Quarrel 1 : Muse and Escort

2.4K 67 3
                                    

Quarrel 1 : Muse and Escort

Noong unang araw ng pagiging senior highschool ko, sa likuran ako pumwesto. Katabi ko si Suzy. First day palang naman, wala pang assignated seats. Dito ko pinili kasi matutulog ako. Wala rin naman kasing ginagawa. Ah, meron pala. Nagbobotohan sila ng Class Officers.

And as usual, ang matalinong si Suzy ang pinili nila as a president. Naka-ub-ob ako sa desk habang yakap yakap ang bag ko. Inaantok ako pero hindi naman ako makatulog. Basta nakapikit lang ako.

"Bestie..." Siniko ako ni Suzy.

"Ano ba. Natutulog ako," saway ko sa kanya.

"Kasi naman, bestie, gumising ka!"

"Ayaw." Nagpalit ako ng posisyon habang nakapikit. Sa kabila ko naman pinilig ang ulo ko.

"Ikaw daw muse. Ge, tulog ka lang dyan."

"HUH?" Mabilis na nag-sink in sa utak ko ang sinabi niya. Umayos ako ng upo, tinitigan ng ilang sandali si Suzy bago hinarap ang white board.

"No way." Tulala pa rin ako habang pinagmamasdan ang Muse: Bora Kane Jimenez sa white board.

"Yes way. Tulog ka kasi ng tulog."

"Di ako natutulog. Nakapikit lang ako."

Oh my freaking geez lang! Ayan ang pinaka-ayoko sa lahat. Ang maging muse of the class na naman. Na-trauma na ata ako nung second year.

Nagtaas ako ng kamay na siyang pumukaw ng atensyon ni Ferlyn, ang ngayong sekretarya ng klase namin.

"I object," sabi ko.

"Sorry, pero hindi pwede. Choosy ka pa, girl? Muse ka na nga eh. Di mo ba alam na marami ang naghahangad maging muse?"

"Edi sila ipalit mo dyan."

Nag-oooh ang iba kong classmate. Si Suzy naman, mula sa gilid ng mata ko, nakita kong nagbuntong hininga.

"Uh . . . sorry," paghingi ko ng paumanhin. Nasa akin ang atensyon ng buong klase (I hate being center of attention!), kaya naman yumuko ako.

Hinintay kong may magsalita muli bago ako nag-angat ulit ng ulo. Nasa escort na sila ngayon. Panay ang taas ko ng kamay para mag-object pero walang pumapansin sa'kin. Halos nagmamakaawa na nga ako dito sa president na katabi ko na tanggalin ako sa pwetso tutal siya naman ang may pinakamataas na posisyon pero ayaw niya din.

"Ba't naman ako papayag? Ikaw ata ang pinakamaganda dito sa section natin. Kayang kaya mong labanan ang ibang muse kapag may school pageant."

Di ko alam kung matutuwa ako sa papuri niya o ano.

Oo nga walang masama sa pagiging muse. In fact, nakakadagdag ganda ito. But the thing is, ayoko ng maulit ang nangyari sa'kin way back noong second year highschool ako. Muse ako. Tapos yung escort ko . . . uhm . . . paano ko ba siya ide-describe ng hindi ako nakakagawa ng kasalanan? Well, mabait naman siya. Payat at medyo matalino rin naman.

Alam niyo ba yun? "Ganun" na nga siya tapos be the be the pa. Tuwing rarampa ang mga muse and escort, siya ang panay ang kaway sa paligid. E, alam niyo naman ang buhay highschool. Automatic, pinagtatawanan at inaasar siya. Bilang partner niya, nadadamay ako sa kahihiyang ginagawa niya. Marami pang kahiya-hiyang memories akong naranasan dahil sa kanya. Simula nun, hindi ko na nagustuhan ang pagiging muse. AYOKONG AYOKO!

"Sino ba kasing naghalal sa'kin dyan eh!" reklamo ko. Umaapoy pa rin sa paningin ko ang pangalan ko sa white board. "Alam naman nilang ayoko."

"Sino pa ba?"

Napatingin ako kay Suzy nang magsalita siya. Sa totoo lang sarili ko ang kinakausap ko. Bait talaga ng kaibigan ko! Ayaw akong pagmukhaing tanga.

"Edi si Zach."

"Yung kumag na yun?!"

Automatic na pumaling ang ulo ko sa direksyon kung nasaan ang lalaking pinanganak para sirain ang araw ko. Ayun siya't nakatingin din sa'kin. May nakakainis na ngising nakaukit sa kanyang labi.

Nung second year din siya ang nagboto kay Aldie bilang escort. Kinuntsyaba pa niya ang mga kamag-aral namin para manalo ito.

For sure, ako ang binoto niyang muse ngayon dahil may binabalak na naman 'yang masama. Another for sure, kung kani-kanino na naman niya ako ipa-partner.

"Ferlyn, boboto ako!" pukaw ko ng atensyon ko kay Ferlyn.

"Ang siga naman ng muse natin."

"Tumigil ka dyan Zach Zachan!" Matapos ko siyang pandilatan ng mga mata, bumaling ako kay Ferlyn. Tumayo ako ng maayos at sinabing, "I respectfully nominate Zachariah Sevillano as an escort."

Kung mangyayari na naman this year na mapahiya ako, aba idadamay ko siya! Kaya tigilan na niya ang kung ano mang binabalak niya. Dahil kapag ako napahiya . . . edi napahiya.

Majority win ang nangyari. Si Zach ang nanalo bilang escort ng klase. At ang paghalal sa kanya bilang escort ay labis na pinagsisisihan ko. Bakit? Kasi naman, tinutukso kami ng mga kaklase namin lalo na ang mga kaibigan ko.

Through Quarrels (TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now