Quarrel 18 : Zach Zachan ng swerte? O sadyang Zach Zachan lang talaga ng gwapo?

1.2K 45 1
                                    

Quarrel 18 : Zach Zachan ng swerte? O sadyang Zach Zachan lang talaga ng gwapo?

Hinila ko ang unan na ginagamit ni Mimi kapag dito siya sa kwarto ko natutulog at niyakap. Tatlong oras palng sila simula ng umalis nami-miss ko na agad siya, sila nila Mama't Papa. Kung kailan naman kasi pinayagan ng si Papa ng boss niya na pwedeng mag-leave ng one week, nagkataon pa sa araw ng midterm exam ko. Gusto ko sanang sumama sa probinsya, kina Lola, kaso hindi naman pwedeng ipagpaliban ko ang exam.

Paggising ko ng umaga tinext ko agad si Mama. Tinanong ko kung nasa probinsya na ba sila. Pinuntahan ako ni Aling Lita, ang katulong namin, para sabihing nakahanda na ang almusal.

Nasalubong ko si Kierra sa corridor. Habang naglalakad papunta sa room namin, napag-usapan namin ang tungkol sa nalalapit na exam, kaunting girl talk until napunta sa seryosong usapan.

"Ano kasi, nakakahiya." Tumigil kami sa parte na walang ibang tao.

"Ayos lang," sabi ko. "Ano ba 'yon? Sa'kin ka pa nahiya."

Ngumiti siya. At matapos makakuha ng lakas ng loob, dire-diretso niyang sinabing, "May gusto kasi ako kay Zach."

Napatakip ako ng bibig sa natuklasan. Ngunit hindi naglaon ay napatango ako. Naalala ko kasi bigla noong highschool kami. Nung school fest at the same time Valentine's Day. Pagtulak ko kay Zach nabunggo siya kay Kierra. Nahulog ang mga dala niya at tinulungan naman siya ni Zach sa pagpulot. And it's confirmed! Tama ang naamoy kong something fishy that time. Kung pagmamasdan kasi ang reaksyon ni Kierra that time, masasabi mo talaga na may something siya kay Zach.

"Actually nung second year highschool palang. Unang kita ko palang sa kanya nagustuhan ko na siya. At lalo ko siyang nagustuhan nung pinagtanggol niya ako sa tatlong nangbastos sa'kin sa labas ng school."

"Sinubukan mo ba siyang kausapin?"

She sighed. "Gusto ko. Gustung-gusto ko pero parang ang hirap. I wanted to know him kaya ini-stalk ko ang mga social accounts niya. Lalo na sa Facebook." Bahagya siyang natawa. "Palagi kong binibisita ang wall niya, chini-check ang activity niya."

Napailing ako. "Kahit kelan talaga napaka-swerte ng mokong na yun," mahinang sabi ko sa sarili.

"At first akala ko girlfriend ka niya."

"Ha?" gulat ko. "Pa...paano mo naman nasabi?"

"Kasi sa activity niya sa Facebook, sa mga status at photos mo lang siya nagcocomment."

Jeskelerd! Kung alam mo lang kung ano ang mga kino-comment niya sa status or photos ko.

"Tapos ilang beses ko na kayong nakitang sweet."

"Sweet? By how?"

"Like kapag inaakbayan ka niya."

"Don't take it seriously, Kierra. Biro niya lang yun. Hindi kami sweet. Lagi nga kaming nag-aaway ng kumag na 'yon."

Natawa si Kierra sa sinabi ko. "He's the cutest kumag."

Ngumiwi ako.

"Sinabi ko sa'yo kasi, it may sounds desperate, pero gusto ko siyang maging boyfriend."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Anak ng! Ikaw na talaga swerte, Zach! Kierra Mendoza yan oh! Almost perfect na babae.

"Pwede mo ba kong tulungan?"

"Alam mo, Kierra, maganda ka. Inside and outside. Maraming nagkakagusto sa'yong lalaki. Masyado nang pinagpala si Zach kung ikaw ang gagawa ng first move."

"You think magugustuhan niya rin ako?"

"Of course! Who wouldn't?"

"Salamat, Bora. Pero kapag iniisip ko talaga parang imposible."

"Bakit naman?"

Nagkibit balikat lang siya.

Through Quarrels (TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now