KABANATA 12

4.2K 215 31
                                    

Naked•••

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Naked
•••

"Napansin mo ba kanina na palaging ngumingiti at tumatawa si Halcon?" tanong ko kay Mason na naghihiwa ng ham habang binabalatan ko naman ang sibuyas.

Nasa kusina ako ngayon para tulungan sina Balthazar at Mason na maghanda ng hapunan. Magdidilim na rin kasi.

Ganito palagi ang ginagawa ko every noon. I want to help na rin kasi even with my little efforts. I tried helping Mason scrub the floor once but Halcon scolded me because of that, aniya ay hindi raw ako nakatutulong bagkus ay mas lalong nagkakalat.

Hiyang-hiya ako that time and was on the verge of crying. Sa harap pa ako ng mga tauhan niya pinagalitan.

Angry and humiliated, I went to the cabin and sulked there. But later that night, dinalhan ako ng pagkain ni Halcon to explain and apologize.

"Huh? Anong ibig mong sabihin? Ngumingiti naman talaga si Kapitan."

"Oo nga. Pero hindi gano'n kadalas. Malimit lang na parang ang mahal-mahal ng ngiti niya." Ngumiti ako nang maalalang muli ang naka ngiti niyang mukha.

"Ganoon talaga ang kapitan. Minsan ay hindi niya ipinapakita ang tunay na nararamdaman ngunit ngumingiti naman siya, lalo na pagdating kay Marguerite."

Kumunot ang noo ko sa binanggit niyang pangalan.

"Sino si Margu-"

"Mason, tapos na ba ang karne?" tanong ni Balthazar habang sabay na hinahalo ang dalawang kawali. Gumagawa ng ingay ang kalampag ng metal sa lutuang gawa sa putik. Nagpunas ito ng pawis sa noo gamit ang puting towel sa bulsa nito. Medyo mainit na rin kasi rito, I myself is starting to sweat.

"Heto na po." Kinuha na ni Mason ang rekado at dinala sa taga luto. Inutusan siya ni Balthazar na ihalo at bantayan ang isang kawali.

Pinagpatuloy ko ang pagbabalat ng sibuyas pero hindi pa rin mawala-wala sa isip ko ang pangalang binanggit niya. Marguerite? Sino 'yun? His girlfriend maybe? I don't know but I'm suddenly bothered by that name.

Bigla akong tinamad sa ginagawa at nawalan ng gana.

Ish! So what if girlfriend niya 'yon? I don't even care if Marguerite is his wife. May boyfriend naman ako na super gwapo! At malambing at palagi pang naka ngiti.

I envisioned Benj's face at nakaramdam ako ng pag gaan ng dibdib ko.

"Tapos ka na ba diyan, Avy?" Lumapit sa'kin si Balthazar.

"Ah, opo. Eto na." Sinikop ko ang mga nabalatang sibuyas at ibinigay dito para hiwain niya. Hindi na nila binibigay pa sa'kin ang paghihiwa ng sibuyas, and I'm thankful for that. Ang sakit kaya sa mata ng sibuyas.

The first time I helped in the kitchen, I eagerly volunteered na ako na ang maghiwa ng sibuyas. Somehow, gusto ko rin naman kasing maging useful sa barko. And I also want to impress them, but I deeply regretted that decision.

Pirate's Stella (Pacifico Trilogy #1)Where stories live. Discover now