Quarrel 23 : Cease fire

1.1K 42 4
                                    

Quarrel 23 : Cease fire

 

Katulad ng nagdaang gabi, mabigat ang mga mata ko nang dinilat ko ang mga ito. Umiyak na naman ako kagabi. Tinext at ilang beses ko nang sinubukang tawagan ang numero ng agency pero walang nag-re-respond. Hanggang ngayon wala pa rin akong balita sa pamilya ko.

"What are you waiting for?"

Napabalikwas ako. Ngunit di naglaon bumalik ako sa pagkakahiga. Ilang araw ng parang kabute si Zach na sumusulpot nalang dito sa kwarto ko tuwing umaga kaya sanay na ako kahit papaano.

"Mag-ayos ka na. Papasok na tayo ngayon." Tuwing nandito talaga siya, iniisip ko kung anong oras siya pumunta rito at kung pinapanood niya lang ba ako habang hinihintay akong magising. Kung totoo yan, I wonder how long.

"Ikaw nalang. Wala ako sa mood pumasok," tinatamad na sabi ko na hindi manlang nag-atubiling tingnan siya. Hinila ko ang kumot, tumagilid patalikod sa kanya at nagtakip ng unan sa mukha. I shut my eyes.

Narinig ko ang mga hakbang niya. And then I suddenly felt his weight on my bed.

"Hindi ka pwedeng umabsent!" Kinuha niya ang unan, pagkatapos binato ito sa kung saan nung makatunog na babawiin ko ito. "Exam na natin sa Thursday-Friday, Bora! Kailangan mong pumasok," he insisted.

Napilitan akong pumasok dahil sa pangungulit at sa pag-konsensiya sa'kin ni Zach. Tama rin naman kasi siya. Malapit na ang midterm exam namin. At kung mababa ang score na makuha ko, tiyak na madi-disapppoint ko ang pamilya ko. Walang mangyayari kung magmumukmok ako sa kwarto ko.

"Namamaga," puna ko sa aking mga mata habang nakatingin sa reflection ko sa screen ng phone ko.

"Maganda ka pa rin."

Napatingin ako kay Zach dahil sa sinabi niya. Di siya nakatingin sa'kin. Seryoso siyang nakatingin sa daan. Ngunit sigurado ako na ako ang sinabihan niya. Ako lang naman ang sakay niya dito sa kotse niya.

Hindi ko inasahan na tutugon siya sa sinabi ko na para lang sa sarili ko. At mas lalong di ko inasahan ang sinabi niya. Sa tagal naming magkakilala, ngayon ko lang narinig sa kanya ang mga salitang 'yan. Kaya nakakagulat. Sabagay, never ko pa rin naman siya sinabihan na gwapo. Well, maybe madalas ko siyang pinupuri. Pero sa isip lang. Di uso sa'min ang magpalitan ng compliment. Laitan at asaran, oo.

"Bora," untag niya. Sinulyapan niya ako saglit. "Please lang, wag kang magmadaling umuwi mamaya. Hintayin mo naman ako. Sabay tayong uuwi. Ayoko ng uuwi kang mag-isa. Baka maulit na naman yung isang beses na muntikan ka ng masagasaan ng sasakyan dahil tulala kang naglalakad sa kalsada."

Ang pangyayaring tinutukoy niya ay yung kahapon. Masyadong lutang ang isip ko sa kakaisip sa kalagayan ng pamilya ko para pansinin pa ang traffic light. Bumalik lang ako sa tamang pag-iisip ng bumusina ng malakas ang ten-wheeler truck. Lumingon ako nun. Akala ko katapusan ko na pero may mabilis na humila sa'kin, si Zach.

"Di naman ako nasagasaan. Walang masakit sa'kin. Wag mo na kong dalhin doon," giit ko sa kanya.

 

"Utak ang ipapatingin ko sa'yo. Baka kasi nahihibang ka na," sagot niya na medyo pabiro.

 

Yan ang dahilan kung bakit sabay kami at kung bakit kami ginabi ng uwi. Dinala pa kasi niya ako sa infirmary.

"Natatakot akong . . ." Sandali siyang tumigil sa pagsasalita. Nasaksihan ko ang pagtaas baba ng adam's apple niya. Tila nag-aalinlangan kung tatapusin ba niya ang nasimulang sabihin. "Natatakot akong may mangyaring masama sa'yo."

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Nanuyo ang lalamunan ko. Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Gusto kong magpasalamat dahil nag-aalala siya sa'kin pero may iba pa akong mas gustong sabihin sakanya subalit hindi ko alam kung ano.

Nanaig ang mahabang katahimikan sa aming dalawa. Malayo layo pa kami sa SCU. Para maibsan kahit papaano ang tensyon, pinukol ko ang atensyon ko sa phone ko. May 3 new unread messages ako. Hindi ko manlang namalayan o narinig na tumunog ito kanina.

"Omigad!" bulalas ko. Nanlalaki ang mga mata ko at nakatakip ang isa kong kamay sa bibig ko.

"What?" tanong ni Zach.

"Zach!" mahabang tawag ko sa pangalan niya. Magsasalita palang siya nung sinunggaban ko siya ng yakap.

Nagulat siya sa ginawa ko. Hindi ko alam kung mabubunggo ba sana kami basta nagkaroon ng malakas na tunog ang mga gulong ng sasakyan ni Zach dahil sa biglang pagpreno.

"Hey, Don't cry. Anong nangyari?" tanong niya matapos iparada sa gilid ng kalsada ang sasakyan.

Inangat ko ang ulo ko para tingnan siya. "Si mama . . ."

Kumunot ang noo niya. Naghihintay ng kasunod na sasabhin ko.

"Nag-text na sa'kin si mama!" masayang wika ko.

Umaliwalas ang mukha niya at ngumiti. "Edi mabuti. Anong sabi? OK na daw ba sila?"

Tumango ako at nagpunas ng luha. "Wala daw signal. Nung pumunta daw sila ng bayan saka lang siya nakasagap ng signal. Kaya daw ngayon lang siya nakapag-reply sa'kin. Zach, ligtas sila. Ang saya saya ko."

Niyakap ko siya ng mahigpit. Niyakap niya ako pabalik.


——————————


Salamat sa mga nakaabot hanggang dito, sa pag-aabang ng storyang 'to kahit na ang turtle ng update. Haha. Esp kay @Mischievous_Wings na walang Quarrel na pinaglagpas. Lahat nagli-leave siya ng comment same with ka-Soyunique kong si @Fearl012 Thank you po talaga! Keep it up <3

Through Quarrels (TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now