Quarrel 27 : May nababaliw

1.1K 37 3
                                    

Quarrel 27 : May nababaliw

 

"You hold this."

Hindi pa nga ako umaayaw, pinagtulakan na niya sa'kin ang malaking bear. Muntikan pa akong ma-out of balance sa ginawa niya.

"Hoy, mukha ba kong taga-bitbit? Ang bigat bigat nito eh!"

"Pupunta tayo sa jewelry shop. May bibilhin ako," he declared, ignoring my whiney words. Nagdire-diretso siya ng lakad kaya wala akong ibang nagawa kundi ang sumunod.

***

"Hindi lang naman ako gwapo. Mabait din naman ako kaya hahayaan kitang magpahinga muna dyan," ang sinabi ni Zach bago niya ako iniwan dito sa kinauupuan ko. Di pa dyan nagtatapos, binalikan niya ako para sabihing, "Ingatan mo 'yang bear, huh? Masyadong importante sa'kin ang pagbibigyan ko nyan."

"Nakakainis ka! Nakakainis ka!" Si Zach ang tinutukoy ko. Ngunit ang bear ang pinagdidiskitahan kong kurut-kurutin. "Nasasarapan ka, huh? Ginagawa mo na kong alila! I hate you! I so hate you! Pinapahirapan mo kong bitbitin 'to eh hindi naman ako ang makikinabang! Bakit? Para kanina ba 'tong bear? Kay Allyanah? Yung nursing mong crush na third year college na? Binili mo 'tong napakamahal na bear tapos bumibili ka pa ngayon ng mamahaling bracelet, or necklace, o kung ano man ang bibilhin mo eh hindi naman kayo magkakatuluyan nun! Nag-aksaya ka lang ng perang damuho ka! Duh! Hindi kayo bagay! Masyado siyang maganda para sa'yo! Ang panget mo! Panget! Saksakan ka ng panget! Argh! Sasapakin kita! Ang pangit mo talaga!"

Kung hindi lang siguro Blue Magic itong bear, malamang kanina pa ito lasog lasog.

"Mahiya ka naman, Boracay."

Napapitlag ako nang may magsalita. Nang sumulpot si Zach sa tabi ko.

"Kanina ka pa nagmumukhang baliw sa harap ng maraming tao."

Sa sinabi niya, saka ko lang na-realize na hindi lang pala ako ang nakaupo sa waiting corner na ito. At lalong hindi lang ako ang taong nandito sa mall. May mga taong dumadaan, nagpapabalik balik, higit sa lahat, nakasaksi sa kagagahan kong ginawa. Another ARGH!

"Ano bang nangyayari sa'yo?"

Naglaho ang ngitngit ko nang makita ang pag-aalala sa mga mata niya.

"Nasasapian ka na naman?"

Ngunit agad din naman itong bumalik sa sumunod niyang sinabi. Lalo akong nangitngit lalo na nung tinawanan niya ko. How dare he to chuckle when I am so irritated at this moment?

Tinirikan ko siya ng mata na siyang nagpalakas ng tawa niya.

"Akin na nga yan, Miss taray." Humalakhak na naman siya habang kumikilos paupo sa tabi ko. Bilang gentleman, tinulak niya ako para magkaroon siya ng sapat na espasyo.

Ang sama ng tingin ko sa kanya habang pinagmamasdan siyang kunin sa'kin ang bear. Nahagip ng paningin ko ang red velvet with black lace rectangle box sa isa niyang kamay. Ayun panigurado ang binili niya sa jewelry shop na pinuntahan niya.

Tumaas ang isang kilay ko. Ang swerte naman ni Allyanah. Ang mahal na nga ng bear, ang mahal, mahal, mahal, mahal pa ng additional gift sa kanya ni Zach na sa tingin ko kwintas. O baka bracelet. Paki ko ba.

Umayos ako ng upo at pinag-ekis ang mga binti ko.

"Ba't kaya ang mga lalaki, masyadong pa-impress," nagsimula na akong magparinig. Naramdaman kong tumigil siya sa kung ano man ang ginagawa niya sa bear at tumingin sa'kin. "Kung makapagbigay ng regalo sa nililigawan nila, bigay na bigay. Palibhasa mayaman. Maraming pera. Eh, kung binili nalang kaya niya ng pagkain yan at ibigay sa mga batang nagugutom edi may mga napasaya pa siya. Tsk. Hindi nag-iisip. Babastedin din naman siya ng pagbibigyan niya nyan." Panay ang irap ko habang dumadada.

"Makauwi na nga," aniya. "Magkaroon ka ba naman ng kasamang baliw."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Tinawag niya ba kong baliw? Nagpaparinig ako pero hindi ako baliw!

"Nagsasalita mag-isa," dagdag pa niya.

Aba! Tinawag niya kong baliw dahil dun? Kung ako baliw, siya shunga! I was not talking to myself! Kung hindi ba naman siya slow at manhid, makakaramdam siya na siya ang pinaparinggan ko: ang kinakausap ko!

Napakagaling mo, Zach! Napakagaling mong umiwas sa patama.

"Tara na. Ibibigay ko pa 'to," yaya niya. Nakayakap ang isang braso niya sa malaking bear ng tumayo siya. Nang makaramdam na hindi pa ako nagpapatinag sa posisyon ko, nilingon niya ako ng nakayuko. "Ano na? Sabi ko tara na."

Tinitigan ko ng ilang sandali ang kamay niyang nakalahad sa harapan ko. Pagkatapos, tumingala ako sa kanya kasama ang ekspresyong nagagalit, nanunumbat at naluluha. Tinawag niya kong baliw, pwes paninindigan ko.

Hinampas ko ang kamay niya palayo. Nung una nagulat siya sa ginawa ko pero di naglaon mabilis siyang naka-recover.

"Ano bang ginagawa mo? Kailangan na nating umuwi. Ibibigay ko pa 'tong mga 'to."

Pinagmamadali mo ko? Dahil baka hindi mo maabutan si Allyanah? Pwes, lalo tayong magtatagal dito para hindi mo na maibigay yan!

Bad, Bora. Bad!

 

Hindi ko pinansin ang sinabi ng aking konsensya. Ginamit ko ang alam ko sa drama, na natutunan ko sa Talent School kung saan ako ini-enroll ng mga magulang ko noong bata ako tuwing summer.

Focus. Umisip ng isang pangyayari na tugma sa ida-drama mo. At isipin mong totoo iyon.

 

Ano ang pangyayaring naisip ko ngayon?

Mag-asawa kami ni Zach, pero may kabit siya. At ngayon, harap-harapan niyang pinamumukha sa'kin ang kasalanan niya. Namasyal kami sa mall and then suddenly naisipan niyang regaluhan ang kabit niya.

 

——————————

Author's Note: Omigad. I'm sooo excited for the next scene! Ang daming alam ni Bora. Hahaha. Follow me on Twitter: @iamgenibabe. Thankie :)

Through Quarrels (TO BE PUBLISHED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu