KABANATA 45

3.9K 200 16
                                    

Finally•••

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Finally
•••

Natulos ako sa kinatatayuan nang magtama ang mga mata namin. I saw recognition flashed into his face and the undeniable longing in his eyes. At parang gusto ng maglaho ng galit ko sa kanya.

"Narito ako para kunin ang singsing," iyon ang mga unang salita na sinabi ko sa kanya matapos ang apat na taon.

Hindi siya agad naka sagot at matagal akong tinitigan, like he's still comprehending what he's seeing. Iniwas ko ang mga mata.

"Avyanna..." mahinang usal niya. His voice was deep and the tone was full of longing.

Gusto kong takpan ang mga tenga ko nang sa wakas ay marinig ko ang kanyang tinig. Ayaw ko ng muling magpaka tanga.

"Ang singsing, ibigay mo na sa 'kin," madiin na sabi ko.

"Anong singsing ang sinasabi mo?" Makikita ang kalituhan sa kanyang mukha.

Nakakainis! Bakit kailangan niya pang mag kaila at patagalin ito?

"Look! Huwag na natin itong patagalin, kailangan ko ang singsing para makaalis dito."

"Hindi ko alam ang sinasabi mo. Wala sa akin—"

"Pwede ba? Itigil mo na 'to at ibigay mo na lang sa 'kin ang singsing bago pa tayo makita ng asawa mo," I hissed in a controlled manner. Gusto ko siyang sigawan at bulyawan pero baka may maistorbo ako.

Ang kapal ng mukha niya! I know he remembers me. There's no mistaking the immediate reaction he did when he opened the door.

Mabibigat ang paghingang kinontrol ko ang sarili.

Gosh! Bakit ba palagi na lang akong naiiyak?

Pasimple akong tumingala, hoping to stop the impending tears.

"Sa loob tayo mag-usap. Nilalamig kana," He stated thoughtfully and that's when I noticed how my body was trembling. Not only from the coldness of the night but also from rage.

"I don't care! Just give me the ring!" Hindi ko na nakontrol ang boses ko. Ang sakit na kasi... Gusto ko ng umalis dito, gusto ko ng lumayo.

This house, this door that I'm standing. I once dreamed of it as being mine. As ours. I once dreamed of it as my safe haven. Where I can build my own family and live my whole life in contentment.

At hanggang ngayon ay iyon pa rin naman ang gusto ko, kahit alam kong may iba ng nakakuha ng pangarap kong iyon.

"Pumasok ka na." He ignored my protest at iniwan ako roon habang naka awang ang pintuan.

I watched his retreating back and a tear finally managed to make its way out.

I stood there for thirty seconds, contemplating if I should go in or bumalik na lang kina Salom.

Pirate's Stella (Pacifico Trilogy #1)Where stories live. Discover now