Quarrel 41 : Ang advice ni bestie

1K 30 1
                                    

Quarrel 41 : Ang advice ni bestie

 

"BUKSAN NIYO 'TONG PINTO! SINABI NANG BUKSAN NIYO 'TO EH!"

Sa sobrang seryoso ng usapan namin, ngayon ko lang napansin na kanina pa pala kumakalampag ang pinto at kanina pa rin sigaw ng sigaw si Zach.

"Bestie..." Laking pasasalamat ko talaga sa pagsulpot ni Suzy. Dahil sa kanya, nakatakas ako sa awkwardness na pumapalibot sa'min.

Sinulyapan ko muna ang pintong kaunti nalang malapit nang mawasak ni Zach, bago nagpaalam sa kanila na sasama na ako kay Suzy.

***

"Ang lalim, huh," natatawang sabi ni Suzy.

Nakita niya pala ang pagbuntong ko ng hininga.

"Pang-ilang buntong hininga mo na yan?"

Nakaupo kami sa bench sa gilid ng bar. Pareho naming hinihintay ang sundo namin. Siya, si Darwin. Ako naman, ang Papa ko.

"Alam mo kung ako ikaw, babalik ako sa loob at bubuksan ang pinto nang hindi ka na-bo-bother dyan. Kunin mo nalang uli yung susi kay Ivan. Binalik-balik mo pa kasi. Ayan tuloy nagsisisi ka dyan."

"Hindi ako nagsisisi," giit ko sa kanya. "Nakukunsensya lang ako sa ginawa ko kay Zach. Besides, parang totoo namang gagawin mo ang sinabi mo. Ikaw pa? Tss."

Hindi kasi mawala sa utak ko kung paano ako tiningnan ni Zach kanina bago tuluyang sumara ang pinto. Pinapakita ng mga mata niya kung gaano siya ka-disappointed na isa ako sa mga taong ipinagkakanulo siya kay Kierra.

Kinakabahan ako para bukas, sa kung ano ang kahihinatnan ng ginawa ko. Ayokong magalit siya sa'kin.

"Kunyari ka pa. In-denial queen ka talaga! Anyway, hindi pa naman huli para magsisi. May chance pa. Balik ka na sa loob at gawin ang sinabi ko."

"Ayun talaga ang nararamdaman ko, wag kang bruha dyan. Atsaka, bakit naman ako magsisisi? Dapat pa nga akong matuwa kasi alam kong masaya si Kierra ngayon."

"Ewan ko sa'yo, girl. Palagi mo kasing tinutuktok sa kukote mo na wala kang gusto kay Zach. Ayan tuloy, ganyan ang nangyayari sa'yo."

"Hindi ko nga kasi gusto si Zach. Kulit mo talagang babae ka! Iba na talaga panahon ngayon." Sinuklay ko ang nagulong buhok dahil umihip ang hangin. "Kapag nag-aaway at nagbabangayan, sweet na sa paningin ng mga tao. Por que ganun ang set up namin everyday and everynight ni Zach, gusto na namin ang isa't-isa? Come on! Kilala ko si Zach kapag may babae siyang gusto. Hindi siya katulad ng iba na nagpapapansin. Instead, natotorpe siya."

Naalala ko noong highschool kami na gumawa siya ng love letter para sa babaeng gusto niya. Pero hindi niya ito nabigay dahil nga torpe siya.

"Ayan!" Napatingin ako sa kanya ng lumakas ang boses niya. "Yan ang sinasabi ko! Ganyan ang iniisip mo kaya hindi mo napapansin kung ano talaga kayo ni Zach."

Tumawa ako ng pagak sa huling sinabi niya.

"At ayan ang iniisip mo," sabi ko. "Tigilan mo na yan dahil imahinasyon lang 'yan."

"Hindi lang naman ako ang nakakapansin. Even others. Kasama na doon sina Ivan. Hindi ako tsismosa, ah? Aksidenteng narinig ko lang ang usapan ninyo kanina. Atsaka kahit di ko naman narinig halata sa kanila na pareho-pareho kami ng nakikita," paliwanag niya. "Masyado ka kasing nagbubulag-bulagan."

Hindi ako nakaimik. Di ako alam kung paano napunta sa ganito ang usapan namin.

"Change topic. Non-sense."

"Kung pinapansin mo kasi ang mga bagay-bagay tungkol sa inyo ni Zach, malalaman mong may sense ang lahat."

Napanganga ako. Anong ginawa ni Darwin at nagkakaganito ang best friend ko? Kung dati ako ang nagbibigay sa kanya ng advice. Panay ang tanong niya sa'kin, panay ang hingi ng payo kahit para sa maliit na bagay lang. Pero ngayon, siya naman ang nagbibigay ng advice na hindi ko sigurado kung kailangan ko nga ba talaga. Ginigiit niya kasing may "something" sa'min ni Zach eh wala naman.

"Ikumpara mo kung ano para sa'yo si Zach sa ibang lalaki. And that's when you'd realize kung ano ba talaga ang nararamdaman mo sa kanya," dagdag niya.

Walang salitang lumabas sa bibig ko. Nakatitig lang ako sa mga mata niya habang pilit na iniintindi ang sinabi niya.

Nakuha ng tunog ng kotse ang atensyon ko.

"My boyfriend's here," Suzy informed.

Bumaba ang bintana ng sasakyan. Dumungaw ang ulo ni Darwin at nag-Hi sa amin.

"Wait lang, baby."

Palihim kong kiniliti si Suzy. Humarap siya sa'kin ng nagba-blush.

"Hintayin muna natin yung sundo ni Bora."

"Mauna ka na, Suzy. Parating na rin naman si Papa."

"Sure ka?"

Tumango ako.

Tumayo na siya pero may sinabi siya bago pinuntahan ang boyfriend niya, "Noon ko pa napapansin na may something sainyo ni Zach. At ipamumukha ko sa'yo yun ng paulit-ulit hanggang sa mapaamin kita."

Through Quarrels (TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now