Quarrel 8 : Babe

1.5K 58 2
                                    

Quarrel 8 : Babe

 

"Mama, hindi naman sa Saturno Campbrigde University mag-aaral si Zach, diba?"paniniguro ko.

Bakasyon na. College na ako sa pasukan. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung saan naka-enroll ng college si Zach. Sana hindi doon. Sana talaga hindi.

"Hindi."

Napa-Yes ako ng malakas sa sinagot ni Mama. Mabuti naman at may nangyari sa halos araw-araw na pangungulit ko sa kanya na wag mag-aral sa paaralan na papasukan ko sa college.

Abot langit ang ngiti ko nung unang araw kong bilang kolehiyala. Bukod sa kaunting panahon nalang matutulungan ko na ang pamilya ko, masaya ako dahil wala na ang manggugulo sa'kin. Magiging madalang nalang kami magkita ng kaaway kong si Zach dahil pareho na kaming college, magkaiba pa ng school.

Si Suzy, at ang iba kong schoolmates ay napag-alaman kong dito rin napiling mag-aral. Pareho kami ng department ni Suzy, Business Ad. Ayun nga lang major in finance siya habang ako naman ay major in marketing.

Blockmate ko si Kierra. Nagpalitan kami ng ngiti nung makita ko siya pagpasok ko sa classroom.

"Tabi tayo," suhestiyon niya na sinunod ko.

Nasa pangalawa sa unahan kami nakaupo. Marami-rami na rin ang nandito. Parang yung prof nalang ang kulang.

"Malapit ka lang dito?" Napatingin ako kay Kierra nang kausapin niya ulit ako. Hindi pa naman kasi kami ganoon magkakilala kaya may kaunting ilangan pang namamagitan sa'min.

"Medyo," tugon ko. "One and a half ang biyahe kapag hindi traffic. Ikaw?"

"Malaya eh. Kaya nagdo-dorm ako."

"Ahh." Tumango tango ako.

Nag-usap pa kami tungkol sa mga bagay bagay. May mga kaklase rin kami na nakikipagkilala at nakikipag-usap na saamin. At maya-maya lang, dumating na ang prof namin.

Akala ko sa elementary at highschool lang uso ang "Introduce Yourself" sa harapan. Pati rin pala sa college.

"I hope we all can be friends," ang sabi ni Marc, ang pinakahuling nagpakilala sa lahat. Pagkatapos nun, pinaalam sa'min ni Sir ang mga criteria sa pag-compute ng grades, kung ano ang mga ayaw at gusto niya sa klase niya, ang mga dapat naming paghandaan sa mga darating na lessons and everything.

Naghikab lang ako sandali nawala na sa harap ang prof namin. Nasa may pintuan na siya, may kinakausap.

"Since this is the first day, hahayaan kita. But next time you come late, get ready for the punishment. You understand? Pumasok ka na." Umatras ang guro para papasukin ang estudyanteng nasa labas.

Parang may artistang pumasok na nagpatili sa mga kaklase kong babae. Even Kierra, narinig kong suminghap nang makita ito.

Through Quarrels (TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now