Quarrel 22 : Ngayon lang ulit

1.2K 44 3
                                    

Quarrel 22 : Ngayon lang ulit 



Kinaumagahan, ang half-awake kong diwa ay nagulantang sa presensya ni Zach. Nagulat ako at the same time nahihiya dahil baka kung ano ang istura ko.


"Finally, you're awake! Good morning!" Pa-dekwatro siyang nakaupo siya sa couch at nagkakape.


Sinulyapan ko ang alarm clock ko. Nanlaki na naman ang mga mata ko. "Almost 8AM na. Omigad," nasabi ko nalang na dapat ay sa isip ko lang.


"Mag-ayos ka na." 


Hinarap ko si Zach.


"Hihintayin kita. Sa second subject na tayo pumasok." Tumayo siya kasabay ng pag-ngiti sa'kin. Bahagya akong nakonsensya nang mapansin ko ang eyebags niya pati na rin ang pagiging late niya sa klase ngayong araw na ito. I mean, pati siya hindi makaka-attend ng first class namin.


Matapos kong gawin ang routine ko after school bumaba na ako para mag-almusal. Wala si Zach at ayon kay Aling Lita, umuwi ito para magpalit ng damit.


"Nga pala, iha," sabi ni Aling Lita. "Si Zach ang nagluto ng lahat ng yan. Atsaka ito," Tinap niya ang isang daliri sa lunch box na may lamang chicken sandwich na nasa ibabaw ng mesa katabi ang malaking pinggan ng fried rice. "siya din ang gumawa."


Hindi ako iniwan ni Zach. Magkaklase na nga kami sa lahat ng subjects, hanggang lunch at maging sa vacant hours ko bumubuntot siya sa'kin. Pero infairness sa kanya kapag tahimik ako at malalim na nag-iisip kanina, hindi siya nanggugulo unlike the usual na gustung-gusto niya akong bulabugin kapag ganun ang mood ko.


Pati sa pag-uwi, instead na sa bahay nila siya umuwi, sa bahay ang diretso niya.


"Hanggang dito ba naman, Zach?" medyo pagod na sabi ko sa kanya. Alam kong ganito siya dahil nag-aalala siya sa'kin. Pero kasi baka naaabala ko na siya.


"I'm just gonna make sure you'd not skip dinner. What's wrong with that?"


Sa huli hinayaan ko nalang siyang pumasok sa bahay namin. Tama naman kasi siya. Walang masama sa ginagawa niya. Besides, kahit ano naman kasi ang sabihin at gawin ko, hindi siya magpapatalo hanggang sa ako nalang ang sumuko. Katulad nalang ng nangyari kanina. Wala talaga akong ganang kumain. Panay ang pilit niya sa'kin, panay ang tanggi ko. Kung hindi niya lang sinabing, "Kakamayin ko itong ramen kapag hindi ka kumain" malamang mas mababa pa ngayon ang energy ko. Kahit naman best enemy ang turing ko sa kanya (minsan), ayoko siyang mapahiya sa harap ng maraming tao lalo na't may "heartthrob" image siya na pinanghahawakan niya magmula pa noong highschool pa kami.


Siya na mismo ang nagsara ng pinto. Wala kaming imikan ngunit sabay kaming naglalakad patungong kusina.


Iba ang araw na 'to para sa'kin. Exhausted. Para bang pagod na pagod ako kahit na wala naman akong masyadong ginawa. Wala akong gana kahit nakakaramdam ako ng gutom.


Nakapahalumbaba ako sa mesa habang si Zach nagluluto ng calderetta.


Lord, I know hindi Niyo po pababayaan ang pamilya ko.


"Here's your delicious meal made by the most coolest-handsome guy on earth, milady," aniya habang nilalapag sa mesa ang mangkok ng ulam.


Napangiti niya ako.


Umupo siya sa tabi ko pagkatapos pinagsandok ako ng kanin sa pinggan. Pinagmasdan ko ang mukha niya habang ginagawa niya iyon. Ngayon ko lang ulit siya natitigan ng ganito kalapit. 


Kilay na medyo makapal, pilik-matang mahahaba na lalong nagpapaganda sa kanyang mala-tsokolateng mga mata na pumapareho sa kanyang kilay at buhok, ilong na matangos, manipis at mapupulang labi, at isama niyo na rin ang maputi at makinis niyang balat ─ imahe ng lalaking kinahuhumalingan ng mga babae. And, uh, sige na! Isama niyo na rin ang kakisigan niya. 


Hindi lang naman panlabas na anyo ang maganda sa kanya. Kahit mayaman siya, hindi siya matapobre. Masasabi mong maganda ang pagpapalaki sa kanya ng mga magulang niya. At kahit maingay siya sa klase, may laman ang utak niya. Naaalala ko noong grade school hanggang highschool kami. Kahit madaldal siya hindi siya pinapagalitan ng mga guro dahil kapag tinatanong siya regarding sa aming pinag-aaralan, nakakasagot siya ng tama.


May mga naging girlfriend na siya pero sa pagkakaalam ko, wala siyang niligawan isa man sa kanila. Hanggang ngayon wala pa rin siyang nililigawan. Kaya minsan naiisip ko na dahil iyon sanay siya na siya ang binibigyan ng chocolates, letters, gifts (you name it!) sa locker man niya, pinautos or sa personal.


Now, bumilib tuloy ako sa katapangan ko. Kasi nagagawa kong bugbugin ang ganitong klaseng lalaki.


"Come back to earth, Boracay!" he snapped.


Masyado pala akong napatitig sa mukha niya at hindi ko napansin ang nakaabang na kutsarang may lamang kanin at ulam malapit sa bibig ko.


"You eat. Yummy yan. Yummy ang nagluto, eh." Humalakhak siya.


Natatawa ko siyang inirapan at sinubo ang kutsarang may pagkain.


"Sarap?" tanong niya nang naghihintay na malunok ko ang pagkain.


"Pwede na," sagot ko matapos lumunok.


Sumimangot siya. Natawa ako kasi para talaga siyang bata kapag gumaganun. Ang cute, cute!


"Pwedeng pwede ng maging chef ang nagluto," dugtong ko na nagpangiti sa kanya.


Di ko talaga maintindihan kung bakit Marketing ang pinili niyang course kung gayong mas bagay siya sa cullinary. Kung sabagay, may business ang parents niya na siya lang ang tanging tagapagmana dahil bugtong na anak lamang siya.


Through Quarrels (TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now