KABANATA 32

3.1K 150 8
                                    

Distract•••

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Distract
•••

Naghahalo ang kaba, excitement, inis at selos sa dibdib ko.

I'm nervous of getting caught, excited of getting the map and jealous of that b*tch of a woman who is dancing with my man!

Kinuha ko ang nakalahad na kamay ni Emeric.

But I started to worry when he did not lead me in the middle of the hall where the pairs were waltzing. Instead, he gripped my hand at iginiya ako sa isang pasilyo.

Bumilis ang aking paghinga at tiningnan si Halcon who is eyeing me with alarm on his face. I can see that anytime, he will hurl his dancing partner to come near us. But I nodded at him as an assurance that I'll be okay.

Nawala na siya sa paningin ko nang tuluyan kaming pumasok sa pasilyo.

Binitawan niya ang aking kamay at inilagay iyon sa kanyang siko.

“Ano'ng ginagawa natin dito?”

“Naisip kong mas nais mong lumanghap ng malamig na hangin kaysa ang sumayaw. Mali ba ako?” Nilingon niya ako habang patuloy pa rin naming binabagtas ang pasilyo.

“Hindi. Ang totoo niyan ay ganoon na nga ang nais kong gawin. Masyadong maalinsangan sa loob.”

“Mahilig ka ba sa mga halaman, Eloise?” The way he said my name is mixed with intimacy. He’s so comfortable in saying it na parang matagal na kaming magkakilala.

“Uhm… Oo, may hardin kami sa aming mansion. Iyon ang paborito kong lugar.”

“Kung gayon ay tiyak na magugustuhan mo ang pupuntahan natin.”

“Pupunta ba tayo sa iyong hardin?”

“Paano mo nalaman?” he asked while playfully acting so shocked.

“Natatanaw ko na rin kasi ang mga halaman sa dulo ng pasilyo,” sagot ko na nakatitig sa labas kung saan matatanaw ang ilang halaman at bulaklak na naiilawan ng ilang lampara na inilagay sa hardin.

Agad akong nag-isip ng maaari naming pag-usapan upang magtagal kami roon at magkaroon ng oras si Halcon na pumunta sa library ni Octavio.

Bumungad sa amin ang isang malawak na hardin. Too wide na hindi ko makita ang hangganan. Hindi sa kalayuan ay isang mataas na shrubbery. The shrubs were cut meticulously. The angles are sharp and clean. It's the maze.

May iilang lampara ang nakakabit sa mga posteng naroon kaya kahit sa gabi ay naaaninag ang kulay ng mga magagandang bulaklak na namumukadkad.

“Oh my!” Natutop ko ang bibig at nilapitan ang isang kama ng bulaklak.

“Itim na rosas?” namamangha kong tanong.

Sumunod siya sa akin.

“Tanim iyan ni Laela. Mahilig siya sa mga bulaklak at halaman. Aniya ay kasinganda niya raw ang mga ito,” natatawang sabi niya habang nakatitig sa mga bulaklak na parang inaalala ang mga sandaling sinabi iyon ng kanyang kapatid.

Pirate's Stella (Pacifico Trilogy #1)Where stories live. Discover now