Quarrel 39 : Nakakaintindi siya ng tagalog

1K 36 1
                                    

Quarrel 39 : Nakakaintindi siya ng tagalog

 

Bumalik si Kierra nang walang kamalay-malay sa pinaplano nila. Si Zach hindi pa rin bumabalik at wala akong ideya kung nasaan siya.

"Bora, tara, sayaw tayo," yaya ni Niel.

"Uh, sige." Nilingon ko si Suzy at hinila ang kamay niya para sumama rin sa dance floor.

"Ikaw, Kierra, ayaw mong sumayaw?" tanong ni Brian.

"Maybe later. Enjoy nalang muna kayo," nakangiting sabi niya.

Hinila na ako ni Niel habang hila-hila ko rin si Suzy papuntang dance floor.

"Bestie, teka."

Huminto ako at tiningnan si Suzy. Pati si Niel napatigil sa paglalakad.

"Tumatawag si Darwin. Kakausapin ko lang siya saglit sa labas. Babalik nalang ako."

"Okay, Suzy," Niel respond. Hinatak niya ulit ang braso ko at pinagpatuloy ang  pagkaladkad sa'kin.

Nagpatinaod ako hanggang sa matabunan ng mga tao si Suzy sa paningin ko.

***

"Niel, napapagod na ko," dahilan ko. Wala ako sa mood kung kaya't kahit mga limang minuto palang ata kaming nagsasayaw pakiramdam ko pagod na ako.

"Ang sabihin mo, ayaw mo lang akong kasayaw." Tinaas ni Niel ang hawak na bote ng alak at sumayaw sayaw habang nakapikit.

"Hindi naman sa ganun, Niel. Wag ka ngang magdrama dyan."

He laughed. "Joke lang. Sige, maghahanap nalang ako ng ibang chix." Pagkasabi niya nun, tinalikuran na niya ako at nakisalo sa kumpulan ng mga babaeng nagsasayaw.

I grimaced as I watched them dancing wildly.

Masyadong crowded ang dancefloor kaya nahirapan akong hagilapin ang table namin. So I decided na sumandali muna sa counter. Umupo ako sa stool bar one-spaced sa lalaking nakaupo at pinaglalaruan ang alak sa shotglass.

"Zach?" ang lumabas sa bibig ko matapos pag-aralan ang mukha ng lalaki.

Walang ekspresyon ang mukha niya nang humarap siya sa'kin. Tiningnan niya lang ako saglit pagkatapos sa alak niya na ulit.

"Kanina ka pa umiinom," sabi ko sa kanya. "Hindi ka pwedeng malasing, Zach. Magda-drive ka pa." Tumayo ako para lapitan siya at awatin sa pag-inom, subalit may isa pang lalaki ang pumwesto sa kaninang bakanteng stool na namamagitan sa'min ni Zach.

"Hi!" he greeted.

Pinilig ko ang ulo ko para silipin sa likod ng lalaki si Zach. Nakita kong nagpasalin siya ng panibagong alak sa bartender.

Through Quarrels (TO BE PUBLISHED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora