Quarrel 16 : Kung makaasta parang may date

1.3K 47 2
                                    

Quarrel 16 : Kung makaasta parang may date

 

Unti-unti ko nang nararamdaman ang pangangalay ng aking mga binti dahil sa kanina pa'ng pagtayo. Nailatag ko na halos lahat ng mga dress ko (mga nasuot ko na at maging ang mga hindi pa) sa kama ko subalit hirap akong makapili. Hindi ko alam kung ano ang dapat na suotin ko ngayong gabi.

Dinampot ko ang medallion tie back dress, tinapat sa katawan ko at tiningnan sa salamin kung bagay ba. Napailing ako. Ayoko.

Sinunod kong dinampot ang jeweled strapless dress.

"Para naman akong aattend ng debut nito," sabi ko sa sarili ko.

Sinunod ko ang strapless lace ruffle dress. "Masyadong pormal."

 

Matapos isa-isahin ang lahat ng dress, nakaramdam ako ng pagod kaya binagsak ko ang sarili ko sa kama. Anyare? Hindi ko naman bibilhin/ipabibili ang mga damit na 'yon kung hindi ko gusto. Pero bakit ngayon wala akong magustuhan sa kanila?

"Anak, nag-invite ng dinner si kumare sa labas."

 

Napabangon ako nang mag-play sa utak ko ang sinabi ni Mama sa'kin kanina. Simpleng dinner lang naman ang mangyayari, bakit ko pinaghahandaan ng bongga? Wala namang okasyon. Nagyaya lang ng dinner ang family ni Zach. That's all. Kung makaasta ka naman, Bora, para kang may date.

 

Tinuktok ko ang ulo ko bago tumayo. Nagiging ilusyunada na ata ako. Huwaaat? Nag-iilusyon ba ako na may date kami ni Zach? Oh noes! Wala akong sinabi ah. Hay. Para na akong baliw.

Bago pa ako lamunin ng kabaliwan naghanap na ako ng masusuot na angkop sa pupuntahan ko, namin ng family ko.

"It's just a casual dinner, Bora. Nothing's special," I told to myself. Kaya naman simpleng outfit ang kinuha ko sa closet: Knitted sweater and destroyed denim shorts paired with gladiator sandals.

Saktong pagkatapos kong itali ng paikot ang buhok ko kinatok ako ni Mimi. "Ate, dalian mo daw. Ikaw nalang ang hinihintay."

I took a one last glimpse sa salamin bago lumabas ng kwarto. Nakahawak si Mimi sa kamay ko hanggang sa marating namin ang gate. Nakahanda na ang sasakyan namin sa labas. Maging ang sasakyan nila Zach naka-ready na rin.

"Mama! Papa! Dito na po si Ate," tawag ni Mimi.

Tumigil sa pag-uusap ang mga magulang ko at nang kay Zach. Tumingin silang lahat sa'kin.  Nagtaka ako kung bakit wala si Zach.

Sandali pa silang nag-usap bago ako nilapitan ng mga magulang ko.

"Zach!" tawag ni Tita Lucy sa anak niya. "Aalis na tayo."

Lumitaw si Zach na galing sa kabilang side ng sasakyan. Nakatutok ang mga mata niya hawak na iPhone. Ang isang kamay niya ay nakahawak sa headset: inilipat niya ito mula sa kanyang mga tenga pababa sa kanyang batok.

"Ate!" Kinalabit ako ni Mimi.

Pinilig ko ang ulo ko ngunit hindi inalis ang tingin kay Zach.

"Magpapalit lang ako ng damit. Yung katulad sainyo ni Kuya Zach."

Naramdaman kong tatakbo na sana si Mimi subalit tinawag na siya ni Mama. "Sakay na, Mimi."

Nagkamot ng ulo ang kapatid ko at walang ibang nagawa kundi ang sumunod.

"Ikaw din, Bora. Pumasok ka na dito sa kotse."

Pagkabanggit ni Mama sa pangalan ko nag-angat ng tingin si Zach at nagkatinginan kami. Katulad ko kumunot ang noo niya pagkakita sa suot ko. Para kasing . . . pinagplanuhan naming mag-sweater. Yes, naka-sweater din siya. Hooded nga lang. Tapos naka-chino shorts at slip-on shoes.

Through Quarrels (TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now