SIMULA

9.7K 358 42
                                    

The Legend•••

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

The Legend
•••

Ilang libong taon na ang nakararaan nang ang isang panday ay nakakita ng isang natatanging kulay bughaw na dyamante. Kakaiba ang hugis at kislap nito na siyang bumighani sa panday.

Inuwi ng panday ang dyamante at ginawang singsing para sa kanyang minamahal na asawa.

Ngunit hindi nagtagal ay kinailangan nila itong ibenta upang may maipagamot sa kanilang sakiting anak.

Ngunit doon nagsimula ang sumpa ng singsing. Ayon sa kwento, ang sinumang nagmamay-ari nito ay bigla na lamang naglalaho na parang bula.

Pinagpasa-pasahan ang singsing ng ilang henerasyon hanggang sa ang barkong kinalalagyan nito kasama ang ibang kayamanang ginto at mga dyamante ay nalunod sa karagatan.

Mula noon, hindi na muling nakita ang misteryosong dyamante, ngunit ang alamat nito ay patuloy na dumadaloy sa bawat henerasyon.

Hanggang sa may isang pirata ang nag nanais na mahanap ang kayamanan upang mapasakanya ito at mailigtas ang kanilang isla.

Siya si Halcon, ang isa sa kinatatakutang pirata ng karagatang Pacificu. At kanyang gagawin ang lahat upang mahanap ang mga ginto at dyamanteng nasa kailaliman ng karagatan.

Pirate's Stella (Pacifico Trilogy #1)Where stories live. Discover now