KABANATA 13

4.3K 187 35
                                    

Sprained•••

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Sprained
•••

He let out a sharp curse at agad tumalon mula sa hammock saka ako dali-daling binuhat. Mabibilis ang mga hakbang niyang tinungo ang hagdan pataas.

“Tawagin si Albion!” he roared to the people on that deck. Hindi ko na tiningnan ang iba pa dahil masyado akong naka pokus sa sakit ng kaliwang kamay ko.

Mabilis kaming naka rating sa cabin. Sinipa niya ng malakas ang pinto at gumawa iyon ng malakas na ingay na feeling ko halos mayaning ang buong barko! Buti na lang hindi nasira ang pinto.

He carefully laid me on the soft mattress. Ingat na ingat na baka sa maling galaw lang niya ay makakapag dulot iyon ng karagdagang sakit sa'kin.

Tiningnan ko ng masama ang gwapong mukha niya. Worry and guilt were etched on his face.

Lumayo siya mula sa kama saka ihinilamos ang palad sa mukha. Hindi rin siya tumitingin sa'kin.

Gumalaw ako para makaupo sa kama.

Agad siyang lumapit sa'kin and gave me a stern look.

“Huwag kang bumangon. Baka masaktan ka,” masuyo na sabi niya ngunit may bahid ng inis ang tono. He lowered himself, with one of his knee touching the floor para pumantay siya sa'kin.

“Hindi naman ako nabaldado. Kamay ko lang naman ang masakit. Huwag ka ngang OA,” naiinis pa rin na sabi ko sa kanya. “Bakit mo naman kasi ginawa 'yon?”

Hindi siya sumagot at pumikit na lamang. He himself looks confused and frustrated.

I tried to massage the hurt area of my wrist. Napangiwi na lang ako at itinigil na 'yon.

Nakita niya iyon at lumambot ang kanyang tingin.

Soft like a feather, he hold my left hand and placed it near his lips. Ramdam na ramdam ko ang mabining haplos ng magaspang niyang kamay.

Maingat niya iyong hinipan na para bang makakatulong iyon para mapawi ang sakit.

“Patawad, hindi ko sinasadya. Patawad..." Ang mga mata niya ay nagsusumamo. He looks like a lost puppy begging for forgiveness. My heart melted.

I suddenly felt my eyes watering, my throat clenching, hindi sure kong anong dahilan. Kung dahil ba sa sakit ng kamay o sa mabining pag hawak at ihip niya sa kamay ko.

“Shhh. Masakit pa ba? Dito ba?” nagpapanic na tanong niya nang makita ang namumuo kong luha. Marahan niyang inapuhap ang palapulsuhan ko. Mahina niya iyong pinisil-pisil habang patuloy na hinihipan.

Masakit na ang lalamunan ko kakapigil ng iyak kaya tumango na lang ako. I swallowed the big lump on my throat.

“Kapitan! Anong nangyari? Ang sabi ay pinapatawag mo raw ako.”

Pirate's Stella (Pacifico Trilogy #1)Where stories live. Discover now