Quarrel 31 : Maganda lang

1K 41 3
                                    

Quarrel 31 : Maganda lang

 

"Ingatan mo 'yang bear, huh? Masyadong importante sa'kin ang pagbibigyan ko nyan."

Sinabunutan ko ang sariling buhok. Kanina pa ko nagpapagulong-gulong dito sa kama ko dahil kanina ko pa rin naririnig sa utak ang sinabi sa'kin ni Zach! Omigad. What should I do? Para na akong maloloka!

I hate you, Zach! I hate you for being so sweet in a not-showy way. You really are full of suprises! Bakit ang galing mo? You could make me think a different way. Nagawa mong isipin ko na ibang babae ang reregaluhan mo. Kung anu-ano tuloy ang naisip ko hanggang sa lumayo ito ng lumayo. How could you do that, huh?

 

Ni-highblood pa ako, nairita. Eh, in the first place, hindi ko naman dapat maramdaman yun. Kasi ako ang pagbibigyan mo. Para tuloy pinagselosan ko ang sarili ko.

HUWAT? Nagselos? No freaking way!

 

I shoo-ed that thought out of my mind. Umupo ako at muling pinanggigilan ang bear.

"Sorry kung natarayan kita. Sorry talaga!" Hinalikan ko pa ito.

Sa lahat ng bear na natanggap ko, ito ang pinakamalaki at pinaka-cute. Pakiramdam ko rin, ito ang pinaka-special sa lahat. Dito ako pinakatuwang-tuwa.

Habang pinagmamasdan ang kabuuan ng bear, napansin kong may nakaumbok sa bulsa nito. I frowned for a bit. Maya-maya lang bigla akong nagkaroon ng ideya kung ano iyon.

Nilusot ko ang kamay ko sa loob ng bulsa. At nilabas ang rectangular box. Naisip ko na naman na ito ang laman subalit hindi ko mapagilang mapanganga. Red velvet with black lace rectangle box─ ito yung binili ni Zach sa jewelry shop.

Pinwesto ko sa headboard ang bear pagkatapos sinandalan ko ito. Binuksan ko ang kahon nang may malapad na ngiting naka-plaster sa aking mukha.

"Wow!" I gasped, amazed. "Omigad, ang ganda!"

Alam na alam talaga ni Zach ang gusto ko. Dahil sa kahon nito, akala ko elegante ang laman, which I'm not actually into. But Zach knows me better. Pagdating kasi sa fashion, trip ko ang blending. Yun bang, pwedeng elegant at the same time cool? You get it? Or di kaya naman ay girly pero at the same time dude.

Statement necklace with crystal pendants in pastel hues. Ang ganda! This would surely fit on any of my outfits.

Hindi ko mapigilan ang sarili ko kaya naman tinawagan ko si Zach.

"Miss mo na ko agad?" ang bungad niya.

Napairap ko pero nakangiti naman.

"Thank you, Zach! Ang ganda ng bear atsaka nagustuhan ko talaga yung necklace."

"Good," he said. "I had a hard time chosing for the right necklace. Baka kasi ibalik mo sa'kin once na hindi mo magustuhan. Ang arte mo pa naman." Nakarinig ako ng tawa sa kabilang linya.

"Wow, huh! Hindi ako maarte!"

"Talaga? If that so, dungaw ka nga sa bintana mo."

Nagpauto ako sa kanya. Sinunod ko ang sinabi niya. Paghawi ko palang ng kurtina, nakita ko na siyang nakatayo sa veranda ng kwarto niya. Ang isang kamay ay nakahawak sa railings habang ang isa ay nakahawak sa cellphone. Agaw pansin rin ang ngiting naka-plaster sa mukha niya. A contegious smile. Pati ako nahahawa sa ngiti niya.

"Hindi ako maarte," diin ko sa kanya.

"Maganda lang," anang niya.

Tumawa kami pareho.

Through Quarrels (TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now