KABANATA 18

3.8K 196 39
                                    

Sign•••

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Sign
•••

Mula sa likurang bahagi ng barko ay naka salampak ang dalawa sa sahig habang ang likod ay naka sandal sa patong-patong na crate.

Saglit na walang nag salita sa kanila at nag papakiramdaman lang.

“May ikukwento ako sayo,” panimula ni Galen habang ang tingin ay nasa mga bituin sa langit.

Naka bend ang isang tuhod nito at nakapatong doon ang isang kamay nito. Habang si Avyanna naman ay yakap ang dalawang tuhod.

Hindi siya nagsalita at hinintay na lamang niyang mag patuloy ito.

“Bago ako napunta rito. May nakilala akong isang napakagandang babae. Mahaba ang kanyang buhok at may maamong mga mata. Unang kita ko palang sa kanya. Alam kong wala na akong ibang mamahalin bukod sa kanya.” He dreamily smiled at the sky at ngumiti ng maalala ang mga sandaling iyon.

He sighed heavily.

“Pero hindi kami pwede… Anak siya ng isang duke, habang ako ay isang tauhang nangangalaga lamang sa kanilang mga kabayo.”

“Isang araw, bigla siyang lumapit at nais daw niyang magpa turo sa pangangabayo. Tandang-tanda ko pa ang namumulang pisngi nito habang sinasabi iyon.”

“Mula noon, naging malapit kami sa isa’t-isa. Mas lalo akong nahulog sa kanya.”

Then he finally looked down. Ilang segundo siyang tahimik.

Pinagmasdan ni Avy ang kasama. Kumuyom ang palad nito na nakapatong sa kanyang siko.

“Hanggang sa isang araw. Sinabi niyang mahal niya ako. Sobrang saya ko ‘noon. Pakiramdam ko, ako ang pinaka maswerteng lalaki sa mundo.” Nag angat ito ng tingin ng may mapait na ngiti sa labi.

Napaka lungkot ng kanyang mga mata at puno ng pait. Hindi magawang maka pagsalita ni Avy dahil sa bikig na namumuo sa kanyang lalamunan.

She doesn’t know. It feels like, pati siya ay hindi na rin maganda ang pakiramdam sa susunod na sasabihin ng lalaki.

“Pero tinanggihan ko siya.”

Napa singahap si Avyanna at namasa ang mga mata. Nanakit ang kanyang lalamunan.

“B-bakit naman?”

“Hindi kami pwede. Isa siyang maharlika, isa akong tauhang na sa kwadra lang nababagay. Ipinagkasundo siya ng kanyang mga magulang sa anak ng isang duke rin.”

“Hindi ko kaya iyon. Wala akong panama doon. Kahit ilang taon akong mag trabaho ay hindi ko maibibigay sa kanya ang buhay na kayang ibigay sa kanya ng duke. Marami pa siyang mararating sa buhay kung hindi ako ang kasama niya.”

“P-paano mo naman nasabi y-yan? Hindi ba ang mahalaga ay nagmamahalan kayo at kaya niyong ipaglaban ang isa’t isa?” gumagaralgal ang boses na tanong ko at tahimik na nakikisimpatya sa babaeng iyon.

Pirate's Stella (Pacifico Trilogy #1)Where stories live. Discover now