KABANATA 17

3.9K 183 12
                                    

Love Struck•••

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Love Struck
•••

“So, Mason, mag kwento ka nga tungkol sa Marguerite?” ani ko sa kanya habang pareho kaming naka upo sa balustre ng barko. Ilang metro lang sa ibaba ng paa namin ay ang dagat.

“Mmm. Ang Marguerite?” Ikiniling niya ang ulo at nag isip. Tapos ay ngumiti siya na parang may naalala saka nag salita.

“Ang Marguerite ang pinaka magandang lugar na mapupuntahan mo. Mas maganda pa sa palasyo ng Britanya at Italya,” sabi niya na may pagmamayabang sa boses.

I tried to imagine what he said.

“Ibig mong sabihin? May magagandang building at palace rin doon?”

“Building? Hindi. Wala kaming building doon.”

Napa ngiti ako dahil naalala niya ang salitang building na itinuro ko. Sa nakalipas na dalawang linggo ay tinuturuan ko siya ng mga salitang English.

Mabilis naman siyang matuto at matalino pa. He even shared me his knowledge about French and Spanish language na nagpa gulat sa'kin.

Ang sabi niya ay may gurong nagtuturo sa kanila ng ganoong language sa kanilang lugar kaya siya natuto.

“Ang meron sa amin ay mga payak na bahay na gawa sa ladrilyo. Ang isla ay napapalibutan ng naglalakihang puno at mga halamang namumulaklak. Ngunit ang mas lalong nagpapaganda sa lugar ay ang mga tao.”

“Ladrilyo?” I frowned at the unfamiliar word.

Tumawa naman si Mason sa kalituhan ko.

“Ang mga hugis parihabang terracotta,” he explained.

I awed my lips nang maintindihan ang sinasabi niya.

“Doon ka ba lumaki?”

Tumango siya. “Noong nabubuhay pa ang aming mga magulang... Ngunit nang malaman ng aming malayong kamag anak ang pagkamatay ng aming mga magulang ay kinuha nila kami sa isla upang dalhin sa bahay ampunan.”

Naalala ko nga kwento niyang 'yon. Hindi ko pa rin mapigilang malungkot sa sinapit niya at ng kanyang pamilya.

“Paano ka napunta sa pagpipirata?” I always wonder about that thing. He's an orphan at nagtataka ako kung paano ba siya umabot sa ganitong trabaho.

“Tinulungan ako ng kapitan sa isang pamilihan.” Napakamot siya ng ulo at nahihiyang ngumisi.

“Nagnakaw kasi ako ng isang pirasong mansanas, gutom na gutom ako noon at hindi ko na makayanan ang sakit ng aking tiyan. Nahuli ako ng matabang lalaki na nagtitinda at nais akong parusahan at dalhin sa mga kinauukulan. Natakot ako roon dahil maaari akong makulong, pero nagulat na lamang ako nang biglang may nag salita at pinigilan ang matabang lalaki.”

I smiled, hindi na kailangan hulaan kung sino ‘yon. Si Halcon.

“Binayaran niya ang lalaki at dinala niya ako rito sa Agness. Mula noon, naging parte na ako ng kanyang grupo at mananatiling tapat sa kanya,” he said and tipped his head with clear admiration to the person who saved him.

Pirate's Stella (Pacifico Trilogy #1)Where stories live. Discover now