Quarrel 47 : Ano ang pinag-awayan?

1K 31 1
                                    

Quarrel 47 : Ano ang pinag-awayan?

"Ikaw nga!" bulalas ko nang ibaba niya ang libro at ilantad ng tuluyan ang mukha niya. "Gosh, ang laki laki mo na!"

Tumayo ako, nilapitan siya at pinisil ang magkabilang pisngi niya.

"Aray ko naman!" reklamo niya. Tumayo siya at hinawakan ako sa balikat. Giniya niya ako pabalik sa kinauupuan ko. "Don't act as if mas bata ako sa'yo. Natural, malaki na ko. Ilang taon ba tayong hindi nagkita? Six years?"

Tinaboy ko ang mga kamay niya sa braso ko at tumayo. Subalit pinaupo niya uli ako. "Nakakagulat lang kasi talaga. Dati, ang kaharap kong DJ totoy na totoy pa. Ngayon ang laki-laki mo na."

"Mas magulat ka kung hindi ako lumaki."

Tumawa kami pareho.

Bumalik siya sa kinauupuan niya.

"Ikaw lang pala yang kaharap ko, akala ko naman kung sino," sabi ko. "Bakit di mo sinabing uuwi ka? And most of all, bakit dineactivate mo ang mga social accounts mo?"

"Simply, I wanna surprise you. Nag-text ako sa'yo, ah."

"What text?"

"Wala kang na-recieve?"

I shook my head.

"Ang sabi ko sa text, "I miss you, Bora! See you soon" with smile emoticon pa."

Napatakip ako ng bibig. "Omigad. Ikaw pala yun? Kung Dude kasi ang ginamit mo instead of my name, edi sana nalaman ko agad na ikaw yun."

Kaya naman pala kapag tini-text ko siya, wala akong reply na natatanggap. Sayang ang load! Ang mahal pa naman ng isang text sa roaming number.

"Ayoko nga. Baka mag-reply ka, eh. Tapos magrereply din ako hanggang sa mabanggit ko na dito na ulit ako titira sa Pilipinas. Gusto ko ngang i-surprise ka, diba? Tinext lang kita dahil di ko mapigilan. Nae-excite talaga ako." Nakangiti siya habang nagki-kwento.

"Wait, did I just hear... dito ka ulit titira sa Pilipinas?" I can't hide my anticipation.

"Hiyes..."

"Yes!" Sa tuwa ko, nilapitan ko siya at sinunggaban ng yakap. Ramdam kong may mga napatingin sa'kin pero wala akong pakialam. I've missed this boy so much!

"Kalma lang, dude." He distanced me. "Baka kung anong isipin ng iba. Ikaw rin. Sa'kin OK lang. Eh, ikaw?"

"Sorry na. Kasi naman ang saya-saya ko. But wait, alam na ba ni Zach na nandito ka na?"

Ako, siya at si Zach ang madalas na magkakasama noong gradeschool. Noong nag-transfer ako sa school magkaibigan na ang dalawa. At bilang magkaibigan, palagi silang magkasama. Eh, ako ang palaging target ni Zach, dun kami naging close ni DJ bukod sa magkaklase pa kami. Siya ang tagapagtanggol ko kapag tinutukso ako ni Zach. Kahit sa'kin kampi itong si DJ, never silang nag-away doon.

Until nakatungtong kami ng Grade Six. Hindi ko alam kung ano ang nangyari. Basta isang araw, nagsuntukan ang dalawa. Ayon sa mga nakakita si Zach daw ang nauna. Hindi ko alam ang buong kwento dahil ang naabutan ko nalang na eksena ay maraming nakakapit sa dalawa. Naawat at napaglayo na silang dalawa.

Di ko malilimutan ang ekspresyon ni Zach noon. Ayun kasi ang pinakaunang beses na makita kong naniningkit sa sobrang galit ang mga mata niya. Namumula rin ang mukha niya at parang any moment puputok na ang mga ugat niya sa leeg. Kitang-kita ko sa mukha niya ang galit.

Natakot ako sa kanya nun. Alam kong hindi maganda na may kampihan ako sa kanila, pero dahil sa takot ko kay Zach, nilapitan ko si DJ na pumutok ang labi noon. Hindi ko matingnan si Zach noon. Kinakabahan ako.

Hinila ko si DJ paalis. At nung makalayo na kami tinanong ko siya kung bakit sila nag-away ni Zach.

"Wala. Nagtalo lang kami kung ano ang mas magandang laruin sa Xbox."

Nakatanggap siya ng batok sa'kin. Imposibleng ayun ang dahilan. Kilala ko ang dalawa. Matalik silang magkaibigan at hindi ko pa sila nakitang nag-away dahil lang sa maliit na bagay.

Nangibang bansa si DJ nang hindi manlang sila nakakapag-ayos.

Hanggang ngayon hindi pa rin nasasagot ang tanong sa utak ko; kung ano ang pinag-awayan ng dalawa. Natatakot kasi ako na makita ko na naman ang ganung ekspresyon ng mukha ni Zach.

"I don't think he would be glad that I'm here. It'll make him upset, for sure."

"Malalaki na kayo, hindi na kayo bata. Magkakabati rin kayo."

DJ shrugged. "I hope so."

aŲ-

Through Quarrels (TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now