DJ, masisiguro mong galit pa rin siya rito.

Tinapunan ako ng tingin ni Zach bago walang sabi-sabing tumalikod at nag-umpisang umalis. Hinabol ko siya.

"Zach, hindi manlang ba kayo mag-uusap?" sabi ko matapos ko siyang hilahin paharap sa'kin.

"Ano namang sasabihin ko sa kanya? Dude, I missed you?" sarkastik na sagot niya.

"For pete's sake, Zach! Malalaki na kayo! Ganun nalang ba kataas yang pride mo para hindi magawang makipag-ayos sa kanya?" singhal ko.

"Wag kang magsalita na parang alam mo ang lahat." Akmang tatalikod na siya kaya pinigilan ko siya.

"Ayun na nga, eh. Dati pa 'yon at hanggang ngayon wala pa rin akong alam sa pinag-awayan niyong dalawa. May karapatan naman akong malaman yun, diba? Kasi kaibigan ko kayo pareho."

"Hindi mo ko kaibigan!" sigaw niya hindi pa man ako gaanong tapos magsalita. "Maaaring kaibigan mo si Dexter, pero ako hindi. We're not friends and we would never be. So stop demanding like one." Ilang segundo niya akong tinitigan bago umalis.

Para akong nabato sa kinatatayuan ko. So sa pananaw niya hindi kami magkaibigan? I treated him as one of my best friends while he wasn't. Anong tawag sa ginagawa niyang pagdamay sa'kin kapag may problema ako? Bakit niya ako pinapasaya kapag malungkot ako gayong para sa kanya hindi naman kami magkaibigan?

Ang sakit. Para na rin akong tinakwil. No, wala na palang parang. Kakaiba nga talaga ang set up namin ni Zach. We were close. Really close pero wala lang yun. Hindi kami magkaibigan.

"Di na ata kami magkakaayos," opinyon ni DJ na nasa likod ko na pala.

***

"Ang sarap niyang sapakin! Nakakainis siya!" hinanakit ko.

Pagkahatid sa'kin ni DJ sa bahay, agad kong tinawagan si Suzy at pinapunta dito. As usual, sa kanya ko ilalabas itong hinanakit ko sa katawan. At sa kanya ko lang ipapakita ang luha ko.

"Baka naman nasabi niya lang yun kasi galit siya sa'yo─sa pagshi-ship mo sa kanya kay Kierra."

"Mukhang di naman siya against sa ginawa ko. Enjoy na enjoy pa nga ang mokong," mapait na sabi ko. "At kung ayun nga ang reason niya, napakababaw naman para itakwil ako bilang kaibigan niya." Humugot ako ng tissue sa kahon at pinunas sa luha ko.

"Ano ng plano mo ngayon?"

"Di ko alam. Basta ayoko na sa kanya."

Humalakhak si Suzy na siyang ipinagtaka ko.

"Ano na naman?" utas ko.

"Kung makasabi ka kasi ng, "Ayoko na sa kanya" parang boyfriend mo siya. Or gusto mo siya."

"Of course not! What I mean is that ayoko na rin siyang kaibigan," paliwanag ko.

"Oh-kay..." Subalit halatang hindi siya sang-ayon.

Through Quarrels (TO BE PUBLISHED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt