Quarrel 55 : That feeling

1K 36 2
                                    

Quarrel 55 : That feeling

Bandang 5PM nung naisipan naming umuwi ni DJ. Hinatid niya ako hanggang sa tapat ng gate. Akala ko aalis na siya pero matapos niya kong pagbuksan ng pinto at isara yun pagbaba ko, sinabayan niya akong maglakad.

"Dito ka nalang mag-dinner," sabi ko sa kanya habang binubuksan ang gate.

"Salamat nalang pero sasaglit lang ako. May pupuntahan pa ko, eh. Maybe next time."

Pagbukas ng gate, pinauna ko siyang pumasok. Ngunit tumutol siya. Inakbayan niya ako at sabay kaming pumasok.

"Ano ba yan, dude. Ang bigat bigat ng braso mo," pabirong reklamo ko.

"Nilulubos lubos ko lang. Hindi ko na sa'yo 'to magagawa kapag may boyfriend ka na."

Hindi ako umimik. Kinkilabutan talaga ako sa pagiging seryoso ni DJ ngayon. It was so unhim!

Sabay na tumigil ang mga paa namin ni DJ paglabas ni Zach sa bahay. Maging siya ay natigilan nang makita kaming dalawa.

Umabot ng limang segundong tahimik ang paligid. Sigurado akong katulad ko, gustong kausapin ni DJ si Zach ang kaso hindi namin alam kung paano sisimulan.

Nag-shift ang tingin ni Zach mula sa'kin pababa sa balikat ko kung saan nakasampay ang braso ni DJ. Medyo madilim na pero malinaw sa'kin ang pag-ngisi niya.

Without saying any word, taas noo siyang naglakad. Nang madaanan niya si DJ ay binunggo niya ang braso nito. Sigurado akong sinadya niya iyon.

Halos mabali na ang leeg ko sa kasusunod ng tingin sa kanya.

DJ laughed that caught my attention. "Ang sarap talagang inisin ng lalaking yun."

I playfully elbowed his ribs. "Maganda yan. Magkakaayos nga kayo nyan," sarkastikong sabi ko.

***

Kinabukasan, pag-check ko ng message sa phone ko, nangunguna ang pangalan Dexter.

Dude, hindi muna kita mahahatid sa school. Di ako papasok. Hang over :D Good morning nga pala.

Hang over? Ibig sabihin uminom nga siya kagabi? So tinotoo niya ang sinabi niyang "Parang gusto kong maglasing" na akala ko biro lang.

Tinawagan ko siya. Tatlong ring bago niya sinagot.

"Yes, ganda?"

"Tinanggihan mo ang offer ko na dito ka sa bahay mag-dinner kagabi para lang maglasing?"

"Ganun na nga. Pasensya na."

"Bakit ba? May problema ka ba?"

"Wag mo na kong alalahanin. Trip ko lang magpakalasing kagabi."

"Di ako naniniwala."

Nakarinig ako ng buntong hininga sa kabilang linya. Inabot ng ilang segundo bago siya nagsalita. "Alam mo yung feeling na, hindi ka pa nga nagsisimulang lumaban, talo ka na agad?"

"May pinanghuhugutan, ah," tumatawang komento ko.

"Tama yan. Pagtawanan mo ko." May himig ng tampo ang boses niya.

"Sorry, Dexter John! Bakit ka ba nagkakaganyan?"

"I'm in love," he answered. "With the girl that can't be mine."

Ginapangan ako ng lungkot sa katawan dahil sa boses niya. Pakiramdam ko nakaka-relate ako sa nararamdaman niya. I'm also in love. With the person that doesn't feel the same way with me.

Napatanong ako bigla sa sarili ko. Ano kaya ang mangyayari kung sakaling malaman ni Zach ang nararamdaman ko sa kanya? Will he laugh at me? Of course not. Zach's not like that.

Marahil iiwasan niya ako. Or pwede ring kakausapin ng masinsinan. Magsasabi ng totoo para hindi ako umasa.

"Pasensya ka na, Bora. Pero si Kierra ang gusto ko," ang naisip kong sasabihin niya sa'kin.

What the... Pumikit ako at kinagat ang ibabang labi. Isipin ko palang nasasaktan na ako. Ano pa kaya kung mangyari na, diba? Hindi ko ata kakayanin.

"Dude? You there?" DJ snapped.

"Uh... oo. Ano, ano nga ulit yung sinabi mo?"

"Never mind," aniya. "I bet, iniisip mo na naman siya."

"Of course not! Bakit ko naman iisipin yung Zach Zachan na yun?" nakalabing tugon ko pagkatapos pinasadahan ng tingin ang bintana ko.

"Gotcha! Sinabi ko bang si Zach ang iniisip mo? Masyado kang pahalata, Dude." At humalakhak siya ng malakas.

"Ewan ko sa'yo! Lasing ka pa ata, eh. Sige na, magpahinga ka na. Uminom ka na rin ng advil pampawala ng hang over mo. Baka puntahan kita dyan sa inyo after class."

"Awww. Ang sweet naman ng dude ko. Payakap nga."

I chuckled. "May alak pa talaga yang utak mo."

"Baka ma-late ka na."

Sinulyapan ko ang alarm clock sa bedside table. "Omigosh. Oo nga. Ikaw kasi, eh!"

Tumawa na naman siya. "Ako pa? Tss. You hung up."

"Sige. See ya later."

"Alligater," he said.

"Bye na talaga."

"Yeah, ingat ka pagpasok."

Nung ibababa ko na ang tawag, may pahabol siyang sinabi, "I love you" na hindi ko masyadong narinig dahil mabilis at mahina ang pagkakasabi niya.

"Ano yun?"

"Wala. Basta, punta ka dito mamaya, huh?"

"Oo naman. Dalhan kita ng paborito mong beef burger. Sige na po, ibababa ko na talaga."

"Bababa bababa," nagsimula siyang kantahin ang kanta ng minions sa palabas na Despicable Me.

"DJ naman, eh! Mali-late na ko!"

"Ibaba mo na kasi," tumatawang sabi niya.

"Oo na. Bye na talaga!" And there, I hung up.

i��:'�G�

Through Quarrels (TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now