KABANATA 40

3.4K 172 48
                                    

Retribution•••

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Retribution
•••

"Hatred only hurts the hater; it does nothing to affect the hated. Which makes it an impractical emotion."
- Lady Christabel, One Night with a Prince by Sabrina Jeffries


Umawang ang labi ni Seraphia kasabay ng pagtulo ng dugo mula sa kanyang bibig. Tumingin siya sa 'kin gamit ang nagsusumamo niyang mga mata habang hindi magkamayaw sa pagpatak ang kanyang mga luha.

Diniinan ko ang espadang nakatarak sa kanyang dibdib at ngumisi nang bumagsak ito sa malamig na sahig.

Walang ekspresyon akong lumuhod sa bangkay ng babae at iniangat ang kamay upang haplusin ang maputla niyang mukha. Ngumiti ako nang maramdaman ang malamig niyang balat. Ngunit ang lamig na iyon ay biglang bumalot sa aking pakiramdam nang matauhan sa aking ginawa.

Binawi ko ang kamay at lumakas ang tibok ng puso ko pagkakita sa duguan kong mga kamay.

"Bakit ko ginawa 'yon?" Hindi makapaniwalang umatras ako sa takot.

Hindi sinasadyang napatingin ulit ako sa mulat na mata ng patay na babae sa harap ko. Napapikit ako nang nagtama ang mga mata namin.

Hindi ko kayang tingnan ang mga iyon. I can't look at those haunting eyes. The eyes that mirrors how I cold bloodedly killed her.

Warm liquid trickled down into my cheeks. Umiling-iling ako, hindi matanggap sa sarili na ginawa ko ang bagay na ito.

"I'm sorry! I'm sorry-" Umiiyak na nilapitan ko ang bangkay. Nakaiwas ang tingin na hinawakan ang talukap ng kanyang mga mata upang isara iyon.

Nagulat na lamang ako ng umangat ang kamay ni Seraphia at ipinulupot ang mga mahahabang daliri sa aking leeg upang sakalin ako! Malakas at mahigpit, mabilis akong nauubusan ng hininga!

"Babalikan kita!" sabi niya sa isang kakaibang boses na hindi kanya. Nakakatakot, nakakapangilabot.

Iminulat niya ang kanyang mga mata at nagimbal ako nang makitang nag kulay pula ang gitna niyon.

Napaigtad ako at nagising mula sa panaginip.

Hinihingal na bumangon ako sa kama at napa hawak sa leeg. Nang masigurong isa lamang iyong panaginip ay isinubsob ko ang mukha sa aking mga palad at napaiyak.

I immediately felt the damp warm tears between my cheeks and palms.

How many months is it?

Three months...

Three months of excruciating nightmares and melancholy.

When will these stop? Hanggang kailan ko titiisin ang sakit? Araw-araw, dala-dala ko ang guilt. The pain three months ago did not subside even a little.

Hinayaan ko ang sariling humagulgol just like what I did last night and for the last sixty days.

Halcon was right, no one can take the space where my family lives in my heart. But I'm also right when I said that life without him left another hole in my heart.

Pirate's Stella (Pacifico Trilogy #1)Where stories live. Discover now