Quarrel 10 : Zach Zachan ng arte

1.5K 50 0
                                    

Quarrel 10 : Zach Zachan ng arte

 

"Mama, sabi mo po hindi sa Saturno Campbrigde University mag-aaral si Zach. E, ba't nandun ang mokong na yun? Worse, blockmate pa kami," sambit ko nang nakasimangot.

"Ang sabi kasi ni Mareng Lucy sa SCU daw mag-aaral si Zach. Wag mo kong sisihin, anak. Sinabi ko lang ang sinabi sa'kin. Atsaka, ayaw mo nun? Nasa iisang klase na naman kayo." Lumabas na siya ng silid ko bitbit ang mga labahan.

Binagsak ko ang sarili ko sa kama at inihilamos ang aking palad sa mukha ko. SCU. Ayun ang acronym ng Saturno Campbrigde University. Bakit ba hindi ko napansin yun? Hay. Yung nanay ko naman akala siguro magkaiba 'yon.

Hinayaan ko nalang mangyari ang mga mangyayari. Minsan nga naiisip ko na, siguro nakatadhana talaga si Zach para bulabugin ang umaga't gabi ko. Walang nagbago sa highschool life at sa college life ko. Asaran with him, habulan and everything.

At oo nga pala, one time kinausap ako ng maliwanagan ni Kierra.

"Mag-ex ba talaga kayo ni Zach?" tanong niya tapos sandaling pinasadahan ng tingin si Zach, na nakikipagdaldalan sa mga tropa niya.

"Never!" ang tugon ko. "Schoolmates tayo noong highschool, hindi ba?"

Tumango siya.

"Kung naging kami, dapat malalaman mo 'yon. Kilala mo naman siguro yan si Zach. Sikat. Umutot nga lang ata yan malalaman na ng lahat."

Napalitan ng tawa at saya ang mukha niyang nababagabag. "Oo nga naman," tumatawang pagsang-ayon niya. "Pero wala ba talaga kayong something? Para kasing. . . ang sweet niyo."

Para akong mabibilaukan sa sinabi niya. "What the eff?" bulalas ko. "Anong sweet sa'min?"

"Hmmm..." Nagkibit-balikat siya.

After that conversation, lumabas ang pagiging makulit niya. Iyong tipong nailalabas lamang ng isang taong katulad niya sa mga taong close niya. Kung noon nagkaka-ilangan kami, ngayon nababatukan ko na siya. Naipakilala ko na rin siya kay Suzy.

"BORACAY, LUMABAS KA DYAN!" ang nagpagulantang ng Sabado ko.

Napabalikwas ako ng bangon sa sigaw. Pagsilip ko sa bintana, nakita ko si Zach sa veranda sa kwarto niya.

"ESTE SUMILIP KA PALA!"

Ginulo ko ang sariling buhok sa inis. "What now?" untag ko sa sarili ko.

Binaba ko ang mga paa ko at kinapa kapa sa sahig ang bedroom slippers ko. Pagkatapos, dumiretso ako sa bintana para harapin ang unggoy na sumisigaw sa labas.

"Ano na naman ba, Zach Zachan?" bungad ko sa kanya. "Ang aga-aga nangbubulahaw ka."

Through Quarrels (TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now