Quarrel 42 : Cold treatment

1K 30 1
                                    

Quarrel 42 : Cold treatment

 

"Ate, may sakit ka ba?" Pumasok sa kwarto ko si Mimi.

Umupo ako sa kama at hinintay siyang makalapit sa'kin. "I'm fine," sabi ko sa kanya.

"Eh, bakit ayaw mong mag-breakfast? Sabi sa'kin ni Mama tanungin daw kita kung may masakit daw sa'yo kaya ayaw mong bumaba."

I smiled. "Wala pa kasi akong gana, Mimi. Pero sige na nga, bababa na ko para mag-breakfast. Ikaw, kumain ka na ba?"

Mimi nodded. "Ate, ba't nangingitim yung mata mo?"

Pinaling ko ang ulo ko sa gilid para tingnan ang sariling repkleksyon sa full-length mirror. Ngumuso ako nang mapansin ang nangingitim kong eyebags.

Pagkaalis ni Mimi, muli kong pinagmasdan ang sarili ko sa salamin. Ilang oras lang ba ang tulog ko kagabi? O, nakatulog nga ba ako? Di ako sigurado. Nakapikit ako pero alam kong gising ang diwa ko. Hindi ako makatulog, hindi mapakali. Buong gabi kong iniisip kung ano ang nangyari kina Zach and Kierra. Kung ano ang pinag-usapan nila, at kung nagkamabutihan na ba sila.

Ngayon natatakot akong humarap kay Zach. Expected ko kasi na may galit o tampo siya sa'kin.

I set the comforter aside pagkatapos bumaba na ng kama. Dumaan ako sa may bintana ko. Ang makita si Zach ang pakay ko, at hindi ko naman inaasahan na mangyayari iyon. Nagulat ako nang makita ko siya sa veranda. Nakaupo sa reclining chair habang nagkakape at mukhang ang lalim ng iniisip.

Kumapit ako sa kurtina at hinintay na tumingin siya sa direksyon ko. Of course, kapag may taong nakatitig sa'yo, kadalasan mararamdaman mo iyon. Naramdaman niyang may nagmamasid sa kanya kaya sa wakas napatingin siya sa direksyon ko.

I waved my hand and mouthed, "Hi."

Tanging tipid at pilit na ngiti ang tinugon niya. Nagbawi din siya agad ng tingin. Pagkatapos ay tumayo at pumasok sa loob ng silid niya.

***

"Bora!" sigaw ni Kierra sa pangalan ko. Tinawagan niya ako kanina para yayaing mag-shopping dito sa mall na paborito niyang puntahanan.

Pagharap ko sakanya, napaatras ako dahil sa pwersang dulot ng pagsunggab niya sa'kin ng yakap. Kapansin pansin ang labis na kasiyahan sa mga mata niya. At may ideya ako kung bakit.

"Thank you so much, girl!" Kinuha niya ang dalawa kong kamay at hinawakan ng mahigpit.

"For what?" I queried.

"Ivan told me na magpasalamat ako sa'yo. You know, sa nangyari sa birthday niya."

Like what I have thought, sabi ko sa sarili.

"Ang saya saya ko talaga, Bora. Zach is so gentleman talaga. He let me use the bed, nagtiis siyang matulog sa maliit na sofa. And he even lend me his jacket! Oh gosh! Sobrang bango nun to the point na up to now, it still linger on my nose." She sighed, dreamily. "At pagkatapos nun, palagi na kaming nagkaka-text. Isn't it a good sign?"

"Yeah," tipid kong sagot.

"Sabi ko sa kanya, isasauli ko na yung jacket niya. But he refused. Akin na lang daw iyon." She giggled then continued, "Nagka-souvenir pa tuloy ang gabing 'yon. Grabe, kinikilig talaga ako kapag iniisip ko ang pangyayaring iyon."

Tumango-tango nalang ako dahil hindi ko alam kung ano ang itutugon ko.

"Salamat talaga, Bora. Thank you for helping me with Zach. Akala ko nakalimutan mo na yung hiningi ko sa'yong favor. But look, higit pa sa expected ko ang ginawa mo. I owe you one. And because of that, pwede kang humiling sa'kin. Anything. Ibibigay ko sa'yo."

"Sinabi mo na yan before. Sabi ko naman sa'yo, di ko kailangan ng kapalit. Basta maging masaya lang ang kaibigan ko, ayos na ako dun."

"Aww. You're such a nice friend. Ang swerte ko dahil naging kaibigan kita. Sa'yo ko lang nahanap ang salitang best friend." Niyakap niya ako.

Napangiti ako sa sinabi niya. Niyakap ko siya pabalik.

"There's more." Lumayo siya at pinagmasdan akong mabuti. "Nakakahiya. Pero, uhm, lalakasan ko na ang loob ko."

"Ano ka ba, wag kang mahiya, OK? We're friends," I told her.

She smiled. "Nagiging demanding na ko masyado, pero... can you help me have a date with Zach?"

"Huwat?" bulalas ko. Hindi ba't ang desperada nang pakinggang kung ang babae ang gagawa ng first move? "Diba sabi mo nagkakamabutihan na kayo? Then, there would be a big probability na yayain ka niyang mag-date."

Parang may kumurot sa dibdib ko nang bitawan ko ang huling pangungusap.

"I don't think so." Bumuntong hininga siya. "For sure kasi, kapag nagdi-date na kami, kapag nasa getting-to-know-each-other stage na, malaki ang posibilidad na maging kami. And being Zach, as my boyfriend, is a dream come true for me."

"You really into him, huh?"

Mabagal siyang tumango. "I'd never liked a guy the way I like Zach ever before. So can you please help me? Pretty please?" Kumikinang na ang mga mata niya dahil sa hinihinging pabor.

Who am I anyway to resist her?

"Tingnan ko kung anong magagawa ko."

"Yes!" she belted out, very happy. "Thanks, Bora! You are the best!"

Through Quarrels (TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now