Quarrel 32 : Badtrip

1K 37 1
                                    

Quarrel 32 : Badtrip

 

Pagka-shutdown ko ng laptop, saktong tumunog ang cellphone ko.

"Problema mo, Zach?" bungad ko sa kanya.

"Gala nalang tayo. Wag nalang tayong pumunta sa party ni Ivan." Si Ivan ay ang blockmate namin last semester na may kaarawan ngayon.  6PM ang start ng party niya mamaya.

"Hindi pwede. Magtatampo yun."

Ilang segundo ang lumipas bago siya nagsalita. "Sige na nga. Basta sabay tayong pupunta doon at sabay ding uuwi."

Napahalakhak ako sa sinabi niya.

"Hey, bakit mo ko tinatawanan?" he groaned.

"Wala. Para kasing... Wala. Nevermind." Para siyang si Suzy na medyo takot sa tao at kapag aattend sa mga party, buong oras na nakalingkis sa braso ko at hindi papayag na umalis ako sa tabi niya.

"Tss. Alam ko 'yang nasa isip mo. Ikaw lang ang inaalala ko."

"Huh?"

Toot toot toot ang sumunod na narinig ko. Babaan ba naman ako?

 

Nung alas-quatro na ng hapon, pinuntahan ko sa baba sila Mama't Papa para magpaalam kung papayagan nila akong mag-overnight kina Ivan. Noong isang araw pa ako nagpaalam tungkol sa party ni Ivan pero ngayon lang ang tungkol sa pag-o-overnight.

"Doon ka sa Papa mo magpaalam," ang sabi ni Mama.

Umakyat uli ako papunta sa kwarto nila. Naabutan kong nagbabasa si Papa ng libro habang nakaupo sa king-sized bed. Ang likod niya ay nakasandal sa headboard.

"Hindi," mariing sagot ni Papa.

"Pa, kasama naman po si Zach," giit ko. Malaki ang tiwala nila kay Zach kaya naisip ko na banggitin ang pangalan niya.

Maraming girls rin naman ang kasama sa overnight at kasama na doon si Kierra.

"Sinabi niya sa'kin na maraming lalaking kaibigan si Ivan na bastos. So then hindi kita papayagan. By eight o'clock dapat nandito ka na. End of discussion."

He said that?

 

"Pa!" may kalakasang tawag ko sa kanya.

Mula sa librong binabasa, nag-angat siya ng tingin sa'kin.

"Naniwala naman po kayo sa kanya?"

"Bakit hindi?"

Here we go again.

"Pa, may mga kasama naman po akong girls na mag-o-overnight. Atsaka─"

"May reklamo ka sa desisyon ko, Bora?"

Kumabog ang dibdib ko sa pagiging seryoso at ma-authority sa boses ng aking ama. Yumuko ako. "Wala po."

Lumabas ako sa kwarto nang may galit kay Zach.

Alam niyo yung feeling na napag-usapan na naming magkakaklase (girls) about sa sleepover at na-excite ng husto tapos mauudlot lang dahil kay Zach? Hindi pala totally "mauudlot". Kasi, ako lang naman ang hindi makakasama sa kanila.

 

Through Quarrels (TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now