Quarrel 2 : Putik

1.8K 59 5
                                    

Quarrel 2 : Putik

 

Hindi ko inaasahan na sa kalokohan namin (na si Zach ang nagsimula), makokoronahan kami bilang Campus King and Queen. Dumami ang nakakakilala sa'kin, at dumami rin ang mga manliligaw ko.

May dalawa akong naging boyfriend during my senior year. Pero sa dalawang taong iyon, three weeks ang pinakamatagal. Tuwing nilalait kasi ni Zach ang boyfriend ko sa mismong harapan ko, ewan ko ba kung bakit sobra akong apektado. Iyon bang nakakaramdam ako ng turn off kahit na pigilan ko.

"Ate, bigay mo sa'kin mga chocolate mo mamaya, huh?" sabi ng malambing kong kapatid na si Mimi isang umaga na nag-aalmusal kami.

"Oo naman. Kapag meron."

Sinabi kasi ni Papa kagabi na, "Valentine's Day na naman bukas. Marami na naman matatanggap na tsokolate yang ate mo. Lambingin mo na."

Kaya ayan, panay ang yakap sa'kin ni Mimi magmula pa kagabi.

Paglabas ko ng gate, bumungad sa'kin si Zach. Nakasandal siya sa kotse at may ngising nakakaloko ang naglalaro sa mukha niya. The eff! Ayokong ayoko talaga ng ngisi niyang iyan.

"Good morning, Boracay!" bati niya in a mapang-asar way.

"Good morning din, Zach Zachan!" Sarkastiko ko siyang nginitian pagkatapos naglakad na paalis.

Panay ang tingin ko sa wristwatch ko habang naghihintay ng bus. Kanina pa kasi ako nakatayo dito pero wala pang bus na hindi siksikan ang pasahero ang dumadaan. Kapag lagpas ng 7AM talaga ako nakarating dito pahirapan na. Wala naman kaming academics this day. School fest ngayon (na sumabay sa Valentine's Day) kaya ayos lang kung ma-late ako. Pero kasi, nangangalay na ko!

Sa kalagitnaan ng pangangalay ng mga binti ko, sumulpot na parang kabute ang mortal enemy ko.

"Ano na naman 'yon?" asar na sambit ko sa kanya.

"What?" anang niya, painosente. "May ginawa ba ko? Wala pa naman ah."

Wala pa naman. UGH.

"Eh, anong ginagawa mo dito?"

"Aga-aga ang init ng ulo mo. Umamin ka, nag-me-menopause ka na, 'no?"

Hindi na ako nag-atubiling sumagot pa. Nilapitan ko siya, nilusot ang mga kamay sa loob ng kotse niya at sinabunutan siya.

"Epal, epal, epal!" sabi ko habang minu-muder ang buhok niya.

"Aray ko─ Hoy ano ba! Tigilan mo yan kung hindi..." Hindi niya tinapos ang banta niya.

"Kung hindi, ano ha? Ano?"

"Ang siga talaga ni Boracay."

"Umalis ka na nga dito! Sirain ko 'yang sasakyan mo."

"Grabe ka. Ano bang ginagawa ng sasakyan sayo?"

"Ewan ko sa'yo." Humakbang ako paatras at nagkibit-balikat. Imbes na kay Zach ako tumingin, pinasadahan ko nalang ng tingin ang bawat bus na dumaan. Sana makasakay na ko, please. Ang ganda ng simula ng araw ko. Ayokong sirain ito ni Zach ng ganito kaaga.

"Pumarada lang ako sandali dito nagbubunganga ka na dyan. Di mo ba alam na malaking turn off sa babae ang bungangera?"

"Wala akong pakelam sa opinyon mo, OK?" singhal ko sa kanya. "Bawal magparada ng sasakyan dito! Alis!"

"Sige. Sabi mo eh. Aalis na ko. Bye!" Pinakita na naman niya sa'kin ang kinaiinisan kong ngisi. Kumaway siya bago pinaharurot ang kotse niya. At sa pagharurot nito, nagtalsikan sa uniform ko ang putik.

Bakit ba hindi ko naalala na umulan kaninang madaling araw kaya maputik ngayon? Edi sana binonggahan ko ang pag-atras nang sa gayon hindi ako madudumihan.

"ARGH! KAASAR! HUMANDA KA TALAGA SA'KIN ZACH ZACHAN KA! GAGANTIHAN KITANG LALAKI KA!" Nagpapadyak ako sa inis. Again, nakalimutan ko na umulan kaninang madaling araw at maputik ngayon. Ang labas? Sinalo ng damit ko ang lahat ng putik na tumalsik gawa ng pagmamaktol ko.

Ang saya! Ang saya saya! Uuwi akong nangangalay ang binti, ipapakita sa nanay ko ang sapatos kong parang pag-aari ng manggugubat pati ang puting medyas na nag-transform into color brown, at higit sa lahat, irarampa ko pauwi ang skirt kong nagmistulang comouflage. What a very nice day to begin with.

Through Quarrels (TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now