KABANATA 44

3.4K 151 5
                                    

Free•••

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Free
•••

Umahon ang aking ulo mula sa tubig dagat at hinihingal na tumingin sa paligid habang pinapanatili ang sariling nakalutang.

Wala sa sariling napangiti ako nang mamataan ang isla, kaya mabilis kong ikinampay ang mga kamay para umahon.

Hindi mapigil ang sarili na lumuha sa sobrang kasiyahan nang ako ay nakarating sa dalampasigan ng isla.

Mukha na siguro akong baliw rito na umiiyak habang malawak na naka ngiti.

I scanned the whole area at nakitang halos walang pinagbago ang isla sa nagdaang apat na taon. It is still majestic and homie.

Hindi alintana ang lamig dahil sa pagkakabasa ng katawan na umakyat ako.

I trailed on the pathways with wild flowers growing side by side.

Malapit na ako sa bahay when my steps faltered at agad binayo ng kaba ang aking dibdib.

Various what if's are rumbling into my mind. What if he's already married? What if he doesn't want me anymore? What if coming here is a mistake?

I put my hands on my arms when the wind blows. The wet white dress that I'm currently wearing ay hinahangin ang laylayan. Ang buhok ko ay siguradong magulong-magulo at ang pumps na suot ko not ten minutes ago was nowhere to be found.

Nonetheless, sinimulan kong ihakbang ang mga paa and assured myself na kung ano man ang magiging resulta nito, tatanggapin ko.

And then I saw him outside the house.

He was slouching in front of the low fence na parang may inaayos.

The smile that I want to show him did not appear. Instead, ang mga luha ko ang nag-uunahang lumabas sa aking mga mata.

Bumalik lahat ng pangungulila ko at ang sakit na kay tagal kong kinimkim ay biglang naghalo na parang bula.

Gusto kong tumakbo para yakapin siya at umiyak sa kanyang dibdib.

Crying, I silently took a step to approach him, but the next scene was the final straw.

Caelen walked out of the house, wearing kitchen mittens and a rectangular pan on one of her hands. Nilapitan niya si Halcon at nag-usap sila saglit bago kumuha si Caelen ng tinapay sa pan na hawak at isinubo iyon kay Halcon.

And I did not fail to notice the gleaming gold band on her ring finger when she lifted her hand.

Halcon's face beamed and said something to her that made her laugh.

Pirate's Stella (Pacifico Trilogy #1)Where stories live. Discover now