Quarrel 5 : Zach Zachan ng torpe?

1.4K 61 1
                                    

Quarrel 5 : Zach Zachan ng torpe?

 

"Nasaan na yung sulat? Ibalik mo!" Halos mahilo na ako sa ginagawang pag-ikot sa'kin ni Zach habang nakahawak siya sa isang braso ko. "Ano ba! Tigilan mo nga yang kakatawa mo! Ilabas mo yung sulat ko, nasaan na?"

"Secret!" Tinulak ko siya para makatakas. Hindi pa ako gaanong nakakalayo ay nahabol na niya ako.

"Nasaan na sabi! Hindi ako nakikipagbiruan, Bora." Naririnig ko lang talaga sa kanya ang pangalan ko kapag seryoso na siya. Dapat akong matakot kasi wala siya sa mood makipagbiruan. Pero imbes na matakot, lalo pa akong natutuwa kaya naman lalo ko siyang inasar.

"Sinabi ko bang nakikipagbiruan ako sa'yo?" nang-aasar na sabi ko sa kanya habang tinatanggal ang kamay niya sa braso ko.

Lalong nagsalubong ang kilay niya at lalong nalukot ang kanyang mukha.

"Nasaan na nga kasi?!"

"Bibigay ko naman sa'yo e," sabi ko. "Mamaya kapag tapos ko ng basahin." Tumawa ako ng malakas.

Napansin niya ang isa kong kamay na kanina pa nakasara. Naalerto ako kasi doon ko tinago ang love letter niya. Sorry nalang siya kung nilukot ko. Bwahaha.

Tatakbo pa sana ako pero huli na. Nahila na niya ang kamay ko. Pilit niya itong binubuksan kaya tinitibayan ko ang pagkakakuyom nito.

"Aray, Zach! Ang sakit na!" daing ko. Patuloy pa rin siya sa pagpupumilit na makuha ang papel sa kamay ko.

"Ibigay mo na kasi kung ayaw mong masaktan."

"Ayoko nga." Bahala nang masaktan. Makaganti lang sa mokong na 'to.

Mahapdi at nag-iinit na ang kamay ko. Ang sakit na talaga. Sa tingin ko kaunti nalang at hindi ko na makakayanan ang sakit─ malaki ang posibilidad na manalo siya; makuha ang love letter. Buh, laking tagumpay ko ata kung malaman ko kung sino ang babaeng kinahuhumalingan ng lalaking 'to.

Hindi ako makapapayag na hindi makapuntos sa araw na 'to. Kaya naman kinagat ko ang kamay niya.

Napasigaw siya sa ginawa ko. Sinulit ko ang sandaling pagkakataong namimilipit siya sa sakit. Sinuksok ko sa loob ng blouse ko ang papel.

"Hoy, akin na yung sulat!" inis na giit niya.

Tinaasan ko siya ng isang kilay. "Go. Kunin mo kung gusto mo. Di kita aawatin." I smiled like a bitch.

Tumingin siya sa blouse ko pagkatapos pagalit na nagkamot ng ulo. Ha! Tingnan lang natin kung makuha mo pa ang love letter mo!

"Para kanino ba 'to? Gusto mo ako na magbigay?"

"Hindi ko ibibigay sa kanya yan. Akin na kasi!"

"Ba't hindi mo ibibigay? Natotorpe ka, ano?"

Namula ang pisngi niya sa sinabi ko. Natawa ako ng malakas.

"Grabe, Zach Zachan ka ng torpe!"

"Akin na nga kasi!"

Hindi ko siya pinansin. Tumawa lang ako ng tawa. Never in my life kong inakalang mahihiya (or matotorpe) si Zach Zachan ng yabang sa isang babae. Oh, inlove ang mokong.

Siya naman, kung lalaki lang siguro ako kanina pa niya ako sinapak. At kung pwede niya lang kunin ang love letter sa'kin...

"Wala ka na bang sasabihin?" tanong ko sa kanya sa tonong sarcastic. "Aalis na ko, ha? Babasahin ko pa kakornihan mo eh."

Lalong nangamatis ang kanyang mukha. Lalo tuloy akong natawa. Gosh, I love seeing him that way. It's just quite funny.

Hindi maalis ang ngisi ko nang tinalikuran ko siya. Subalit bago pa man ako makalayo, nilingon ko siya. "Wag kang mag-alala," wika ko. "After kong mabasa ang sulat, irereto kita sa crush mo."

 

Through Quarrels (TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now