Quarrel 53 : Hugot lines ni Suzy

1K 36 1
                                    

Quarrel 53 : Hugot lines ni Suzy

"Toot toot toot," sabi ng taong nasa kabilang linya, si Suzy. "Ano? Hindi ka na magsasalita? Tulog ka na yata, eh. Ginising mo ko mula sa mahimbing kong tulog tapos tutulugan mo ko?"

"Kalma lang, bestie. Gising pa ko."

"Eh, bakit kasi ayaw mong magsalita? Ano na? Ano yung importanteng sasabihin mo na hindi na makapaghihintay pa bukas?"

"Suzaine Hidalgo, I discovered one special thing in my life. I phoned you cause of course you are my human diary and I wanted to tell it to you ASAP─"

"Ano nga? Pabitin effect pa, eh." Pustahan, nag-facepalm yan.

"Ano... tama ka."

"Tama ako na? Teka nga, bakit ba parang hirap na hirap kang sabihin ang kung ano man yan?"

Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Oo, ang hirap sabihin. Hirap na hirap akong sabihin.

"Ganito nalang, bestie. Pikit ka tapos sabihin mo ng dire-diretso. Yung walang preno. Keri?"

Tumango ako na akala mo naman nasa harap lang ang kausap ko.

"Now, spill."

Pumikit ako at nagsalita ng dire-diretso gaya ng sinabi niya. "Tama ka napaka-in-denial queen ko at ngayon..." Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang aking palad. Pakiramdam ko hiyang-hiya akong ituloy ang sasabihin ko.

"At ngayon...?"

"Ngayon inaamin ko na, tinatanggap ko na ng buong-buo na..."

"Na...?" And why do I have this feeling she was grinning from ear to ear like she already knew what am I going to say?

"I'm... I'm in love with Zachariah Sevillano."

Nailayo ko ang phone sa tenga ko dahil sa nakabibinging tili ni Suzy sa kabilang linya. Kahit nasa wala na sa tenga ko ang gadget, rinig na rinig ko pa rin ang tili niya. Ano pa kaya kung naka-loudspeak ito?

"My gosh! Omigosh, congrats, bestie! Hindi ka na tanga! Yes, yes, yes!"

"What?" sambit ko.

Naglaho ang antok ni Suzy. Inabot kami ng madaling araw na ang pinag-uusapan lang naman ay ang tungkol sa'min ni Zach.

Hindi na nabago ang topic namin hanggang sa kinabukasan habang naglalakad kami sa school. Ang saya saya niya daw kasi sa wakas hindi na ako tanga at bumaba na ako sa posisyon kong "in-denial queen".

"Hindi nga ako nagkamali sa nakita ko na may something sainyong dalawa ni Zach. Nakakaloka ka, bestie! Ang tagal tagal na nun ngayon mo lang napagtanto? Kung kelan malamig na sa'yo si Zach."

"I guess ayun ang nagpamulat sa'kin. Parang yung sa kasabihan na: Saka mo lang mare-realize ang halaga sa'yo ng isang tao kapag wala na ito." Agad kong tinakpan ang aking bibig. I grimaced. "WTF. Ano ba 'tong pinagsasasabi ko. Na-contaminate mo na ko, Suzy. Dun ka nga!" Mahina ko siyang tinulak palayo sa'kin.

Tumawa siya at kumapit sa braso ko. "Hindi ka nahawa sa'kin. Sadyang in love ka lang talaga."

"Tss," ang tanging tinugon ko at inirapan siya ng pabiro.

"Ano ng gagawin mo ngayon? Magco-confess ka ba kay Zach?"

"Of course not!" agad na sagot ko. "Babae ako, bestie!"

"Ano naman? Lalaki lang ba ang may karapatang magco-confess?"

"Iisipin niya pinaglalaruan ko lang siya," may kahinaang bigkas ko. "Matapos ko siyang ipagtulakan sa iba, i-ship kay Kierra, sasabihin kong may gusto ako sa kanya? I don't think maniniwala siya."

"Sabagay, may point ka," she agreed, nodding. "Mga bata pa naman kayo. Marami pa ang mangyayari. As of now, hayaan mong ang tadhana nalang muna ang kumilos. Go with the flow. Ikaw naman kasi, eh! Saka mo pa na-realize kung kelan complicated na. Pero wag kang mag-alala, may tamang panahon para maayos ang lahat."

I looked at her in disbelief. Talagang pinalitan na niya ako ng pwesto, ah? Siya na ang tagapayo at ako na ang pinapayuhan.

Pinagpatuloy namin ang paglalakad hanggang sa makita namin sina Zach at Kierra. Nakaharap ang likod ni Zach sa'min samantalang hindi rin namin makita ang mukha ni Kierra dahil sa tangkad ni Zach. Nahaharangan nito si Kierra. Ganunman, nag-uusap ang dalawa. And I pressume na seryoso ang pinag-uusapan nila base nalang sa kanilang body language.

"Ang sakit, ano?"

Napatingin ako kay Suzy nang magsalita siya. Nakatingin siya sa dalawa.

"Ang sakit na makita silang dalawa na magkasama. Most of the time." Nung tumingin siya sa'kin, nag-iwas ako ng tingin. Wrong move dahil sa direksyon nila Zach ako napatingin.

"Pero mas masakit yung katotohanan na ikaw ang dahilan."

Through Quarrels (TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now