KABANATA 10

4.5K 206 43
                                    

Foolish•••

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Foolish
•••

Iniahon nina Halcon ang baul na gawa sa kahoy. Ang gilid nito ay napapalibutan ng bakal at may malaking kadena na nakakabit sa paligid nito. Sa gitna ay may susihan na nagkulay  lila dulot ng kalawang. Lumang-luma na ang baul ngunit nananatili pa rin itong matibay.

Nagbunyi ang mga iba sa tagumpay. Sa wakas ay nakuha na nila ang kayamanang nagmula lamang sa isang alamat.

May pagmamadaling sinira nila ang kadena at pwersahang binuksan ang baul. Tila bigla itong nag liwanag kaya tinakpan ko ang aking mga mata.

Everyone was anticipating the gold and diamonds the chest might contain. But I'm suddenly interested to see the mysterious ring Salom talked about.

Pero imbes na ang singsing ang makita ko ay si Benj ang nakatayo sa harap ko.

“Benj?” gulat at natutuwang ani ko. Agad ko siyang nilapitan at  niyakap sa tuwa pero itinulak niya ako.

“Anong ginagawa mo rito?” Hindi ko pinansin ang kanyang ginawa. Blangko lamang ang mukha niya, walang maaaninag na kung anumang emosyon sa kanyang mukha.

“Halika na, Avy. Umuwi na tayo.” Inilahad niya ang palad kung saan naroon ang isang singsing. Kulay puti ang bato nito at kumikinang, katulad na katulad ng buwan.

“Benj, anong nangyayari?” nalilitong tanong ko sa kanya.

“Halika na. Isuot mo na ang singsing para maka uwi na tayo.” Malamig ang kanyang boses. Parang hindi manlang natutuwang makita ako.

Inabot ko ang singsing at isinuot iyon. Iniangat ko ang kamay para pagmasdang mabuti ang singsing. It's a white diamond with a gold band. Ang loob nito ay tila may usok na naglalaro sa loob.

“Where did you get this?”

Tiningnan kong muli si Benj ngunit wala na ito roon. I panicked!

“Benj? Nasaan ka!” Luminga-linga ako.  Hindi! Hindi pa siya pwedeng umalis, hindi niya ako pwedeng iwan dito! “Benj! Benj!” patuloy na sigaw ko.

“Avyanna!”

Iminulat ko ang mga mata and saw Halcon’s handsome face hovering above mine.

He's frowning and worried while grasping my shoulders.

“Avyanna, maayos ka lang?” His hold loosened and helped me sit on my bed.

Humihingal na tumango ako. Hindi pa rin maka get over sa napanaginipan. It seems so real.

Nagsalin siya ng tubig sa tasa at ibinigay iyon sa'kin. Kinuha ko iyon and greedily took big gulps.

“Sino si Benj?” biglang tanong niya habang nakatitig sa mukha ko.

“Huh? Paano mo nalaman ang tungkol kay Benj?” nagtatakang tanong ko.

“Binabanggit mo siya sa iyong panaginip kanina lamang.”

Pirate's Stella (Pacifico Trilogy #1)Where stories live. Discover now