KABANATA 23

4.1K 184 34
                                    

Cropped•••

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Cropped
•••

The loud noise of clashing swords filled the deck. Ang dalawang magkalaban ay mabilis na nag papalitan ng atake.

Sa isang gilid ay naroon si Halcon at Xaun. Nakasandal ang dalawa sa balustre habang pinapanood ang pag-eensayo ni Avyanna kasama si Cormack.

“Magaling siya para sa isang baguhan,” hindi mapigilang papuri ni Xaun nang makita kung gaano kalaki ang ikinahusay ng dalaga sa pakikipaglaban gamit ang espada.

Tumango lamang si Halcon at hindi nag abalang sagutin ang kanang kamay. Nakatuon ang kanyang pansin sa bawat galaw ng dalaga na nakikipaglaban kay Cormack bilang bahagi ng kanyang pagsasanay.

Mayroong paghanga at puno ng pagmamalaki ang kanyang mga mata.

Hindi niya mapigilang mapangiti nang maalala kung gaano kalaki ang kanyang ikinahusay sa nagdaang dalawang buwan.

Batay sa galaw ng dalaga ay hindi maipagkakailang mahusay na ito, ngunit nangangailangan pa rin ng karagdagang pagsasanay.

Naalarma ang binata at napa ayos ng tayo nang makitang bahagyang nawalan ng balanse ang dalaga sa lakas ng salpukan ng kanilang espada. Ngunit agad din naman itong nakabawi nang tumayo nang maayos ang dalaga.

The sparring ended when Avyanna fell down and lost with Cormack. Hindi siya agad naka tayo sa pagod. Inaamin niyang magaling si Cormack, tulad nina Galen.

So far, si Mason pa lang ang kanyang nakaka ensayo na nagawa niyang talunin.

Cormack handed his hand to her and helped her to get up.

Pinagmasdan ni Halcon ang namumula at pawisang mukha ng babae. May ilang hibla ng buhok ang tumakas sa naka buhol nitong buhok.

Lumapit si Avyanna sa kinatatayuan ng dalawang lalaki.

Pinunasan niya ang pawis sa kanyang sintido gamit ang manggas ng malaking dress shirt ni Halcon na siyang suot niya ngayon. Sa kanyang pang ibaba naman ay sapatos na gawa sa leather at pantalon na ginupit at tinahi niya para bahagyang mag fit sa kanyang mga binti.

“How is it?” excited na tanong ng dalaga kay Halcon sa kabila ng pagod.

“Magaling. Kaunting pagsasanay na lang ang kailangan,” malambing na sagot ng kapitan at hinawi ang ilang buhok na nasa kanyang pisngi.

“Ang galing mo doon, Avyanna. Hindi madaling kalaban si Cormack,” papuri naman ni Xaun.

“Thanks!” maligayang sabi ni Avyanna at tumawa nang mahina.

Pirate's Stella (Pacifico Trilogy #1)Where stories live. Discover now