Quarrel 57 : Muling paghaharap

1K 41 1
                                    

Quarrel 57 : Muling paghaharap

Kinagabihan ayaw na naman akong dalawin ng antok. Nakailang gulong na ako sa kama, binabalak kong hiluhin ang sarili hanggang sa makatulog pero walang saysay. Gising na gising pa rin ang diwa ko. Ang hirap talagang matulog kapag may iniisip.

Alas dose palang naman ng madaling araw. Maaga pa kompara sa kadalasang oras na nakakatulog ako.

Bumangon ako at tumingin sa may bintana. Nakabukas ang mga ilaw sa kwarto ni Zach pero wala akong mapansin ni galaw ng anino niya. Malamang naghihilik na ang lalaking yun.

Naglipat ako ng tingin sa nakasabit na white board sa tabi lang ng frame ng bintana. Halos isang taon ko na atang hindi nagamit yan. Dahil isang taon na rin kaming "hindi normal" ni Zach sa isa't-isa.

I pout remembering how we used to converse using our own whiteboards. Minsan pa nga, inaabot kami ng hatinggabi sa pag-aasaran.

May mali rin naman ako. Marami akong nagawang mali kaya nagkaganito ang sitwasyon namin, inaamin ko yun. At ang pinakaiinisang pagkakamali ko ngayon ay wala akong ginagawa kahit na miss na miss ko na siya. Hindi kasi maalis ang takot sa puso ko ang sakit kapag umasa ako at ang sakit kapag na-reject ako. Kung sa ibang lalaki, baka kayanin ko pa. Kaso si Zach 'yan. Ang lalaking noon ko pa mahal. Baka mag-break down ako kapag sabihin niya rin sa'kin ang sinabi niya kay Kierra na "I'm already in love with some one else."

"Oh, great! Mag-isip ka pa ng mga ganyang bagay, Bora! Tama yan. Sinasaktan mo lang ang sarili mo," sabi ng isang panig sa utak ko.

"Hinahanda ko lang ang sarili ko sa posibilidad na mangyari para hindi masyadong masakit," katwiran naman ng isa.

Ah! Maloloka na ako. Kaya bago pa mangyari yun naisipan kong magpahangin sa labas para na rin makapag-isip isip.

Kumuha ako ng jacket sa closet at lumabas ng kwarto. Nagtungo ako sa silid nila Mama't Papa para magpaalam. Sigurado akong papayagan nila ako.

"Ma, Pa, magpapahangin lang po ako dun sa playground. Saglit lang po ako."

"Hmm," sagot ni Mama.

"Wag papagabi," umuungol pang sabi ni Papa pagkatapos balik siya sa paghilik.

Sabi sainyo eh, papayagan nila ako. At hindi talaga ako magpapagabi. Magpapaumaga lang.

Natatawa akong lumabas ng dahan-dahan sa silid nila. Paglabas na paglabas ko ng bahay, niyakap ako ng malamig at sariwang hangin. Niyakap ko ang sarili ko habang naglalakad papunta sa playground dito lang sa village namin.

"Si Zach ba yun?" tanong ko sa sarili habang nakatingin sa lalaking nakatayo malapit sa puno.

Humakbang ako. May nakaharang na bato dahilan para muntikan akong madapa. Mabuti nalang at naibalanse ko ng maayos ang sarili.

Pag-angat ko ng ulo, wala na ang taong nakatayo sa may puno. Luminga-linga ako sa paligid pero wala na akong ibang taong nakita.

Ipinagkibit balikat ko nalang iyon. Pinuntahan ko ang swing bench na gawa sa kahoy at umupo doon. Ni-trace ng daliri ko ang nakaukit sa kahoy.

BORAcolli

ZACH ZACHAN

Natawa ako mag-isa. Si Zach ang may pasimuno nito. Madalas kaming naglalaro dito. At syempre kapag bored siya, ako ang pinagti-tripan. Eh, nung araw na yun may hawak siyang matulis na bagay.

Nakikipaglaro ako sa ibang batang babae sa slide nung tinawag niya ako.

"Panget, may papakita ako sa'yo!" tawag niya sa'kin.

Nagtawanan ang mga kalaro ko maging ang mga yaya nila. Sumimangot ako at padabog na nilapitan siya.

"Ano yun, batang mas panget sa'kin?"

"Tara." Hinawakan niya ako sa pulsuhan at dinala sa isang swing bench. Binitiwan niya ako at tinuro ang sandalan ng upuan. Doon nakaukit ang: BORAcolli

"HAHAHAHAHA!" Tumawa siya ng tumawa. "Gulay ka! Gulay! Nyenyenyenyenye!"

Sinamaan ko siya ng tingin at hinablot sa kamay niya ang matulis na bagay. Gumanti ako. Nagsulat din ako sa kahoy: ZACH ZACHAN

Ang sumunod na naaalala kong nangyari pagkatapos nun ay naghabulan kami ng naghabulan.

"Bakit nandito ka?"

Napatili ako sa gulat. Lalong nadagdagan ang gulat ko sa katawan nang makita si Zach sa harapan ko.

:H

Through Quarrels (TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now