KABANATA 2

6.4K 290 110
                                    

The Mermaid•••

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

The Mermaid
•••

"Kapitan! Kapitan!"

Ang mga malalakas na sigaw ni Monde ang nagpagising sa kanya habang malakas itong kumakatok sa kanyang kabana.

Kahit na pagod at inaantok ay bumangon siya mula sa kama upang harapin ang kanyang tauhan.

Hindi na siya nag-abalang magsuot ng kanyang pang-itaas. Mukhang mahalaga ang nais sabihin ni Monde.

Binuksan niya ang matibay na pintuang gawa sa kahoy ng narra.

"Ano iyon, Monde? May problema ba?"

Namumutla ang mukha ni Monde at mukhang maiihi sa natatakot na hindi maintindihan.

"Kapitan! Kailangan niyo itong makita." Nagmamadali itong nagpunta sa kwarter deck. Sumunod siya rito at nakita ang ilan pang mga kasamahan na tila may tinatanaw sa dagat.

Ang kanilang mukha ay halo-halong pagkamangha at takot.

"Iyon, kapitan!" Itinuro ni Monde ang isang bagay na palutang-lutang. Sa ibabaw nito ay may nakapatong na isang puting bagay.

Ngunit habang papalapit ito ay unti-unting lumilinaw kung ano ang bagay na iyon.

"Sirena! Isang sirena!" nanginginig na sigaw ng isa na sinegundahan ng iba.

Ang puting bagay na nakapatong sa malaking parisukat na kahoy ay isang babae. Ang puting humahapit sa katawan nito mula sa kanyang balikat hanggang sa kanyang paanan ay sumasabay sa alon. Mahaba ang buhok nito at maputi.

"Isang sirena!" sigaw nilang muli.

Ang mga sirena ay kinatatakutan sa karagatan. Bagaman hindi pa naman nakakakita ng isang tunay na sirena ay labis ang kilabot na dulot nito sa mga tao.

Ang kwento sa kanila ay hindi nawawala. Ang mga sirena, kaakit-akit sa panlabas, ngunit sisiluhin ka lamang nila sa iyong kamatayan. Ngunit alam niyang hindi lahat ng sirena ay kapahamakan ang dulot.

Ang isang ito ay hindi sirena.

Tila isang pasahero ng isang barkong lumubog dulot ng malakas na bagyo nitong nagdaang gabi.

"Hindi iyan sirena. Pagmasdan niyong mabuti." ani Salom, ang isa sa pinaka matanda sa barko. Kahit sa edad nito at hindi pa rin kumukupas ang linaw ng kanyang paningin.

"Kapitan? Ano ang gagawin natin?" tanong ni Matias.

"Ibaba ang planka," tipid na utos niya at saka walang babalang bumagsak sa tubig, hindi na narinig ang protesta ng ibang pirata sa barko.

Kung sino man ang taong ito ay nangangailangan ng tulong kaya kailangan niyang magmadali.

Ang lamig ng tubig ay nanunuot sa kanyang buto kaya mabilis niyang nilangoy ang kinalalagyan ng babae.

Pirate's Stella (Pacifico Trilogy #1)Where stories live. Discover now