KABANATA 41

3.4K 165 140
                                    

I love you•••

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

I love you
•••

Biglang bumalik sa dati ang lahat at nakita niyang natigil sa paglalakad si Caelen. Umawang ang kanyang bibig at may nasasaktang ekspresiyon sa kanyang mukha.

Ikiniling niyang muli ang ulo, desididong maalala ang mukha ng babae, ngunit tulad ng una ay hindi niya makita.

Tila nabuhayan naman ng loob si Beatrice at tuwang-tuwa sa narinig.

“Kuya Halcon! Naaalala mo na si ate Av—”

“H-halcon, ayos ka lang ba?” putol ni Caelen kay Beatrice. Alam niya kung ano ang itatanong nito kaya naman bago niya pa mabanggit ang pangalan ng babae ay pinutol na niya ito.

Hindi niya hahayaang muling maalala ni Halcon ang babaeng iyon. Hindi na siya babalik kaya wala ng dahilan para maalala niya ito. Sapat na siya upang tuluyan nang mawala si Avyanna.

“Sabi ni Dina ay nakita ka raw niyang nagpunta rito. Sabay na tayong pumunta sa daungan?” tanong niya nang may matamis na ngiti na siyang kabaliktaran ng kanyang tunay na nararamdaman.

Si Beatrice naman ay hindi na maitago ang simangot niya. Mabait naman si ate Caelen, kaya lang, hindi niya nagugustuhan na parang ayaw nitong maalala muli ni kuya Halcon si ate Avyanna.

“Sige, tapos na rin naman kami ni Beatrice sa ginagawa,” sabi ni Halcon at binalingan si Beatrice.

“Ah. Oo, salamat sa pagtulong, kuya Halcon,” walang nagawang sagot ng dalagita.

“Walang anuman,” ngiti niya at lumapit na kay Caelen.

“Halika na.” Kinuha ng binata ang lalagyanan na hawak ni Caelen at binitbit iyon. Nagsimula na silang maglakad at nang makalayo ng kaunti ay nagsalita si Caelen.

“Uhm... Saglit lang pala, may tatanungin lang ako kay Beatrice,” aniya.

“Sige, hihintayin kita.”

Tumalikod ang dalaga at binalikan si Beatrice na nakatayo pa rin sa pintuan ng kamalig.

Pinaglalaruan ni Beatrice ang kanyang mga daliri habang tinitingan ang paglapit ni Caelen. Iniisip kung bakit ito bumalik.

“Huwag mo ng subukan pang sabihin o ipaalala kay Halcon si Avyanna. Alam mo naman ang nangyari dahil sa ginawa mo,” malamig niyang sabi na may pag-aakusa at pagbabanta, malayo sa mahinhin at matinis niyang boses.

“Pero hindi ko naman iyon sinasadya at saka kusa naman niyang naalala si ate Avyanna kanina.”

“Kahit na. Wala na si Avyanna kaya wala na ring silbi kung maaalala man niya ito.”

Bumuka ang bibig ni Beatrice upang magsalita pero hindi na rin niya ginawa. Matatagalan silang mag-uusap lalo pa at naghihintay si kuya Halcon sa kalayuan, kung saan hindi sila nito maririnig.

Pirate's Stella (Pacifico Trilogy #1)Where stories live. Discover now