Quarrel 17 : Parents are weirds?

1.2K 56 2
                                    

Quarrel 17 : Parents are weirds?

"Dapat pala nag-jacket din tayo, Mareng Elsa. Ang lamig lamig!" sabi ng Mama ni Zach na halatang pinariringgan kami.

Katulad ng madalas, kapag lumalabas kami, pinagtatabi nila kami ni Zach ng upuan. Simula noong bata pa kami ganito na. Mag-aaway kami tapos sasawayin nila kami. Ganun palagi ang nangyayari. Ewan ko ba kung bakit hindi sila nagsasawa sa ganoong rouitne at hanggang ngayon pinagtatabi pa nila kaming dalawa.

Katulad nalang ngayon. Ka-text ko si Suzy. Panay ang pindot niya sa screen ng phone ko. Hindi tuloy ako makapag-type ng maayos. Imbes na "Ah sige" ang itetext ko, nagiging "Ashdjsfocuv". Buburahin ko, tatalikod sa kanya para makapag-compose ng text nang maayos kaso napakakulit niya lang talaga.

"Isa pa! Sasapakin na talaga kita!" banta ko sa kanya.

"Edi sapakin mo. Sanay na naman ako." At nag-face dancing na naman siya sa mukha ko. Grabe, ayan ba ang kinahuhumalingan ng mga babae? Kung sakaling makita nila ang itsura ni Zach ngayon tiyak malaking turn off.

"Tita Lucy, Tito Alfred, ang kulit po ng anak niyo," sumbong ko.

Tumawa silang matatanda. Si Mimi may sariling mundo. Kung anu-ano ang ginagawa sa table napkin.

"Kayo talaga," wika ni Tito Alfred, ama ni Zach. "Mga dalaga't binata na kayo para pa rin kayong mga bata kung mag-away."

Narinig ko na ho yan sa tatay ko noon, Tito.

"Siya po kasi!" turo ko kay Zach. Tiningnan ko siya at inirapan.

Sinuklian niya ako ng halakhak.

Ilang sandali pa ay dumating na ang mga inorder naming pagkain. Si Mimi lang yata ang walang imik habang kumakain. Ang dalawang nanay nag-uusap tungkol sa mga inaanak nila. Ang dalawang tatay naman ay business ang pinag-uusapan. Si Zach, eto, as usual, nangungulit. Nung isusubo ko na sana ang piraso ng grilled beef steak, hinila niya ang kamay ko at idinala ang pagkain sa bibig niya.

Malapad ang ngiti niya habnag ngumunguya. Pinamumukha pa sa'kin na naagaw niya ang pagkain ko. Grr.

Inapakan ko ang paa niya sa ilalim ng mesa. Napasigaw siya sa sakit. Nagtinginan sa kanya ang mga tao. Sana pala nag-wedge ako para mas masakit ang impact. No, sana pala nag-steletto ako. Yung may matulis na takong at nang bumaon iyon sa paa niya!

"Ang sakit! Kahit kelan napaka-amazona mo talaga!" mahinang singhal niya sa'kin habang naka-bend at alam kong hinimas ang paa niya.

Uminom ako ng iced tea.

"Iha, kamusta naman si Zach sa klase?" Kita sa mukha ni Tito Alfred ang pagpipigil ng tawa. Marahil ay dahil sa ginawa ko kay Zach.

Kapag inaasar ako ni Zach tinatawanan rin ako ng parents ko kahit alam nilang inis na inis na ako. At kapag ako naman ang nakakalamang kay Zach, ganun ang mga magulang niya. Natutuwa rin. I just can't understand parents.

"As usual, madaldal po."

"Ikaw nga napagalitan ng prof eh!"

Tumingin sa kanya sina Mama't Papa, naghihintay ng susunod niyang sasabihin.

"Kung umupo kasi parang lalaki. Yung nakabukaka po─" Para hindi na niya maituloy pa ang sasabihin niya, sinubuan ko siya ng garden salad. Dinamihan ko para masakop ng husto ang bibig niya at para hindi siya makapagsalita.

Nakabukaka ba yun? Pa-slunt akong umupo! Sarap talagang sapakin ng lalaking 'to! Masyadong exagge magkwento!

Napalitan ang inis ko ng pagtataka nung nginuya niya ang mga gulay. Hindi lang 'yon, nilunok pa niya. Ang alam ko galit yan sa gulay. Kahit anong sermon sa kanya ng Daddy niya noon nagmamatigas siya na hindi kakain ng gulay.

"Kumakain ka na ng gulay?"

"Sarap," ang tinugon niya sa pagtataka ko. Pagkatapos uminom siya ng iced tea.

"Akin yan!" reklamo ko matapos siyang paluin sa braso.

"Ay, sorry. Hindi ko napansin," natatawang sabi niya.

Hindi daw napansin samantalang nakita niya naman na ininuman ko ang basong 'yon. And besides, nakapatong iyon sa may left side ko eh nasa right side ko siya.

"Natuto yang kumain ng gulay simula noong─"

"Dad!" pigil ni Zach sa ama.

And I really can't get it why our parents bursted out laughs.

Through Quarrels (TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now