Quarrel 40 : Taguan

1K 37 1
                                    

Quarrel 40 : Taguan

 

"Yan ang mahirap sa'yo! Ang hilig mong mag-entertain ng kung sinu-sino. What if masamang tao 'yon? What if photographer nga siya pero ng men's magazine?" sunud-sunod na singhal niya sa'kin.

Tinulak niya ako nang hindi naman kalakasan kaya napaupo ako.

Kami lang ang nandito sa table namin. Ang mga lalaki niyang kaibigan, alam kong nasa dancefloor. Si Kierra, di ko alam kung nasaan. At si Suzy, mukhang nasarapan sa pakikipag-usap sa phone kay Darwin.

"Zach, I'm sorry," I uttered.

Dahan-dahang naghiwalay ang mga kilay niyang kanina ay magkasalubong. Matagal kaming nagpalitan ng mga tingin.

Nagpakawala siya ng malalim na hininga. Pinanood ko siyang umatras at umupo sa tapat ko.

"Sorry sa sinabi ko kanina─" He cut me off.

"Don't mention it."

"Di ka na galit?"

"Kailan ba ko nagalit sa'yo?" Sumandal siya sa upuan at ilang sandali lang sumilay ang ngiti sa labi niya.

Napangiti ako ng malapad. Ayos na uli kami. And it's pretty good.

"Suotin mo nga yung blazer mo." Dumampot siya ng cracker at binato sa'kin.

Gumanti muna ako bago kinuha ang blazer na pinatong ko sa arm rest ng upuan. Sinuot ko ito.

Pagharap kong muli kay Zach, nakita ko sa background si Ivan na kumakaway-kaway. Nilipat ko ang tingin sa kanya. May gini-gesture siya. Noong una hindi ko maintindihan pero nang ituro niya si Zach tapos ang second floor, naliwanagan ako kung ano ang pinararating niya.

Tumango ako sa kanya. Nag-thumbs up siya at umalis.

Nung tingnan ko uli si Zach, parang ayokong gawin ang pinapagawa sa'kin nila Ivan. Parang pakiramdam ko tinatamad akong tumayo. All I wanted for this moment is to bond with Zach. Pero hindi pwede. I gave my word. At dapat kong panagutan iyon.

"Zach, akyat tayo sa itaas."

"Huh?"

"May gusto kong tingnan sa second floor," dahilan ko. "Samahan mo ko."

Tumayo ako at lumapit sa kanya. Hinawakan ko siya sa wrist at hinila patayo. Habang naglalakad kami, nahagip ng paningin ko sina Brian, Niel at Aljur na nakangiti sa'kin. Sinenyasan nila ako na kumikilos na rin sila para mangyari ang pinaplano nila kina Zach at Kierra.

Sa bawat baitang ng hagdan na maapakan ko, palakas ng palakas ang kabog ng dibdib ko. Ngayon palang nakukunsensya na ako. Parang ipinagkakanulo ko na si Zach. At isa pa, malaki ang probability na magalit siya sa'kin after this. And because of that, nakaramdam ako ng takot. Gusto kong mag-back out. Paano ba ako napunta sa ganitong sitwasyon?

Through Quarrels (TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon